"Truth or dare?" Tanong sakin ng kaibigan ko dahil sa akin nakatutok ang nguso ng bote habang sa kanya naman nakatutok ang pwet ng bote.
Andito kami sa grand stand at naglalaro ng truth or dare.
"Dare." Agarang sagot ko.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. Ang lawak ng mga ngisi nila sakin. Ano naman kayang kalokohan ang pumasok sa isip ng mga 'to?
"Isigaw mo ang pangalan ng crush mo at sabihin mo na buntis ka at dapat panagutan ka nya." Sabi niya sakin at sabay tawanan nilang lahat.
"ANO?!" Gulat na sigaw ko. Napatingin naman sa direksyon namin ang ibang estudyante. Bakit ba kasi Dare ang sinabi ko? Hay nako Maria, hindi ka talaga nag iisip.
Hinanap ng aking magagandang mata at nakita ko si crush na umiinom sa water fountain na nasa malapitan lang sa pwesto namin.
This is it Maria. Breathe in, breathe out.
"PEDRO!!! BUNTIS AKO AT IKAW ANG AMA!!!" Nakita konga nagtawanan ang mga estudyante at may mga nakiki usyo narin na mga teacher, yung iba nag v-video pa, habang si Pedro naman ay nabulunan at tumingin sakin ng masama. "PANAGUTAN MO AKO!!!"
Humakbang na ako papalayo dahil masyado na akong nahiya sa kahihiyan na ginawa ko. Pero para akong tinamaan ng kidlat sa mga katagang na narinig ko mula kay Pedro.
"TIGILAN MO NGA AKO MARIO. MAY LAWIT KA AT WALANG MATRESS. LALAKI KA AT HINDI BABAE!"
