How I Met Her

2 2 0
                                    

Nasa kwarto ako habang nagse-cellphone nang bigla kaming tinawag ni Tito Jack. Anim kaming nasa salas; Tito Jack, Kuya Cloud, Ate Sky, ang kambal ko na si Rain, ang bunso namin na si Sunny, at ako. Nasa gitna si Tito Jack na may dalang german sheperd. 

"Dahil andito naman na kayong magkakapatid, let's start." Ano bang trip nitong ni Tito Jack? "As you can see, may german sheperd akong dala. Kung sino man ang pupuntahan nito, sakanya na itong aso." 

Wala naman akong hilig sa aso kaya tumayo na ako para umalis. Nakaka ilang hakbang palang ako nang may humarang sa dadaanan ko. Tinignan ko ito. Yung aso lang pala.

"Storm Ikaw na bahala sa aso. Wala pa 'yang pangalan kaya ikaw na bahala magbigay ng pangalan niyan." 'Yan ang sabi ni Tito bago siya umalis.

Tinignan ko yung aso. Nakatingin sakin habang nakataas yung tenga at nakalabas yung dila, winawagayway din yung buntot. Nagbuntong hiniga ako at kinuha yung aso. Medyo mabigat. Dinala ko sa banyo para paliguan.

Habang nagdadaan ang mga araw ay napapamahal na ako kay Silvester- ang aso ko. Lagi ko siyang kasama habang nagbabantay ng tindahan ng tita ko.

Nasa parke ako habang kasama si Silvester. Doon kami laging tumatambay. Lagi kong dala yung paborito niyang laruan, yung bola na gawa sa foam. 

Habang pinagmmsdan ko si Silvester, my babaeng lumapit sa kanya, mas bata siguro saking 2-3 taon. Habang nilalaro niya si Silvester ay nakatitig lang ako sakanya. Hindisiya yung tipo na girly. Nakasuot ng overside t-shirt at naka fitted na pantalon, naka ponytail naman yung buhok niya. Kahit parang badoy yung sut niya, I still find it cute. Natawa nalang ako habang kinakausap niya yung aso.

"Ang kyut kyut mo naman. Asan yung amo mo? Ha? Iuwi nalang kaya kita? Gusto mo?"

Tuwing pumupunta kami ni Silvester sa park, lagi ding nilalaro nung babae si Silvester.

Hindi ko namalayan na umupo n pala sa tabi ko yung babae kasma si Silvester.

"Sayo ba itong aso, kuya?" Tnong niya sakin. Bilang tugon ay tumango na lang ako.

"Anong pangalan niya?" Tanong pa niya.

"Silvester." Maikling tugon ko.

"Ako nga pala si Snowwy." Pagpapakilala niya saby lahad ng kamay. Agad ko namang tinanggap yung kamay niya.

"Ako naman si Storm." At doon nag umpisa ang pagkakibigan namin

Isang araw habang nagbabantay ako ng tinadahan ay may tatlong lalaki na dumating. Tumahol naman ng tumahol si Silvester. Medyo naguguluhan ako sa inasta ni Silvester. Nakita ko na lan na bumunot ng kutsilyo at itinutok sakin.

"Ibigay mo sakin lahat ng pera mo, kundi malilintikan ka." Pananakot sakin nung may hawak ng kutsilyo.

Binuksan ko yung drawer kung saan nakalagay yung pera. Imbes na pera yung kinuha ko, baril. Agad ko namang tinutok yung baril sa lalaki. gad namng nanlaki yung mata nung lalaki at nabitawan yung kutsilyo.

"Kung hindi pa kayo umalis,hindi ako magddalawng isip na iputok sainyo ito." Agad namang nagtakbuhan ng tatlong lalaki.

Gabi na nang magsara ako ng store. Habang naglalakad pauwi  kasama si Silvester, napansin ko na parang may sumusunod sakin. Hindi nga ako nagkakamali. Sila yung tatlong lalaki na tumutok sakin ng kutsilyo. Kinabahan kaagad ako. Nasa store yung baril. Shit!

Nang makalapit saking yung isa sakanila ay agad niya akong sinaksak sa tyan. Habang namimilipit sa sakit ay nakita ko namang kinagat ni Silvester yung sa kanila. Mukhang nagalit ito sa ginawa ni Silvester. 

Parang tumigil ang mundo ko nang biglang sinaksak si Silvester. Nagsitakbuhan naman agad yung tatlong lalaki nang may nakitang may kotseng paparating. Agad kong inabihan si Silvester kahit na may saksak ako. Hindi ko na napigilang umiyak. Ako lang dapat yung nasaksak eh. Ako lang dapat yung nasaktan. Shit! Bakit kasi naging pabaya ako?

Nakita kong lumabas yung tao na nasa kotse. And everything went black.

Nagising ako na nasa hospital na ako. Agad ko namang nakita ang pamilya ko.

"S-silvester"

"Anak." Kita ko ang luha na tumakas sa mata ni mommy. Isa lang ang alm kong ibig sabihin non.

"H-hindi!Si Silvester?! Asan siya?!" Hindi ko na napigilang sumigaw. If this is a dream, please wake me up.

"Wala na siya anak."

"N-nagbibiro lng kayo mommoy, diba? Buhay si Silvester mommy. Please tell me na buhay pa siya." Napahagulgol nalan ako ng walang sumagot saknila.

Nang madiscard ako sa hospital ay gad akong dumiretso sa Park kung saan lagi kaming tumatambay ni Silvester. Lumuluha ako habng nakatingin sa paboritong bola ni Silvester. I can still remember the times that we were having fun. Hindi ko akalain na mawawala siya sakin ng ganon kadali.

Naramdaman kong may tumabi sakin.

"Alam mo ba? Ang tagal ko kayong hinintay dito. Pero 2 weeks na ang nakalipas. Dumating ka nga, pero wala si Silvester. Hindi ko na kailangan tanongin kung asan siya. Pero kung nasaan man siya, alam kong lagi ka niyang binabantayan." Rinig kong sabi ni Snowwy

"Sayo nalang ito." Napaangat ako ng tingin at tinignan kung ano 'yun. May hawak siyang medyo maliit na Siberian Husky. " Napulot ko lang 'yan malapit sa basurahan. Wala naman aakong hilig sa mga aso. Mas gusto ko yung mga pusa."

Tinanggap ko namn yung aso.

"I'll call you Silvenia." Bulong ko sa aso.

Mula noon hanggang ngayon, naging matalik kong kaibigan si Snowwy. Sabay din naming pinanood ang paglaki ni Silvenia.

Salamat Silvester. Dahil sayo, nakahanap ako ng kaibigan. Kaibigan na tinuturi kong pamilya.

My One ShotsWhere stories live. Discover now