Einnee's POV
Andito ako ngayon sa bahay... nakakainip nga kasi hindi man lang kami nakapagbonding ng bestfriends ko.. Hayyy..
* kringggggg *
Best Danica is calling......
Si Danica ?? ano kayang nangyari sa kanya ...
" Hello Best ?? " sabi ko
[ Best, ipapadate nga nila ako... Tama ka.. tapos kasama pa ni papa yung ipapadate nya sakin at mamayang gabi na yung date.. Aishhh .. Anong gagawin ko best ?? ] sabi nya.. O __ O
" Ano !! mamayang gabi na nga ??? " sabi ko.. gulat na gulat talga ako..
[ Oo ehh... Naku naman.... tapos hnd kopa kilala yung lalaking ipapadate nila sakin.. ] sabi nya
" Ehh.. Ganito nalang.. Makipagdate kana lang pero sungitan mo yung lalaki, pero kapag mabait naman, dapat maging mabait ka din sa kanya.. ahh bastat tumawag ka nalang ulit kapag nakilala mo na sya.. " sabi ko
[ Osige best.. mamaya nalang ha ?? Kase maya-maya dadating na din si Papa... ] sabi nya
" Ahh.. Ok sige, Bye ! ingat ka lagi ! " sabi ko
[ Bye... ] sabi nya..
* toot toot *
Danica 's POV
Hay... 2:30 pm na.. maya-maya andyan na nyan si papa... Naku naman...
Ayoko talagang makipagdate.. Sabi ko sa sarili ko hindi ako papayag
pero bakit ganito ?? Makikipagdate parin ako.. Arrggghhh.. Naku naman,...
Mamaya lagot sakin ang lalaking ipapadate nila !Tawagan ko nga si ate para malaman nya.. Kung andito lang sya ngayon, hindi papayag yun na ipadate ako sa iba, kase walang kinatatakutan yun, kahit kay papa pa..
Dialling Ate Maan..
[ Hello Danica ?? Bakit ka napatawag ? Miss monako noh ? Hahaha.. I miss you ! ] sabi nya
" Oo ehh, I miss you too, tsaka ate may ibabalita ako sayo........ " sabi ko..
[ Ano yun ?? May boyfriend kana ? Nag-asawa kana ? o Buntis ka ?? Ayy masasabunot talaga kita !! ] sabi nya, hayy nako talaga.. Ang OA masyado.. May ibabalita lang sabay sabay pa syang nagtanong ng ganun...
" Hay nako, wala ate.. Bata pako noh ! Masyado kang OA " sabi ko
[ Ehh , ano ba kasing ibabalita mo ?? ] tanong nya
" Eh kasi ate si papa eh, ipapadate daw nya ako mamayang gabi... " sabi ko
[ Anoooooooooo !!!!!!!!!! Ayy talagang kapag wala ako dyan kung sino sino nananaman ang ipapadate sayo !! ] sigaw nya, Aray naman, nabingi ako dun ah.
" Atsaka mamayang gabi na yung date.. Ate anong gagawin ko...... " sabi ko
[ Edi magpaganda ka, Dapat kapag nakita ka nung lalaking ipapadate sayo dapat confident ka , yung parang sanay kanang makipagdate, tsaka tarayan mo sya.... ] sabi nya..
" Oo na sige ate, Byee .. Iloveyou !!!!! " sabi ko
[ Ok sige , I love you too.. Tawag ka agad sakin ah ? para malaman ko kung anong nangyayari dyan.. Ok sige na bye...... ] sabi nya..
* toot toot *
Namiss ko sobra yung ate ko, Close kami nyan, kase simula nung namatay na yung mama ko sya na yung tumayong parang mama ko... Sya rin nag-alaga sakin nung bata pako, sya rin nasasandalan ko kapag may problema ako... Kaya lang nandun na sya sa Singapore kasama nya yung asawa at anak nya... namiss kona din yung pamangkin kong si kyrie.. Hahaha.. Tsaka sabi nila nagmana daw ako sa ate ko.. Kase date Model yan.. isa syang sexy, friendly, Mataray lalo na kapag may umaaway sakin, Masyadong OA , Over Protective, At Maganda ! Sya na ata ang ideal girl ng mga lalake ehh.. Hayy.. Mag-aayos nako may Date pa daw ako mamaya ehh.. Aishh..
* 1 hour later *
Eto naka-ayos nako ngayon.. hinihintay ko nalang si papa, Naka mini dress lang ako na color red, light make-up, Naka curl yung hair ko, tsaka red na heels.. Pwede na yan, wag ko na masyadong paka bongga.. Bababa na nga ako sa salas dun ko nalang sila hintayin...
" Anak , andyan kana pala, eto pala si Jude, Sya ang sinasabi kong ipapadate ko sayo.. " sabi ni papa, andyan na pala sila , pwede na pero hindi ko sya type..
" Hi.. I'm Jude Andrew Manalo and your ?? " Sabi nya.. Wow.. Akala ko alam na nya name ko kase kasama naman nya si papa ehh..
" Danica Nicole Gonzales, Nice meeting you.. " sabi ko tsaka inisnaban.. Pakelam ko dyan.. Eh ang baduy kung mag-suot.. Hindi ko sya type... At ayun bigla bigla nalang akong umakyat ng hagdan ng---.....
" Anak saan ka pupunta ?? Dito ka muna.. Mag-usap muna kayo nitong si Jude at kilalanin ang sarili nyo... " sabi ni papa... Wait no ,no, no, ... hindi ako papayag na makadate yan noh.. Pero papano...
Ting !
" Pa, May sakit po kasi ako ehh, Masakit din po ang ulo ko, Sige kayo baka mahawa kayo dyan... " palusot ko para hindi na makipagdate at nag-react ako na para talagang may sakit ako at parang naniwala naman sila... At sa mga hindi nagkakaalam artista ako noh.. Magaling talaga akong mag-acting .. Pero artista lang ako sa panaginip.. Wahahhah...
" O sige anak, Magpahinga ka muna, baka nga mahawa mo kami, kapag nangyari yun hindi na ako makakapasok sa kompanya ko.. Sige at pumasok kana sa kwarto mo.. " Sabi ni papa, See ??? Napaniwala ko sila... hindi talaga maalis ni papa sa isip nya yung kompanya.. Eto at nasa kwarto nako.. Magpapalit na ako ulit ng pambahay... Hayy.. Salamat naman at nakalusot ako dun..