SIX: Truth

1.3K 92 14
                                    


____

Nakatingin lang ako kay Mira habang nakikisalamuha sa ibang naririto sa party. Dapat uuwi na kami sa pilipinas dahil ayaw niyang mag stay dito sa Singapore kasi baka daw mapag usapan na naman siya sa opisina, pero dahil nga naclose ang deal namin nag matandang Hanamichi kaya hindi kami nakauwi agad dahil nagpaparty siya para daw sa partnership namin. Kaya wala kaming nagawa!

Biglang kumaway saakin si mira, kumaway din ako pabalik, maya maya naglalakad na siya papunta saakin. "Oh bat ka tumigil?" Nagsasayaw kasi siya. "Samahan mo kaya ako." Sabi niya.

"I dont dance you know that. Go enjoy yourself." Pag tulak ko sakanya mahina lang naman.

"Boyfriend kita dapat hind ka nagrereklamo." Sabay busangot niya. Aw so cute. I love the childish side of this girl.

"Akala ko ba napipilitan kalang pumunta dito?" Pero lalo siyang napasimangot! Ayaw niya kasi kanina napilit ko lang, kaylangan ko pang makipag kasundo para sumama siya dito. At ang kasunduan yun ay sasama ako sa kanya sa weekend dahil namimis na daw ako ng mama niya. Kaya wala an akong nagawa. Pero heto siya at parang nag eenjoy naman. "Hind ko naman alam na masaya dito! Sige na nga, jan kalang, marami naman guapo dun, mag boys hunting nalang ako para magkajowa ako. Dami foreigner."

Sabay alis niya and what the fuck? Boys hunting? The hell?

"Hoy mira bumalik ka nga dito." I shout. Pero parang wala siyang narinig. Nagpatuloy lang sa paglalakad, susundan kona sana siya ng makita kung papunta sa kinatatayuan ko si sylvia. Na halos lumabas na ang kaluluwa niya. Girls ganitong klase ng babae ang kinatatakutan ng marurupok na lalaki. "Hi" kagat labi niyang bati saakin. "Why are you here? Your not enjoying the party do you?" Nang aakit niya tanong. The hell this girl.

"Actually i enjoy it." Sagot ko Nalang. sabay lingon ko, hinahanap ng mata ko si mira, saan na kaya ang babaeng yun? "Your looking for someone?..oh your girlfriend?"
Nilongon ko nalang siya. "Let your girlfriend enjoy this night." Sabi niya. Sabay malagkit na tumingin saakin. "You want go somewhere?" Humarap siya saakin. Sabay lagay ng kamay niya sa dalawang balikat ko. Agad kung tinanggal, lalo na nga makita kung nakatingin si mira sa amin! Bat ako biglang kinabahan.

Tinaasan lang ako ng kilay. "Confirm" dinig kung sabi ni sylvia! Bigla akong napatingin sa kanya, ngising ngisi. "She's not really your girlfriend don't you?" Biglang kumonot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito!

"What do you mean?" I ask.

"Because if i wear your girlfriend i maybe punch someone's face flirting with you." Ngisi niyang sabi.

"So your flirting with me?" I ask. Nagulat siya sa tanong ko, kalaunan ngumisi lang. "If were you! Stop flirting with me. You will never like to see my girlfriend's side." Sabi ko nalang this girl is so annoying ayaw ko sa presensya niya, mira and i playing couple tonight. But it doesn't mean na pwedi ku syang pagmukhahing tanga...

Iniwan ko si sylvia kasi wala naman planong umalis. Tumabi ako sa kay mira na nakatayo lang at may kausap. I put my hand around her waist, medyo nagulat siya pero nakangiti parin, lagot talaga ako dito mamaya,

"oh? bat ka umalis dun?" Bulong niya.

"Alamong ayaw ku sa babaeng nagyaya." Pero tiningnan lang ako ng masama.

"Mukhang malakas ang tama saiyo ah. Ang guapo mo kasi sarap mo isubsub dun oh sa cake." Sabay nguso niya sa cake. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Your acting like jealous girlfriend." Pero Sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Why should i.?" Sabay taas ng kilay niya. Minsan talaga ang harsh ng bunganga ng babaeng to. Oo nga naman bat ba siya magseselos? Truth hurts! Natawa ako minsan umaasa ako na may nararamdaman siya saakin na hindi besfriend lang.. pero alam ko naman na wala! When i say, i will marry her if she became 30 i mean it. Its because i love her, im owning her pero hindi niya alam yun. At natatakot akong malaman niya, dahil alam kung mawawala siya, mira and i becomes friends more than 9yrs now, at limang taon kona siyang minamahal, siya ang dahilan kaya wala akong naging matinong relationship, ang taas ng standards ko sa babae, at lahat nag yung nasa kanya.

Yung tipong pakakasalan mo muna bago mo ikama, masarap magluto, masayahin, magpagmahal sa pamilya, maka diyos! Siya yung tipo ng babae na hindi mo hahayaan na mawala. Kaya ginagawa ko ang lahat wag lang siyamh mawala, kahit pa siguro ilihim kona tong nararamdaman ko habang buhay. I sighed!

"Oh bat natahimik ka bigla? Napapagod kana ba?" Isa ito sa ugali niya na gustong gusto ko, yung kahit nagagalit o naiinis siya nag aalala parin. "Nakakailang yung titig mo. Alam kung maganda ako pero hindi tayo talo." Sabay tawa niya!

Tsk.

"Ano wala ka bang na hunting?" Pag iba ko ng topic. "I announce ba naman na boyfriend kita, paano pa ako makakahunting, panira ka talaga." Sabi niya sabay ikot ng mata. Natawa ako!

"Mag lovelife kana rin kaya ulit, baka magka love life rin ako." She said, while looking at me. I smirked!

"Hindi na! napag isip isip kung hihintayin ko nalang maging 30 ka para ikaw na ang pakasalan ko, ng hindi mag expire ang matris mo." I laugh hard. Tumingin ako sa kanya pulang pula na siya. "Bushak ka." Sabay alis niya.

Sinundan ko siya, pero tawang tawa parin ako, siya lang talaga ang nakapag patawa saakin ng ganito..

"Mira teka lang." Nung malapit na ako sa kanya. "Tigilan moko sasamahin ka saakin."

"Sorry na." Pero hindi niya ako pinansin.
"Gusto mo uwi na tayo?" Tanong ko nung makalapit ako sakanya, sabay akbay! Hindi naman pumalag. "Inaantok narin ako saka maaga pa tayo bukas." Tumango naman siya. Bumalik kaming dalawa sa loob para mag paalam kay mr. Hanamichi saka kami lumabas, naghihintay na ang limo na maghahatid sa amin sa hotel.

Pagdating namin sa hotel. Hindi parin niya ako pinapansin. "Woii. Sorry na kasi!" Kalabit ko sakanya. Pero wala!

"Mira wala naman expiration ang matris." Sabi ko. Kaya bigla siyang napatigil sa pag bukas ng pinto at biglang napatingin saakin!.
Seryoso pag ganito makatitig si mira nakakatakot, para kasi siyang nangangain ng tao, yung tipong isang galaw mo lang sasakmalin kana niya.

"Seryoso?" She ask. What the? Seriously?

"Tsk. Ewan ko saiyo matulog kana lang." I hissed kainis ang babaeng to.

"Woii eman." Tawag niya saakin. "Bala ka jan. Maaga tayong uuwi bukas."

"Maaga pa. Labas mona tayo!" Pamimilit niya. "Saka private plane mo naman sasakyan natin e." Kita moto, kanina niyayaya kong mamasyal inaantok daw, ngayon nagyaya maglabas, haysst girls sakit kayo sa ulo.

Kaya wala akong nagawa, nagpalit ako ng damit ganum din siya saka kami lumabas, naglakadlakad lang kami, may malapit na park sa hotel kaya dun na kami napadpad..

"Eman" tawag niya.

"Hmmp"

"Pag dumating yung araw na maghihiwalay tayo wag mokong kalimutan a."

"Anong ibig mong sabihin maghihiway?" Ano bang pinagsasabi nito, kaya nga ayaw kung magsabi ng totoo dahil yun ang kinatatakutan ko.

"Malay mo! Isang araw darating yung babae para saiyo, mag aasawa ka, paano kung yung maging asawa mo, katulad ng iba na ayaw saakin?"

Walang babae para saakin mira kundi ikaw lang. Gusto ko sanang sabihin.

Niyakap ko siya. "Kung darating man ang araw nayun, alamo naman na ang pipiliin ko yung babaeng tanggap ang existence mo sa buhay ko." Saka ko siya hinalikan sa ulo na palagi ko naman ginagawa! Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. May kung ano sa puso kona natatakot ako. Wag naman sana.

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon