EIGHTEEN: With Him Again

1.3K 85 9
                                    


ALA UNA ng madaling araw at heto ako gising na gising parin hindi ako dinadalaw ng antok, kaya napag pasiyahan kong lumabas na muna, dumungaw ako sa terrace. May nakikita naman akong mga tao pa sa tabing dagat maliwanag ang buwan sa kalangitan medyo malamig ang gabi dahil narin sa simuy ng hangin na nanggagaling sa karagatan.

Bumalik ako loob at kumuha ng jacket saka ako lumabas ng hotel. Pribado ang hotel na ito kaya nasisiguro kung safe naman maglakad sa dalamapasigan..

Naglalakad lakad ako sa tabing dagat. Napakatahimik ng paligid, tanging tunog lang ng alon sa dalampasigan ang maingay. Parang nakikisimpatya sa nararamdaman ko.

Nararamdaman na hindi naman dapat. Nararamdaman na mali! Pero bakit ko nga ba ito nararamdaman? Bakit ngayon nasasaktan parin ako? Ok naman dapat ako e. Masaya na ako sa buhay ko, pero bakit may ganito na naman?

Bakit pakiramdm ko pinaglalaruan ako ng tadhana? Tama pa ba to?

Hindi ko maiitindihan kung bakit sa dami ng tao saakin pa to nangyayari. Ganito ba talaga pag nagmamahal? Hindi ba pweding masaya lang. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Umupo ako buhangin habang
Nakatingala sa kalangitan habang pinapanoud ang kislap ng mga bituin.

Kung sana bituin nalang ako di isa na ako sa kanila tamang kislap lang, magtatago sa ulap. Susunod sa buwan!

Nasa ganun akong position ng may bigla nagsalita sa likod ko.

"what are you doing here? Gabing gabi na."

"Ahhhhhhhhhh." sigaw ko sa sobrang gulat ko. Putek! "ano ba? bat ka nanggugulat?"

"Im sorry!" hingi niya ng paumanhin. Pero nakikita ko parin ang pinipigil niyang tawa. "itawa mo nayan nahiya kapa." i rolled my eyes. Kahit hind naman niya nakikita!

Gosh bakit ba napaka guapo parin niya kahit Gabi? Lalo siyang naging matikas. Ang ganda parin ng hugis ng mukha niya..

"ang lalim ng iniisip mo, care to share!"

Napaismid ako.. Pag ba sinabi kung siya ang problema ko makakatulong ba siya? Yup si eman itong nasa harapan ko, at kung anong ginagawa niyo rito, malamang baka naghahanap ng mabibiktima! Ganito naman siya kahit noun pa.

"ikaw anong ginagawa mo dito? Naghahanap ka ng biktima?" tanong ko. Pero napatutup ako bigla ng bibig ko.

I forgot my amnesia pala siya.

"biktima? Anong tingin mo saakin. Aswang?" iling niyang sabi. Saka siya naupo sa tabi ko at tumingala narin sa langit.

Kung plano niyang bilangin ang bituin, pwes wag na niyang ituloy sigurado uumagahin siya, kasi ginawa ko rin yan kanina. Hanggang tatlo lang nakaya ko..

"nasa terrace din ako kanina ng makita kitang bumaba, kaya sinundan kita. Baka kasi kunin ka ng mga shokoy dito e, sayang naman. Hindi pa tapos ang shoot natin."

"Ano may shokoy dito?" tanong ko sabay tayo. Bweset! Tawang tawa naman siya.

Tongono!

Totoo naman kasi na may shokoy.
Hindi pa ako nakakakita pero alam ko may shokoy. Napanoud ko kaya ang marina!

"tss."

Napatingin ako sa kanya pero inismiran lang ako.

"naniwala ka talaga na may shokoy dito?" tanong niya.

"oo. Ikaw mukha kang shokoy!" sabi kona kina lingon naman niya.

"what the? Sa guapo kung to?"

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon