NINE: family

1.2K 88 7
                                    


__

KINABUKASAN Sa sobrang excited ko. Kulang na kulang ako sa tulog! Kaya maaga palang nagluto na ako, ng breakfast namin habang tulog ang guapo kung bestfriend.

Oo na guapo na siya kasi sasama siya saakin umuwi hehehe.

Hindi ko parin sinabi kay mama na darating kami para surprise. Ang alam kasi niya ako lang ang uuwi ngayon.

"hmmp. Apaka bango naman yan, nanonout sa ilong kaya nagising ang natutulog kung alaga."

"good morning bestfriend." bati ko sa kanya.

"kaya siguro masarap ang luto mo kasi masarap ang gising mo?"

"parang ganun na nga! Hehehe. Upo na baka lumamig." sabay hila ko ng upuan. Nagatataka man pero lumapit parin siya, sabay hawak sa noo ko. "wala ka naman sakit ah." sabi niya.

Napabusangot ako!

Basta ko nalang tinaas ang kamay ko at pinanggigilan ang pisngi niya. "ang guapo mo talaga." sabi ko. Pero parang mali yung naging paraan ko, dahil biglang nanigas si eman, nakatitig lang siya saakin! Hindi ko alam pero bigla akong na awkward. Kahit siya biglang napaupo, na parang nahihiya.

Hays. Ano bang nangyayari??

Tahimik lang kaming kumakain, hindi ko maintindihan, parang nag iba ang ihip ng hangin, hanggang sa matapos na kaming kumain hindi parin umiimik si eman.

Hind ko nalang pinansin, ayaw kong masira ang araw na to, baka hind kami matuloy sayang naman. Pero parang ang hirap naman umalis ng hind nagpapansinan tapos magkasama pa kayo sa iisang kotse.

Ang arte din kasi mag reach si eman akala mo naman ginahasa. Kaloka!

"eman.." tawag ko sa kanya, nasa sasakyan na kami ngayon at ang lolo niyo tahimik, parang aping api. Hahah

"hmmp.." sagot niya. Sarap sipain ang noo niyang malapad!

"may dalaw kaba ngayon?" tanong ko.

"dalaw? Anong dalaw?"

"dalaw! Regla,menstruation, ganun!"

Bigla siyang napatingin saakin, at ang sama sama ng tingin niya saakin.

"what the hell! are you talking about mira?"

Natawa ako.

"kanina kapa tahimik e. Sorry na kung nahawakan ko yang, makinis mong pisngi. Ang arte mo sa part nayun, akala mo naman ginahasa kita."

Nanlalaki ang mata niyang napatingin saakin. Kaloka.

"anong--?"

"--oh bakit hindi?"

"tss. Tigil tigilan mona yan kakanoud mo ng kdrama, kung ano anong maruruming hangin ang pumapasok jan sa utak mo."

"hoyyyyy.-"

"oh! Bakit hindi ba totoo? Kaya ka nag mumukha kang panda e."

Bigla tuloy akong napatingin sa salamin ng kotse, bushak wala naman akong eyebag.

"maiba ako! Diba sa inyo ka uuwi ngayon?"

"bakit ayaw mong samahan kita?" balik tanong niya. Hays!

"gusto sempre. Kaya lang diba nga pinapapunta ka ng mama mo sainyo, baka magalit saiyo yun."

"she will understand, saka isa pa parang hindi mo naman kilala ang mommy ko. Alam na natin ang tatakbuhin noon." umiiling niyang sabi! Naloka ako. "saka isa pa we have a deal right?"

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon