ELEVEN: Confess

1.2K 86 21
                                    


__

Kinabukasan parang walang nangyari. well except sa para akong panda sa laki ng eye bug ko hindi ako nakatulog sa bweset na.

im just jealous thingy nayun.

Si eman ito nagkukulitan na naman sila ni kuya, napapaisip tuloy ako kung totoo ba yung sinabi niya oh nantitrip lang. Kasi kung pinagkatuwaan lang niya ako, baka maitakwil ko pa siya. Urrgh!

Last day na namin ngayon uuwi kami mamayang gabi, kaya nagplano kaming maligo, inimbitahan din ni mama sila sarah, zin, at sylvia. Kasama dapat si Roderick kaya lang lumuwas daw ng manila.

Buti nga hindi din nakasama ang Helena nayun baka lunurin kopa ang linta nayun.

Ang pinagtataka ko lang hindi ako kinakausap ni eman, sa twing nahuhuli ko siyang nakatingin saakin, biglang lilingon sa kabilang dako. Nakakainis dahil hindi ako sanay na ganito siya.

Pero hinayaan ko nalang, baka lang may pinagdadaanan, pero pag ginawa niya itong isang araw, i swear kalbuhin ko lahat ng bahagi ng katawan niyang my buhok, o kaya kukurutin ko siya ng nail Carter.

"May problema ba kayo ni Leighton?" Tanong ni sylvia, siguro napansin niya ang pananahimik kona usually hindi ko naman ginagawa. "Dahil ba ito gabi? Kasi kung dahil dun, ay iba. Ibang level na." Sabi niya! sabay may pagpalakpak.

Hindi ko tuloy alam kong sasabihin ko sa kanya yung sinabi ni eman. Baka kasi wala naman talaga yun, selos kaybigan ganun!

Bahala na nga, kesa naman sa solohin ko ito. Laking problema talaga ang lalaking ito.

"Spill it out, bago pa makahalata yung dalawa."

Pero tahimik lang akong nakatingin sa malayo.

"Kagabi kasi. May sinabi siyang unang beses ko lang narinig mula sa kanya, at sa totoo lang, hanggang ngayon nahihirapan akong ipasok sa sistema ko lahat ng yun yung matris ko nagwawala." Huminga ako ng malalim. "He said, he's jealous."

"Omg! He said that?"

"Ay hindi hindi." Sarcastic kung sagot. Pero tinawanan lang ako..

"So anong gagawin mo?"

Napatingin ako sa kanya ng masama. "Anong gagawin ko? Wala. May kaylangan ba akong gawin?"

"Ay Malamang, kausapin ganun! Tanungin mo siya girl."

"At anong itatanong ko? Kung bat siya nagseselos ganun?"

"Ay tanga. Ang lalake hindi magseselos yan ng gusto lang nila, nagseselos sila dahil yun ang nararamdaman nila. Kaya wag kang manhid friend!"

"So you mean--"

"--he's jealous because he likes you, but ofcourse you're too numb. Hind mo mararamdaman yun. tanga mo sa point na yun---."

Inambaan ko siya ng sapak.

"Oh..ohh. diba totoo?"

"Manhid agad?"

"E anong tawag dun? Sabi mo nga unang beses niya yung ginawa. Hays! Ewan ko saiyo jan kana nga." Sabay alis niya at iniwan ako mag isa..

Kaloka.

E anong magagawa ko, kahit naman malakas ang tibok ng puso ko, ayaw naman maniwala ng utak ko.

Lalo na ang matris kung 27yrs old na.

Pero tama naman si sylvia hindi ko masasagot to kung ako lang kaylangan ko siyang kausapin, para maliwanagan ako..

Bahala na. Its Now or never!

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon