TWENTY SEVEN: Revelation

1.3K 86 16
                                    


Lost..

EMAN:

__

This is probably the happiest day of my life. Hindi ko maiwasan mapangiti sa kawalan, para akong tanga. when i found out that mira is part of my past. I was speechless. Hindi ako makapaniwala kaya ganun nalang ang nararamdaman ko pag nanjan siya, lagi akong masaya. Napapangiti niya ako palagi sa maliliit na bagay na ginagawa niya, ultimo yung pagsusuplada niya.

when i lost my memory, kalahati ng buhay ko ang nawala, dumating ako sa puntong tinanong ko siya kung bakit pa niya ako binigyan ng pangalawang buhay kung inaalis naman niya ako ng alala. Sobrang hirap, hindi ko alam paano ako magsisimula, paano ako makikitungo sa mga tao sa paligid ko, kung paano ko tatanggapin na engage ako sa babaeng hindi ko kilala.. Pero tinangggap ko yun kahit pa nahirapan ako mag adjust.

But when i saw mira, dun nabago ang buhay ko. Bigla akong ginanahang mabuhay, hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko, kaya naman ginawa ko ang lahat. My mga tanong ako noon, pero ngayon nasagot na ano paba ang dahilan ko para questionin siya?

"bro are you still there?" napangiti ako sa tanong nayun ni daniel. Natulala na pala ako, habang ngumingiti, maaring baliw na ang tingin saakin ng mga tao.

"yeah..still here! So na nakita mona ba yung sinent ko?"

"yes, ipapasa kona para magawa na to agad agad! So kaylan mo plano?"

"a soon as possible."

"how about nadine?"

"i will talk to her. Wala na akong rason pa couz. Hindi pa malinaw saakin ang lahat noon pero ngayon alam kona kung ano si mira sa buhay ko, wala na akong dahilan pa para ituloy ang kasal kay nadine. If i have someone to marry no other than mira."

"paano si tita?"

"maiitindihan niya ako, she's my mom after all." narinig ko ang buntong hininga ni Daniel.

"ok then, i will help you!"

"salamat bro, your the best cousin!"

"sushh geh na bye!"

Bumalik ako sa mesa kung saan nakaupo si mira, pagkatapos namin mag usap ni daniel. I kiss her in the forehead bago ako umupo katapat niya.

"so are you ready?" tanong ko, andito kasi kami ngayon sa isang restaurant para mag agahan habang hinihintay na maihatid ang kotse ko, uuwi na kaming manila. Natapos na ang Kidnap vacation namin, kahit ang totoo ayaw ko pang umuwi..

"hindi ko alam paano mo nalaman ang lugar nato seryoso ba? Ang layo-layo!" ayun na naman ang pagsusuplada niya.

"ask khat siya nag suggest nito." ngisi ko..

"sir ok na po!" lapit saamin ng lalaki. "ganun ba salamat." inabutan ko ng tip bago umalis.

"so let's go madam!" sabay lahad ko ng kamay ko. Agad naman niyang inabot yun. Siya lang ate ang babaeng nakita ko na ang ganda parin kahit nag susuplada.. Hmmp!

Habang nasa byahe kami napapansin kung panay ang buntong hininga niya, kanina padin siya tahimik na parang bang sa sobrang lalim ng iniisip niya pag nalunod siya dun hindi ko siya maabot..

"may problema ba?" tanong ko. Sabay abot ng kamay niya, saka yun dinampihan ng halik. Ngumiti siya saakin, yung klase ng ngiti na nagpapatunaw sa puso ko, yung ngiting ayaw kung mawala.. Ngunit iba yung sinasabi ng mata niya. Hininto ko ang kotse ko sa tabi ng kalsada! Saka ko siya hinarap..
"is their something bothering you?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon