THIRTY ONE: The Plan

1.2K 89 16
                                    

Wild and weird

Eman:
__

Nakatayo ako sa tabi ni daniel habang hinhintay ang pagbukas ng pinto ng simbahan. Lahat ng tao dun nakatingin para salubungin ang bride, kahit ako ay nakaabang din! Ngayon ang kasal ng pinsan ko hindi ko maiwasan mapatunghay sa kanya, nakikita ko yung kaba niya. Minsan napapaisip ako kung dapat ba talagang kabahan o dapat bang umiiyak? Hmmm

"chill kalang sisipot yun!" bulong ko sa kanya dahil nakikita kung di siya mapakali. "alam ko naman yun, pero diko lang talaga maiwasan!" sagot niyang kabado parin.. "congrats nga pala. Finally ikakasal kana talaga kay khat. Wala talagang makakapigil pa pero baka gusto mong umatras sabihin mo lang." i joke. Kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"e ikaw kaylan mo balak, mag propose? Sayang yung binili mong singsing." natatawa niyang tanong. "naghahanap lang ako ng tsempo, isa pa nitong mga nakaraan, parang stress si mira. Nangangayayat na nga e!" sabi ko. Kasi totoo naman! Minsan madali siyang magalit, kadalasan naman sweet siya. Ilang lingo na ang nakaraan ng bumalik siya sa condo, kaya lang mas madalas na siya ngayon sa bahay nila.

"hindi mo tinanong?"

"sempre tinanong, pero wala daw yun!"

"hmmp!"

Magsasalita pa sana ako, pero bumakas na ang pinto ng simbahan kaya dun lahat napunta ang tingin namin! Napailing nalang ako ng makita kung nagpupunas ng luha ang pinsan ko habang nakatingin sa magiging asawa, diko tuloy maisawang mapatingin kay mira na ang laki ng ngiti habang nakasunod ang tingin kay kath na ngayo'y kasama na ang mga magulang papunta sa kinaroroonan namin..

One day you will be the most beautiful bride.. Nakangiti sabi, habang nasa kanya ang paningin ko.. Bigla siyang napatingin sa akin kaya nagtama ang mata namin, saka siya ngumiti ng matamis sabay flying kiss! Napapailing ako kunwari pero sinalo ko din sa hanging yung kiss saka binulsa, yun ang dahilan para mapasimangot siya.. I mounted i love you kaya napangiti na siya agad. Weird

**

Madaling natapos ang ceremony, kaya heto kami ni mira magkahawak kamay habang papasok sa reception. Hindi kalakihan ang venue dahil kaming mga kamag anak at iilang malalapit kaybigan lang ang andito..

"are you tired?" tanong ko kay mira nung makaupo na kami.. "yes, gusto ko na ngang umuwi kaya lang, minsan lang ikasal si Ford at kath, kaya ok lang!" ngiti niyang sagot habang nakatingin sa bagong kasal.

"gusto mo bang ihatid nalang muna kita! Pwedi naman kitang samahan, paalam mona ako kita kila tita."

"na dito lang muna tayo, sasayaw pa sila i can missed that."

"fine pero pag may iba kang naramdaman tell me ok? Wait kukuha mona kita ng pagkain!" tumango lang siya. Kaya agad na akong tumayo at tinungo ang buffet..

"oh si mira?" si sha! Invited din kasi siya,

"andun."

"ah sige lalapitan ko na"

"ok."

Marami ang kinuha ko dahil halos lahat naman ay paborito ni mira ngayon kainin. Natawa ako.. Pagbalik ko sa mesa namin ay agad kung pinatong ang dalawang platong dala ko, hindi naman ako nagkamali dahil namimilog ang mata niya habang nakatingin sa pagkain na para bang sarap na sarap kahit dipa man nakakatikim..

Napailing nalang ako..

**

Lumalim ang gabi, at natapos yun ng matiwasay, sobrang naging masaya ang lahat lalo na ang dalawang bagong kasal na ngayon nag byahe agad para sa honeymoon nila. Hindi man lang pinaaga.. Tumingin ako kay mira na natutulog habang nakaunan sa balikat ko.. Pagod na pagod!

TADHANA (complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon