Chapter 2
“Pagkakaibigan”
Nash’s POV
Napagod pala ako kagabi, kahit na kumain lang ako kasama ang barkada, ganto ako nahingal, na tanghali tuloy ako ng gising.
“O anak, mag almusal ka muna”Alok ni Inang Estella.
“Sige po inay”Sabi ni Nash at kumuwa lang ng tinapay.
“Ui bumalik ka agad at may papagawa ako sa iyo”Utos ni Kuya Carl.
“Sige Kuya,”Sabi ni Nash habang nag lalakad pa alis.
Nag door bell si Nash sa Kapit bahay……..
“O Nash, bat ka nandito”Tanong ni Tita Heart.
“Magandang araw po tita, nandyan po ba si Alexandra?”Tanong ni Nash.
“Teka lang iho pumasok ka muna at maupo”Alok ni Tita Heart.
“Hindi na po tita salamat na lang po”tanggi ni Nash.
“Sige, tatawagin ko lang ang anak ko”sabi ni tita Heart.
At lumabas na nga si Alexandra…..
“O best bat nandito ka?”Tanong ni Alexandra.
“A, Gusto ko sanang enjoyin ang first day vacation ko kasama kayong barkada ko”Sagot ni Nash.
“Eh nasaan si Kobe At Jairus?”Tanong ni Alexandra.
“Tinawagan ko na, papunta nay un sabi ko sa park tayo magkita”Sabi ni Nash habang naka tulala kay Alexandra.
Nash’s POV
Simula Grade two kaklase ko na si Alexandra at ngayon mag Sesecond year high school na kami pero ngayon ko lang napansin ang kagandahan niya, makinis at maputi pala ang balat niya, tapos maamo pa ang mukha, parang hindi papatay ng langgam.
“O ano pang iniintay mo, tititigan mo lang pa ako, baka maunahan ka?”Banta ni Alexandra.
“Huh?”Bahagyang kilig ni Nash.
“Ang bagal mo kako, tara na sa park”Sagot nio Alexandra.
At pumunta na nga sila sa park, nandoon na sila Jairus at Kobe.
“O kanina pa namin kayo iniintay”Sabi ni Kobe.
“Ang tagal tagal nyo, Ano ba ang ginawa nyo?”Tanong ni Jairus.
“Sinundo ko lang si Alexandra”Sagot ni Nash.
“Pre, Saan mo Sinundot, kaya pala kayo nag tagal kasi nag sundutan pa kayo”Pang aasar ni Jairus.
“Magtigil ka nga”Sigaw ni Kobe.
“Bakit, nag seselos ka’’ Dagdag pang aasar pa ni Jairus.
“Ui di ka na nakakatuwa, babae parin si Alexandra wag kang ganyan”Depensa ni Kobe.
“O ano laro tayo dito sa park”suhestyon ni Nash.
“Hindi, dito nalang kami ni Kobe”Sabi ni Jairus.
“Alexandra, Tara?”aya ni Nash.
“Sige doon tayo sa duyan, ugoy kita”Sabi ni Alexandra.
At nag laro nga ang dalawa….
“Pre ang sweet nila, kung hindi ko lang sila kilala iisipin ko mag nobyo sila”Sabi ni Jairus.
“Magtigil ka nga”Sabi ni Kobe.
“Bakit pre na seselos ka”Tanong ni Jairus.
“Ah, Hindi a, may iniisip lang ako”Pagkukubi ni Kobe.
Kina tanghalian…..
“Guys, may ice cream oh, Gusto nyo”Alok ni Nash.
“Oo basta gaya ng dati dalawa ang parte ko”Sabi ni Kobe
Nash’s POV
Ganyan talaga si Kobe, palaging dalawa parte, sabi ko nga dati dalawa kasi ang tiyan, ang takaw, kaya hindi pumapayat e.
Umalis muna saglit si Nash para bumili ng Icecream, at pag balik nya inabot niya agad ang Ice cream ng mga kaibigan.
“Ui, may icecream sa labi si Alexandra, Punasan mo Nash”Pambubuyo ni Jairus.
At pinunasan nga ni Nash ang labi ni Alexandra.
Namula sa selos si Kobe at sinabing “Guys aalis na ako tanghali na pala, inaantay na ako sa bahay”
“Alexandra sa bahay ka muna namin pumunta”Alok ni Rnzo.
“Sige, Itetext ko lang si Mommy”pansaangayon ni Alexandra.

BINABASA MO ANG
Summer Vacation
RomanceHELLO GUYS :) ITS ME BENEDICT LORENZO https://www.facebook.com/morlove.dict THE TITLE OF MY STORY IS "SUMMER VACCATION" PROLOGUE Ang babae ay nirerespeto, ginagalang, sila angdapat sentro ng ating atensyon, huwag natin silang pag lalaruan, lolokohi...