Chapter 17 "Barkada"

70 2 0
                                    

Chapter 17

“Barkada”

Nash’s POV

      Salamat sa mga kaibigan ko, sila pa ang gumagawa ng paraan para mag kabati kami ni Alexandra, sa ngayon nandito ako sa Burger house para matuloy na ang plano namin.

“Bro, handa ka na ba” tanong ni Jairus.

“Oo naman, di nga ako nakatulog kagabi e” kwento ni Nash.

“Pwest mukhang maganda ang tulog mo mamaya” salita ni Jairus.

“Sana nga” sabi ni Nash na may halong kaba.

“Pre, sigurado kami ni Kobe dyan” Sabi ni Jairus.

“Oo nga pala nasaan si Kobe? Tanong ni Nash.

“Sinundo yung Honey mo, O iyan na pala sila e”sabi ni Jairus sabay turo kay Kobe at Alexandra.

“Honey, sorry” sabi ni Nash sabay yakap kay Alexandra.

Nash’s POV

      Ito na ang pagkakataon ko para masabi at huminggi ng tawad kay Honey, Nakapag sorry na ako pero ang nakakagulat ay nang niyakap nya din ako, ibig sabihin ba nito bati na kami?

“Alam ko namang seryoso ang paghingi mo nga tawad e” banggit ni Alexandra.

“So bati na tayo?” Tanong ni Nash.

“Basta promise mo di mo na uulitin” Sabi ni Alexandra

“Promise” Sagot ni Nash.

“O sabi sa inyo  magkakabati rin kayo” singgit ni Jairus.

“Hoy nagmomoment yung dalawa, huwag kang epal” biro ni Kobe.

“Hahaha, tawanan ng lahat.

“Dali, order na kayo libre ko” banggit ni Nash.

“Guys, dalawa tiyan ko ah” paalala ni Kobe.

“Okay lang yan ako ang bahala” wika ni Nash.

“Tara, upo na tayo” paanyaya ni Jairus.

“Ako na nga oorder, ang bagal nyo e” Sabi ni Nash.

“Ikaw bahala Honey” Sabi ni Alexandra.

“Limang overload burger nga po at limang shake” Order ni Nash.

“Limang overload burger at limang shake, ito na po yung order nyo” Sabi noong tindera sabay abot ng pagkain.

“Wow, lalaki nanaman ang tiyan ko” sabi ni Kobe.

“Palagi naman e” pang aasar ni Jairus.

“Paki abot nga yung hot sauce” paki usap ni Alexandra.

“Ito honey o” sabi ni Nash sabay abot ng Hotsauce.

“Salamat” Sinabi ni Alexandra habang binubuhos ang sauce sa burger.

“Ui, mukhang madami na iyan” wika ni Nash

“Ayos lang yan” sabay kagat ni Alexandra sa burger.

“O Ayos lang? Anong lasa” Tanong ni Nash.

“Ang anghang, pahinging tubig” sigaw ni Alexandra.

Nash’s POV

      Iyan ang sinasabi ko e ,sobrang dami kasing nilagay na Hotsauce, hindi naman pala niya kaya, anong gagawin ko? Dali tulungan nyo ako.

“Ito Shake o, inumin mo dali” pag mamadali ni Nash na may halong kaba sa mukha.

“Hahaha ,  joke lang, hindi naman maanghang e, tinignan ko lang kung ano ang reaksyon mo, kung na videohan ko lang sana” pang aasar ni Alexandra.

“Naloko mo ako doon ah” pag amin ni Nash.

“Masyado ka kasing uto uto” biro ni Jairus.

“Oo nga” dagdag ni Kobe.

“Pasalamat kayo may utang na loob ako sa inyo kung hindi” Biro ni Nash.

“Hahahaha, huwag mo nalang silang intindihin” ika ni Alexandra.

“ Hahahah ang saya ko ngayon, kasi kasama na kita” sabi ni Nash.

“Ako rin naman eh, sana parati tayong ganito” hiling ni Alexandra.

“Sa susunod hindi na burger ang papakain ko sa iyo” sabi ni Nash.

“Eh ano naman” Pagtataka ni Alexandra.

“Yung hotdog ko naman, masarap din iyon” sabi ni Nash.

“Magtigil ka nga! Bata pa tayo , abnormal ka talaga” Ika ni Alexandra.

“Anong Abnormal noong nag bakasyon nga kami e ako nag luto ng hotdog in buns” kwento ni Nash.

“Ah, akala ko kasi kung ano na” sabi ni Alexandra.

“Kasi, kung ano-ano ang iniisip mo” pag paparinig ni Nash

“Sorry naman” paghingi ng tawad ni Alexandra.

Nash’s POV

      Saglit nalang at nag uwian na kami, nag bayad narin ako ng bill sa tindera, sulit ang 465 pesos ko basta kasama ko si Alexandra, pangako ko hindi ko na uulitin ang pagkakamali na iyon.

“Salamat bro” Sabi ni Jairus at Kobe.

“Hindi bro salamat, kasi kayo dahilan kung bakit kami nag kabati ng honey ko” sagot ni Nash.

“Wala iyon, alang-alang sa barkada” sagot nila Jairus at Kobe.


 

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon