Chapter 5 "Kasintahan"

96 4 0
                                    

Chapter 5

“Kasintahan”

Nash’s POV

  Ilang araw din naming itinago ang aming relasyon sa takot na mapagalitan, sa tuwing lalabas kami ang lagi lang naiming sinasabi ay lakad barkada, pero mukhang nakakahalata na sila, kaya napag desisyonan na namin ni Alexandra na sabihin na ang totoo.Una muna naming pinuntahan ang kaibigan namin.

 

“Jairus, nobya ko”Balita ni Nash.’

“Ikinagagalak kong malaman iyan, sa simula palang alam kong dito na hahantong ito”masayang sinabi ni Jairus.

“Salamat pre”Sabi ni Alexandra.

“Pero huwag nyo munag sasabihin ito kay Kobe, tiyak na magagalit iyon”banta ni Jairus

“Bakit naman?’’ Pagtataka ni Nash.

“Di ba nga malakas ang tama niya kay Alexandra?’’ sabi ni Jairus.

“Sige, Salamat”, Banggit ng dalawa bago umalis.

Nash’s POV

  Sunod naming pinuntahan ang bahay nila Alexandra, Syempre kailangan ng formality, inaamin ko medyo natatakot ako pero kailangan kong harapin ito paano kung sila na pala ang magiging biyanan ko, nasa ibang bansa ang papa ni Alexandra kaya ang Mama niya lang ang haharapin ko.

“Tita Heart, may sasabihin po ako sa inyo”Pambungad ni Nash.

“Ano iyon?”Tanong ni tita Heart.

“Girlfriend ko na po si Alexandra”sagot ni Nash.

“Talaga, Dalaga na talaga ang anak ko, may kasintahan na, parang kalian lang ako pa ang nag papaligo diyan tapos ngayon”Tuwang tuwang sinabi ni Tita Heart.

“Hindi po kayo galit”Tanong ni Nash.

“Bakit ako magagalit,e nakita ko naman kung paano ka pinalaki ng magulang mo , basta ingatan mo ang anak ko, nag iisang anak ko iyan”sabi ni Tita Heart.

“Sigurado po iyon tita, diba honey”sabi ni Nash.

“Oo naman, hindi pa nga kami e, prinoprotekhan na ako ni honey, edi lalo na po ngayon”Sabi ni Alexandra.

“O siya, may lakad pa ako eh mamimili pa ako para sa hapunan”Sambit ni tita Heart.

Nash’s POV

  Ang gaan pala sa pakiramdam kapag  nag sasabi ng totoo, kapag walang sikreto ngayon sila mama at papa nalang ang pag sasabihan ko, paano ko kaya sasabihin?

“Mama, Papa”Sigaw ni Nash.

Si Kuya Paul ang nag bukas ng pintuan…..

‘’O , Nash anong nang yari?”pagtataka ni Paul.

“Kuya, papasukin mo muna kami”Request ni Nash.

“Sige, tara dito”Sabi ni Paul.

At pumasok nga sila sa Loob…..

“Alexandra, si Kuya Carl, si Kuya Paul, at si Katrina, mga kapatid ko”pagpapakilala ni Nash.

“Ah, di ba kilala ko na sila”Banggit ni Katrina.

“Para mas pormal, mga kapatid ko, si Alexandra girlfriend ko”Sabi ni Nash.

“Ah, ganun ba? Hello”Sambit ni Alexandra

“Kuya nasaan sila Mama?”Tanong ni Nash.

“Nasa Kwarto sila, Katrina tawagin mo nga”utos ni Kuya Carl.

At tinawag nga ni Katrina ang dalawa….

“O anak bakit?”tanong ni amang Dino.

“Mama Estella, Amang  Dino, si Alexandra girlfriend ko”sabi ni Nash.

“O, ano pang iniintay nyo gawa na kayo ng apo’’ pabirong sabi ni Amang Dino.

Nash’s POV

  Ang tatay ko talaga, palibhasa matagal ng walang bata dito sa bahay kaya nasasabik na sila sa apo, pagbigyan ko kaya, biro lang baka magalit si Alexandra.

“Mahal, Mag boyfriend pa lang sila, hindi pa sila mag asawa”paglilinaw ni Inag Estella.

“A ganoon ba, sabik ang talaga ako sa apo”depensa ni Amang Dino.

“Sige po itay, pag mag asawa na kami, pag bibigyan ko po kayo”sabi ni Nash.

“Kuya gusto ko po babae para hindi na ako matomboy dito”Sambit ni Katrina.

“Sige,Pero malayo pa iyon”Sagot ni Alexandra.

“Oo nga kaya ngayon maghugas ka muna ng plato Katrina”pang-aasar ni Kuya Paul.’

‘’Kuya naman, ako nalang parati ang inuutusan”Reklamo ni Katrina.

“Hindi ka pa ba na sanay?, halika at sasanayin ka namin”Pang aasar pa ni Kuya Carl.

Nash’s POV

  Nagtawanan ang buo naming pamilya, dahil nga nag iisang babae, tapos bunso pa, lagi naming inuutusan si Katrina, kung ayaw naming mapagod si Mama, kay Katrina namin pinapasa, tamad kasi kaming mga Kuya niya. .

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon