Chapter 1 "Huling Araw"

461 5 0
                                    

Chapter 1

“Huling Araw”

 

Nash’s POV  

  Ano ba itong nararamdaman ko, saglit na lang pero hindi na ako makapag intay, parang gusto nang umalis ng mga paa ko dito , isa , dalawa, tatlo.

 

“Ring, Ring , Ring”Tunog ng bell tanda na uwian na.

Nagtakbuhan ang  mga bata palabas ng gate…

“Mga tol, huling araw na natin ito sa eskwela, gala muna tayo”Ika ni Alexandra.

“Oo nga saan nyo ba gusto?”tanong ni Kobe.

“Bakit manlilibre ka?”pambubuyo ni Nash.

“Hindi ako, si Jairus, first honor kasi”Pantanggi ni Kobe.

“Geh, call ako dyan! Saan nyo ba gusto?’’ Hamon ni Jairus.

“Hmmp, doon nalang tayo sa Burger House, Manlibre ka ng Overload burger”Hiling ni Kobe

Nash’s POV 

  Dahil nga kaibigan  namin si Jairus kahit anong hilingin namin ay approve sa kanya , konting bola, konting puri tiyak na manlilibre.

Sa Burger House…

“Apat na overload burger nga po”Order ni Jairus sa tindera

“Tol, bat apat lang, lima tayo o”Habol ni Nash.

“Pre, apat lang tayo o mag bilang ka nga”Sagot ni Jairus.

“Si Kobe kasi dalawa tiyan niyan e”Sabi ni Nash.

“O, bat ako nadamay diyan, pero okay lang naman sa akin kung dalawa yung akin”pag sasalita ni Kobe.

“Hahahah, ang takaw mo Kobe”biro ni Alexandra.

“Okay, limang overload burger nga po at limang shake”Order ni Jairus.

‘’Ito na po, limang overload burger at limang shakes’’ Sabi ng tindera.

Nash’s POV 

  At lahat nga kami ay nabusog, sa aming pagkain ay hindi namin namalayan na ginabi na kami, pero di na importante iyon mas importante nailibre na naman kami.

“Busog na ako”Sabi ni Kobe.

“Ako din”Pang sang ayon ni Jairus.

“Oo nga, ang sarap nito, pero busog na ako, Nash sayo nalang itong kalahati ng akin, di ko na kaya e  “pag mamakaawa ni Alexandra.

“Pero ayoko na”Sagot ni Nash.

“Pero gusto mo ba akong mamatay sa sobrang kabusugan”panlalambing ni Alexandra.

“Sige na nga, ayaw ko naman ng tumaba ka e”sambit ni Nash.

“Ayie lovelife”sabi ni Jairus.

“Magtigil ka nga’’ pagalit na sinabi ni Nash.

“Ah Ate magkano po?”Tanong ni Jairus sa Tindera.

“465 pesos lang po sir”Sagot ng tindera.

“Ito 500 pesos Keep the Change”Sabi ni Jairus.

“Wow, yaman”Sabi ni Alexandra.

Nash’s POV 

   Si Jairus talaga, basta may pera lahat keep the change , anak ni Mayor e , , hindi rin nag tagal at nag kaayaan nang umuwi ang barkada.

“Jairus salamat sa treat, sana sa susunod ikaw na ang Valedictorian’’ Papuri ni Kobe.

“Saan mo naman kaya kami ililibre pag nangyari iyon?’’ tanong ni Nash.

“Hahahah, mag susumikap muna ako para mangyari iyon”Sabi ni Jairus.

“Basta Tol, Salamat”Sabi ni Nash.

“Una na ako, baka iniintay na ako ni inay”Pagpapaalam ni Alexandra.

“Sabay na tayo, magkalapit lang naman ang bahay natin e”sambit ni Nash.

“Pre ingatan mo si Alexandra, pag may nangyari dyan, masisira ang pag kakaibigan natin”Banta ni Kobe.

“Syempre naman, kaibigan ko din naman siya e”Sabi ni Nash.

“Sige salamat bye-bye”Pagpapaalam ni Alexandra.

At umalis na nga ang dalawa nag lakad nalang sila gaya ng naka ugalian……

“Alexandra, Masaya akong makasama ka”banggit ni Nash.

“Ako din naman e , ang lambing mo kasi e’’ Pangsang ayon ni Alexandra.

“Ako malambing? Di nga”pagtataka ni Nash.

“Oo nga yun nga ang nagustuhan ko sayo e”Sabi ni Alexandra.

“Hahahah, may gusto ka saakin?”Pambubuyo ni Nash.

“Oo , este hindi, este oo pala”Palitong sabi ni Alexandra.

“Ano ba talaga?’’ Tanong ni Nash.

“Oo, Gusto kitang kaibigan”Sambit ni Alexandra.

“O yun na ang bahay nyo, Salamat sa magandang gabi”Sabi ni Nash.

“Sige Bye”Pagpapaalam ni Nash.

“Kita nalang tayo bukas”sabi ni Nash.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon