Hindi ko na napigilan yung sunod-sunod na mura na lumabas sa bibig ko.
It was a shitty day. Nanggaling pa ko sa meeting with executives sa building ng EZEM, and my brain was fried pero ayoko rin namang biglaang magcancel. Sadyang may something na sobrang malas sa araw na 'to at bukod sa napadaan kami sa area na walang signal, tyempong nasiraan pa kami ng sasakyan.
Di ako makapagtext sa kahit na sino, tas wala rin akong narereceive.
May isang oras din kaming nakatengga ni Kuya Jomar doon. Natagalan siya sa pag-ayos ng sira sa makina. Halos madrain ko na yung battery ng phone ko kakalaro para lumipas yung oras at para makalimutan kong sobrang gutom ko na.
Halos paliparin niya na yung sasakyan nung umaandar na ulit. Sakto ring malapit na kami sa café nung sunod-sunod na pumasok lahat ng messages.
63 galing kay Third. 106 sa groupchat. Ang dami ko ring notifications. May mga voice messages din, pero hindi ko na matignan. Saktong namatay na talaga yung phone ko.
Fuck. Lagot talaga ako nito.
"Neng, andito na tayo."
"May aabutan pa kaya ako nito?" Simangot ko. Nagbuga muna ako ng hangin tsaka nginitian si Kuya Jomar. "Thank you po sa paghatid, Kuya."
"Hihintayin ko po ba kayo o sasabay na kayo kay Third?"
I pursed my lips and glanced at the windows. Tama nga si Arianne, hindi nga masyadong matao dito. "Tignan ko po muna kung nasa loob pa siya. Sabihan ko na lang po kayo."
Tumango si Kuya Jomar kaya nagpaalam na ako at bumaba. Nasa tabi ng isang abandoned pier yung café na tinuro ni Arianne. Matapang ang amoy ng dagat at malamig ang hangin, at may fairy lights sa pagitan ng mga poste na iniilawan ang daan papunta sa café.
I slung my bag over my shoulder and started walking through the planks. Hindi pa ko nakakarami ng hakbang nang biglang bumukas ang pinto ng café at bumungad si Third--nagulo na ng hangin ang buhok niya at mukhang aligaga, at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Oh. My poor baby. Did I worry him too much?
Maliit akong nangiti nang maghinang ang mga mata namin and one syllable fell from my lips. Automatically. "Hey."
"Neia," he breathed softly, like a benediction and a sigh of relief, and he didn't waste any time getting to me. Natahak niya na ang daan at sakop niya agad yung kanina lang ay espasyo sa pagitan namin. I grunted at his weight and clutched his arms for support. Nakayukob siya sa'kin, folding himself in that I stood on tiptoes to meet his hug. He was taller than me, but at times like these it seemed like he was smaller. Warm. And trembling.
We lightly swayed with the force of the hug. I inhaled deep, basking in his warmth and presence and already I could feel all my weariness melting away. Bakit ba ulit ako pagod?
Humalik siya sa noo ko at hinigpitan pa ang yakap niya. Nag-alala siguro siya talaga nang sobra.
"Namiss mo ko?" maliit kong tukso sa kanya, hindi na kayang pigilan yung tawa ko. He pulled away so he could see my face, but he was still pressed all up on me. Wala kahit isang hinga ng espasyo sa pagitan namin.
"I thought I lost you again," bulong niya, nakatitig na naman sa paraang siya lang ang gumagawa. Like he was savoring how I looked like, like he was committing every inch to memory.
Maybe he was staring in case I'd leave him again. Maybe he doesn't know that I'm physically incapable of leaving him everagain.
"Sorry," I mumbled. "Nawalan ako ng signal, tas nasiraan pa kami ng sasakyan. Naghintay ka ng matagal?"
BINABASA MO ANG
bad romance
Fanfiction[COMPLETED] The memories of yesterday still haunt me. - Ireneia Salvador Five years ago, Ireneia and Third broke up. Five years later, they are the nation's newest love team, thrown together to work on the most ambitious film of the decade. No press...