May magandang dulot din yung pagpasok ni Neia bilang artista--it means I can see her everywhere. Dati nagtitiis lang ako sa iilang picture namin na meron ako, ngayon kahit sa commercials, sa billboards-- kahit saan ako lumingon nandoon siya.
But it wasn't enough. It never was. When you long for someone and all of your being craves for them, your other senses would find it unfair if only one gets satisfied. Kapag nakita ko siya, dapat naririnig ko rin siya. Dapat naamoy ko rin siya. Dapat nahahawakan ko rin siya.
Kaso... hindi naman ako makalapit.
"Ayaw ko po talaga."
Panay ang iling ni Jonas. Kakaiba rin. Nung pilit silang pinaghihiwalay ng babae niya halos hamunin buong mundo. Ngayong binibigyan siya ng explicit permission na lumapit, ayaw naman niya.
"We don't want to mix professional lives with our personal lives," dugtong pa niya. And that part I totally understand. Masyado nang masalimuot ang industriya para paghaluin pa ang dalawang iyon.
"Well, pano 'to?" Napakamot ang manager namin sa sentido niya. "We kinda expected you'd go for it. Sayang 'tong opportunity if it goes to someone else. It's the first collaboration between HIT and EZEM and we thought it best kung kayo ni Selene ang kukuha sa project."
"Sorry po," humalukipkip si Jonas at sumandal sa upuan. "Iba na lang."
"Bakit hindi na lang si Third?"
Napaangat ako ng tingin mula sa pinapanood na video sa cellphone. Huli talaga ako-- lahat sila nakatingin sa'kin ngayon eh.
"Anong mas importante kesa sa meeting natin, Third?" Simangot ni Manager, kaya nag-sorry na lang rin ako at itatago na sana ang cellphone, kaso gago si Justin. Nakipag-agawan pa sa'kin masipat lang kung ano yung pinapanood ko.
"Ohhhh, shit. Di ba si Ireneia 'to? Gagaya ka na rin kay Jonas, pre? Star-crossed lovers ka din?"
Gagaya? Si Jonas kaya ang nanggaya sa'kin. Mas nauna pa kong maghabol kay Neia kesa makilala niya si Selene.
"Si Ireneia? Anong meron kay Ireneia?"
"Crush po ni Third," agad na sagod ni Henri, kaya sinamaan ko ng tingin kaso di nagpatinag. Hindi nakatulong na gumatong din sa pang-aasar yung iba.
Ang ending, ako ang napili para tignan kung bagay sa role.
Tangina, totoo na. Makakausap at makakaharap ko na ulit si Neia. Sobrang saya ko pero nagpipigil ako kasi mapang-asar yung tingin ng anim. Parang di ako tatantanan pag-uwi namin sa dorm.
I was happy, excited, and for the most part scared nang malaman kong confirmed na si Neia na ang gaganap as lead actress. What if she hates me? Worse, what if she moved on and decided she doesn't care about me anymore?
BINABASA MO ANG
bad romance
Fiksi Penggemar[COMPLETED] The memories of yesterday still haunt me. - Ireneia Salvador Five years ago, Ireneia and Third broke up. Five years later, they are the nation's newest love team, thrown together to work on the most ambitious film of the decade. No press...