epilogue

433 14 1
                                    

There's this girl I know. There are days when she's brighter than the sun, and there are days when she's as tranquil as the moon. And I loved her more than life itself.

I first saw her during a school fair, during float parade. Nasa kabilang side siya ng kalsada, standing on tiptoes, laughing at something her friend told her. There was a glow about her that seemed so bright when she smiles, and under the low lights of the loud parade she seemed ethereal.

Hindi ako naniniwala sa love at first sight pero takte. Grabe yung gabing yon. Parang basta na lang ako pinana ni kupido.

Nagtama ang mga mata namin. Nahuli akong nakatitig sa kanya na parang tanga. Ngumiti na lang ako para di awkward, kaso umirap lang sa'kin.

Ang lala. Hindi pa nga ko nakikipagkilala basted agad ako.

Since then, wala nang bagay na ginawa si Neia na hindi ko nagustuhan. Nauubos barya ko sa kakabili ng lunch niya at meryenda. Mahirap magpapansin kasi mailap siya sa tao. Mahilig din mang-irap lalo sa hindi niya kilala. Pero hindi lang sobrang maganda si Neia-- sobrang bait din niya. How anyone could mistake her for being cruel or unkind when she's always been soft to the people around her is unfathomable.

"Pre, di ba nililigawan mo daw yung muse ng sociology?"

Nag-angat ako ng tingin mula sa plate na tinatapos at napasilip sa phone kong nakatabi. Hindi pa ulit nagvavibrate yon, ibig sabihin wala pa ring reply ni Madam. Grabe, ang tipid na nga ngumiti sakin tipid pa rin magreply.

"Bakit?" Kunot-noo kong tanong kay Nathan, pinsan kong ka-block ko rin. Magkaklase kami pero hindi sa lahat ng subject.

"Kamusta na siya? Nabastos yun kagabi sa after-party ng basketball team ng mga taga-Engineering. Sabi sa'yo dapat sumama ka-- hoy, san ka pupunta?"

Tangina. Ni hindi ko alam na pumunta pala siya sa after-party na yon. Tangina sino yung gagong 'yon babangasan ko 'yon. Hindi pa ubos lahat ng mura sa mundo sa utak ko nang ipagtanong ko sa kaklase niya, pero wala siya sa classroom nila. Pinatawag daw sa Dean's office.

Tinanong ko na lang din sa iba dahil panigurado naman hindi pa magsasabi si Neia sa'kin. Sinuntok niya daw yung gago kaya napuruhan, basag ang ilong. Buti nga. Bakit ilong lang, dapat bungo na rin?

Kaso dumating ang magulang at nireklamo sa department kaya ipinatawag si Neia sa dean's office.

"Dean, this is unfair. Wala namang masamang ginawa sa kanya ang anak ko, he even complimented her! Tapos gaganituhin niya? This is harassment!"

"Mawalang galang na po, pero buong gabi kong iniiwasan ang anak niyo because he kept on making lewd comments about me and my friends. If I really harassed him eh di sana hindi lang basag na ilong ang meron siya."

bad romanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon