Akala ko happy ending na kami pagkatapos 'non eh.
But happy endings are unreliable. They're made for fairy tales and movies. Pagbalik namin sa bansa, yung balitang nakabalik na si Arianne ang sumalubong sa amin.
I have nothing against Arianne anymore. She already suffered and endured enough at hindi na makatarungan kung pati ako dadagdag pa doon. But it wouldn't hurt to be careful-- ayokong mawala ulit yung pinakamahalagang parte ng buhay ko dahil lang sa hindi naman totoo.
"Hey," bati ni Arianne pag-upo niya ng silya.
"Uy," tango ko. Nag-update lang ako kay Neia ulit pero wala pa siyang message. It already feels weird to tell other people 'hey' when it means something else to me.
"Kanina ka pa?" Tanong niya.
"Hindi masyado. Mauna ka nang kumain, matatagalan pa daw si Neia."
"Ah, thanks. I will. But you know," binabaan niya ang boses niya at lumapit nang kaunti. "Hindi naman talaga masarap yung pagkain dito. Tuwing nandito ako nagkakape lang talaga ako."
"Lagi kang andito?"
"Before, pag gusto kong tumakas sa mundo natin. You know," she waved her hand. Gets ko naman agad kaya tumango na lang ako.
Nag-usap pa kami nang maliit at kamustahan. Nag-congratulate siya sa bagong movie at sa amin ni Neia. Nung lumipas ang mga minuto na wala pa rin si Neia, nagsend ulit ako ng message, pero wala naman siyang reply. Wala din siyang seen.
"Shit," bulong ni Arianne, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Diretso siyang nakatingin sa phone at frustrated na nag-iiscroll pababa. "Shit!"
"Ano yon? Anong meron?"
"Check Twitter."
Kunot noo kong binuksan ang app at sunod-sunod na napamura. Napasabunot ako sa sariling buhok at luminga sa paligid. Wala namang ibang tao bukod sa amin at sa servers. Sinong kumuha ng picture? Bakit meron? Nakita ba ni Neia? Is it why she wasn't here yet?
"Third calm down," himok ni Arianne. Alanganin siyang tumingin sa'kin at sa servers. "I'm sure it's harmless."
"Of course you think it's harmless, di mo alam kung anong pwedeng mawala sa'kin dahil dito," I snapped. Maingay na kumaskas ang paa ng upuan sa sahig nang tumayo ako at lumapit sa mga server na nagkumpulan sa counter. "Nasaan ang manager niyo?"
It wasn't a very proud moment, but I couldn't keep myself together. Isa daw sa crew nila ang kumuha ng litrato, but they didn't mean it to be malicious, first time lang daw talaga nila makakita ng artista kaya pinicturan nila.
"Third," tawag ni Arianne. Her eyes were wide with worry when they looked at me. "We have a problem."
Iniabot niya sa'kin ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
bad romance
Fanfic[COMPLETED] The memories of yesterday still haunt me. - Ireneia Salvador Five years ago, Ireneia and Third broke up. Five years later, they are the nation's newest love team, thrown together to work on the most ambitious film of the decade. No press...