Chapter 1

51 6 0
                                    

Chelsea's POV

Ang bagal ng oras! Juice colored. Wala na bang ibabagal 'to? Kaya nga ang sarap umabsent sa Biostatistics e. Puro na lang board works, at quizzes. Ni hindi man lang diniscuss sa amin kung paano gamitin ang formulas.

I looked to my left. Nakita ko si Archie na busy sa pag-solve. Siya na ata ang pinakamasipag mag-solve sa amin. Nakita niya akong tumitingin sa kanya.

"Having fun?" sabi ko sa kanya ng walang expression sa mukha.

Tumango lang siya at bumalik ulit sa pag-solve. I sighed.

Grabe, this is torture. Wala na nga 'yung mga kaibigan ko, snob pa 'tong katabi ko. Can this get any worse?

Kinuha ko ang phone ko at chinat sa line yung mga magaganda at gwapo kong kaibigan. Nasa kanya-kanyang subjects kami ngayon. Kailangan namin mag-take ng summer classes para pagdating ng first semester, konti nalang ang kukunin naming subjects. Masipag kami mag-aral no.

Four of my friends (Jio, Nike, Gian and Dino) were on the room next to ours, taking English class. The other two (Hana and Lily) were  downstairs, taking Speech class. Ako lang talaga ang napadpad sa Biostatistics.

Supposedly, lahat dapat kami e. Kaso, sa sobrang dami ng estudyante na umenroll dito, (including our block section) they divided the students and arranged the schedules para naman daw hindi masayang yung opportunity na kinuha namin para ma-take yung subjects.

I sent them a group message saying,

Me: guise talk 2 me im dying here
*insert crying sticker*

Habang hinihintay ang replies nila, sinubukan ko na rin na mag-solve ng problem na binigay ng Prof. Although ang subject na 'to ang weakness ko, ginagawa ko pa rin ang best ko para maipasa 'to.

I need to maintain my performance in academics. I'm always included in the list of achievers in our class and always on the top list in our school since first year, at dahil incoming fourth year college na ako in the next few months, magsisimula na naman ang stress at pressure sa akin.

Just thinking about it makes me wanna die. Ako kasi ang pangatlo sa aming magkakapatid. May trabaho na ang dalawang kuya ko. Ako na lang ang nag-aaral pa.

Hindi naman ako pine-pressure ng pamilya ko. Ako lang naman ang gumagawa nun sa sarili ko. Hehehe. Kaya ipupush ko na 'tong pag-solve ng tama sa problem na 'to.

Suddenly, may naramdaman akong nag-vibrate sa bulsa ko. Nag-reply na siguro sila. Lakas ng WiFi dito. I'm loving it.

I grabbed my phone and opened the message. Hindi ko napigilang ngumiti.

Jio: dumudugo na ilong ko mga bro! may menstrual flow na ako lol kainis tlga ang english kahit kelan
*insert sticker*

Jio: Oh hi chels! musta biostat? having fun being alone? hahaha

Si Jio lang pala nagreply. Saan 'yung iba? Magkakasama naman sila ah.

Me: Bwisit ka jio. San ba sila? di sila nagrereply omg di na ba nila ako mahal? miss ko na kayooo!

Hindi pa sila nagrereply, kahit ni isa man lang sa kanila. Tss. Ang daya talaga. Ako lang mag-isa sa klase na 'to, tapos sila naman yung magkakasama.

Oh well. I'll live anyway. Pero mas masaya kasi kung nandito sila. For sure, walang dull moments. Lahat kasi kami sa subject na 'to galing sa iba't -ibang sections. Konti lang yung kakilala kong taga ibang section. At konti lang din yung ka-block mates ko. So, parang wala din akong ka-mingle dito.

Breaking WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon