Zander's POV
____
Unknown number: 0917•••••••
3:08PM
Can we meet? I'm in mnl already. Text me. -LauraI bit my lower lip while reading the message for the nth time. Hindi dapat ako nagbabasa ng message habang nagdi-drive pero madaming bumabagabag sa isip ko ngayon.
Bumalik na siya. Ayoko ng makipagkita sa kanya. Para saan pa? Para ano pa? I've been through bullshts because of her. And she didn't even dare to ask how I was doing pagkatapos niya akong iwan? Pure bullsht.
Tatlong taon na ang nagdaan simula nung umalis siya. We've been together for 1 year. Then at the end of the year, umalis siya ng walang paalam. Sumama siya sa parents niya sa London. Akala niya daw nun, magbabakasyon lang sila. But her parents forced her to stay there for good when her parents knew about us, as an item.
Tutol sila sa amin. Pero I fought for her, for our relationship. But on that moment na ipinaghihiwalay na kami ni Laura for good, hindi niya ako nagawang ipaglaban. We didn't talk after that. No closures.
Aaminin ko, naging tanga ako nun sa kakahintay sa kanya na bumalik pa. Pero dumating yung araw na parang may bumaril sa ulo ko. Natauhan na ako. Hindi na dapat ako maghintay sa wala. Why should I wait for a bit longer kung alam kong wala ng dapat hintayin? Tanga nalang gagawa nun. Mamamatay muna ako bago ko gawin yun.
Tulad nga ng sinabi ko kanina, she didn't dare to ask how I was doing. Well now, I can finally say I'm doing great without her.
Right now, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Balak ko nga sana na wag na lang makipagkita sa kanya. Pero sige, pagbibigyan ko siya. Tingnan natin kung ano ang gagawin ni Tadhana sa pagkakataon nato.
Habang naka-red yung traffic light, tinext ko siya agad.
Me: Where?
3:13PMUnknown number: 0917•••••••
3:16PM
@ Big Bites.Bwisit. Kadadaan ko lang dun kanina eh. I made a U-Turn and drove off to where she is waiting.
When I reached the place, I hesitated to enter at first. This will be the very first time na makikita ko siya pagkatapos ng ilang taon. Nung nakita ko siya, biglang gumuho ang mundo ko. Why? because I could still remember the feeling when I fought for us but she never did the same. I fought for that girl. But she left me hanging instead. That was before. Iba na ngayon.
Pumasok na ako sa restaurant. Nakatalikod siya sakin so I wasn't able to see her face pero hanggang ngayon, kilala ko pa every feature of her. The way she sits, the way her hair falls down, and even her back.
"Hey"
Lumingon siya sakin, "Zander". A smile on her face was plastered.
Umupo ako sa harap niya. I scanned the place. Just like old times. Wala pa rin nagbabago sa lugar nato. Dito kasi naganap ang first date namin noon. Tss. Look what we are now. Coincidence maybe? Masyadong ironic.
"Make yourself comfortable. Ano gusto mo? My treat!" Sabi niya sabay abot sakin ng menu.
I grabbed the menu but I didn't bother opening it, "Okay na ako sa Pineapple juice."
BINABASA MO ANG
Breaking Walls
Teen FictionJust when you thought that love is an easy game, think again.