Papunta ako ngayon sa Sunset Hills kung saan kami magkikita ni Laura.
Nung senior highschool, doon kami laging tumatambay after classes. Kapag may problema ako, doon ako pumupunta para mapag-isa. Pakiramdam ko kasi, natatakasan ko yung problema kahit pansamantala lang. In short, marami ng mga alaala ang naiwan sa lugar na 'yun.
At ito ang unang beses na babalikan ko yun. Nakarating na ako sa parking lot. Medyo kinakabahan ako nung bumaba ako ng kotse. Di ko alam kung bakit. Ewan.
This place has the same setting with AU. May malaking parking lot sa baba ng hill. Ang pinagkaiba nga lang, syempre mas mataas yung hills dito kaysa sa AU. Mas maraming hills na pwedeng puntahan. Ito yung pinakafavorite kong Amusement park na parang paraiso ang itsura. Maraming mga bulaklak sa paligid ng daan. Di ko ma-explain basta maganda kasi tanaw na tanaw mo yung sunset at dagat kapag nandoon ka sa pinakamataas na hill. The name itself says so.
Maganda dito pag-gabi. May rides para sa mga namamasyal. Kapag nasa itaas ka ng hill, makikita mo lahat ng rides sa baba. At yung mga ilaw, ang sarap sa mata. Pramis. Haha
May rentahan din ng bike dito malapit sa parking lot. Instead of walking the sht all the way dun sa taas, magbibike na lang ako. Haha ayokong mapagod no. Sobrang taas kaya nun.
As I reached the place, agad akong bumaba ng bike. Nilanghap ko yung sariwang hangin, while the cold breeze touched my face.
That's why I've always liked it here. Fresh air. Tahimik. Calm. Amazing view. Ah, just like old times. Sa lahat ng hills sa lugar na 'to, ito ang pinakafavorite namin.
Habang naghihintay kay Laura, nahiga muna ako sa grass at pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga ulap. May naalala tuloy ako.
Flashback
Magkatabi kaming nakahiga sa grass habang nakatingala sa mga ulap. Kailan kaya niya ako sasagutin? Hindi naman sa naiinip ako. Nacucurious lang ako. Ayos lang kahit hindi pa ngayon. Maghihintay ako. Araw-araw, binibigyan niya ako ng rason why she's worth the wait. She's worth anything.
"Zander.." Hinawakan niya ang kanang kamay ko, "There's something I have to tell you."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ata ako kinabahan sa kanya e. Tiningnan ko siya, na agad namang naupo. So I sat up and faced her.
"May.. problema ba?" Hindi ko mabasa yung reaksyon ng mukha niya e.
She looked at me, "Zander, ayoko ng patagalin pa 'to.. ayokong isipin mo na baka umaasa ka lang sa wala. Hindi ko na kaya."
No. Hindi pwede. Pumayag siya na ligawan ko siya. Tapos ngayon? Is she turning me down?
"Anong problema? May nagawa ba ako? Ano, sabihin mo lang, babaguhin ko." I said, trying to hide the crack in my voice. Kinakabahan talaga ako e.
"No, wala kang nagawang mali. Hindi mo rin kailangan magbago." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "You're a great guy, Zander. Nakita ko lahat ng effort mo para mapasaya mo ako. Lagi kang nandyan para sakin. Hindi mo ako pinapabayaan. And I appreciate all that you've done for me."
"Yun naman pala e. Pero, bakit sinabi mo na hindi mo na kaya? Na ano?" I looked into her eyes na may halong takot na baka nga, umaasa lang ako sa wala. "Basted na ba ako?"
She caressed my cheeks gently, "Hindi ko na kayang patagalin pa 'to. Dahil ngayon, sinasagot na kita."
Ano daw? Teka, baka mali yung pagkakarinig ko e. Kailangan kong makasigurado.
"Can you.. repeat that again?"
"Zander naman eh. Di ka naman siguro nakikinig sakin kanina. Ayoko ng ulitin pa. Hmp." Yun. Nakabusangot tuloy.
BINABASA MO ANG
Breaking Walls
Teen FictionJust when you thought that love is an easy game, think again.