Chapter 2

31 4 1
                                    

Nakita kong nakahiga na yung manyak sa dance floor. Tiningnan ko kung sino yung sumuntok sa kanya.

Yung Zander pala.

Lahat ng tao nakapalibot sa amin. Grabe. Gumawa pa kami ng eksena dito. Nakakahiya naman sa Tito ni Jio.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Gian.

I nodded. "Oo,"  He tucked me in his arms. "Ayos lang ako."

Dahan dahan namang tumayo yung lalaki at humarap sakin. Pero hinila ako ni Gian papunta sa likod niya. Tinakpan din kami ng boys to protect us from him. Lahat silang lima nakaharap sa kanya na para bang hinahamon nila ng patayan.

Lumapit yung lalaki sa kanila. Lakas ng loob ah.

"Sino naman kayo? Superhero wannabes? Tss. Pwede ba? Mind your own business. Party party lang mga tol. Sasayaw lang kami ng kaibigan niyo e." He smirked. Sinubukan niyang hatakin ang kamay ko. "Let's go?"

I tried to pull away from his grip pero ang higpit talaga. "Ayokong sumama sa'yo! Hell no!"

Nilapitan ni Zander yung lalaki. "Ayaw ngang sumama diba? Umalis ka na."

"Sino ka ba para paalisin ako? Sa'yo ba 'tong club na 'to? If you'll excuse us, mag-eenjoy pa kami. Walang basagan ng trip, pare." he said and pulled me away from them.

Oh my gosh siraulo 'to ah! Hinampas hampas ko siya pero ayaw bumitaw. Sht.

Before he could even drag me to somewhere, bigla siyang hinila ni Dino and said,

"That's not how you treat girls but this is how you treat jerks."

*THUG*

Boom! Nakatikim na naman siya ng suntok  galing sa matibay na kamao ni Dino. Yun, nakahilata na naman sa sahig. HA. Buti nga sa'yo.

Tumayo siya ulit at hinila ako papunta sa kanya. Pero Zander caught my hand and pulled me to him. He covered me from him as he tried to punch Zander right in the face pero agad siyang nakaiwas. Omg. close!

I shrieked when I saw how they fight. Ganito na ba mga lalaki ngayon? Napakabastos. Buti na lang at may natitira pang mga matino. At maswerte ako dahil kaibigan ko pa sila.

Tumayo ulit yung lalaki pero hindi na siya pumalag pa. Probably because lima sila at iisa lang siya. Tss. Loser. Dumating na yung dalawang bouncer na tinawag ni Jio para paalisin yung manyak.

"Balik ka ulit ah!" Sigaw ni Nike. "So gay." he muttered. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"He didn't grow some balls e." sabi ni Jio at humarap sakin. "Are you okay? Nasaktan ka ba?"

I shook my head and smiled. "Hindi naman, yeah I'm okay."

"Buti na lang nandun kami, chels! Kahit walang epek yung heels ko kanina. Hindi tuloy kita naligtas. Sorry ah?" Sabi ni Lily at niyakap ako ng mahigpit.

I laughed while looking at her. Ang cute niya talaga. "No, okay lang yun. Effort yun e. Haha thank you." I smiled.

We went back upstairs. Kaming girls na ang naunang umakyat. Nasa likod namin yung boys. They wanted to make sure daw na hindi na mauulit yung nangyari kanina, lalong lalo na't ang daming mga siraulo dito sa club.

As we reached our place, Gian turned around to face me, "Ano ginawa sa'yo nung gagong yun?" he asked.

"Wag mo ng isipin yun. Ang importante, okay ako. Buhay pa ako, o. Ano ka ba. Haha, wag ka ngang OA diyan." I chuckled. Kahit bad trip ako ngayon dahil sa manyak na yun, nagawa ko pa rin magbiro. Lol.

Breaking WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon