Chapter 7

44 0 0
                                    

Chelsea's POV

"Oy bro! Aga natin ah. Napadalaw ka. Aakyat ka ba ng ligaw? Well not now okay. Tulog mantika yun e."

"Oo nga. Asa ka pa."

"Ligaw? Di ah. There's no way I'm dating a "sister." That's messed up. At saka, papayag ba kayo kung ganun? "

"Di rin. HAHAHA"

"O diba. HAHAHAHA"

May narinig akong mga nagsasalita mula sa kung saan. Familiar yung mga boses eh. Oh well. Di ko na rin pinansin kasi baka sa kapitbahay lang naman nagmula yung ingay. Half awake, half asleep ako ngayon eh. Ugh.

Late na rin kasi kami natapos sa "mini bonding" naming girls. It's a freaking weekend so sinulit talaga namin yung araw kahapon. We watched random movies, namili ng mga kung anu-ano, food trip kung saan, and more. Tapos, nag-movie marathon pa kami dito sa bahay kagabi. Adik lang eh no? Sinulit namin hanggang midnight. Di na rin sila makapag-overight dito so umuwi rin sila agad. Pero masaya!

Narinig kong bumukas yung pinto. Baka si Kuya Cj or Kuya Ian ang pumasok para gisingin ako. I'll pretend that I'm still sleeping na lang. Hehehehe tinatamad pa akong bumangon.

"Good morning ganda!!" Sigaw ni Kuya- Teka, di yun ang boses ng mga kuya ko ah.

I rolled over to see who it was. Napaupo ako agad when I saw a tall dude in his gray long sleeves and jeans standing in front of me, "Gian?!"

"Morning! Hahaha sorry nagising ata kita." Sabay upo sa dulo ng kama.

Anong ginagawa ng mokong na 'to dito? Well hindi na rin naman ako magugulat kung paano siya nakapasok dito. Close siya sa mga kuya ko eh at pati na rin sa Papa ko. He's more like, a brother to us na rin. Papa na rin yung tawag niya kay Papa eh. Ang adik lang. Napapadalas rin kasi yung pagpunta niya dito para maglaro or tumambay.

Teka. Si Kuya Ian at Gian siguro yung narinig kong nag-uusap downstairs, kanina lang? Hm. Di ko nga lang maintindihan yung conversation kasi parang blurry yung mga words.

"Anong ginagawa mo dito? Umagang-umaga ah." I rubbed my eyes and combed my hair gently using my fingers.

"Tanghali na kaya. It's 10:45AM. Umaga pa ba yun?" He said after looking at his watch. Grabe. Napasarap ata tulog ko. Eh sa late na kami natapos kagabi.

"Maglalaro ba kayo ng mga kuya ko? Namimiss ka na daw nilang kalaro eh."

He laid down at the edge of my bed, acting cool, "Nah. Wala kaming plans for today. Di rin ako pwedeng mag-stay."

Uy, nag-rhyme yun ah. I sighed, "Wala naman pala eh. Kung ganon, eh di.. okay. I'm gonna go back to sleep. Laters."

Nahiga ulit ako. Inaantok pa talaga ako. Gian can leave na lang. Hehehehe. I'm really not in the mood to get up.

"Wala nga. Pero tayo meron." I heard him say. What? On a Sunday?

I looked at him with an imaginary giant question mark plastered on my face. Ano daw? As far as I can recall, hindi kami nag-usap about some "plans" for today.

Napaupo ulit ako at humarap sa kanya, "Tayo? Nag-usap ba tayo na may plans tayo ngayon?"

"Ow. Right. Nakalimutan kong sabihin sa'yo eh." He shrugged, "But that's okay. It's not yet too late. Maligo ka na at magbihis!"

"And who are you to tell me what to do? Shoooo! Go. Leave. I wanna sleep." Before pa ako makahiga ulit, tumayo siya at binuksan yung malaki at makapal at mabigat na kurtina sa harap ko. It's not a window. It's a glass door that leads you to the terrace.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking WallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon