[One: Stranger]

20 2 1
                                    

Zyrine's POV

"You really can't do your job perfectly!" Sermon sa akin ni Boss Tanting, ang pinagta-trabahuan ko. Siya ang CEO ng Tantings Cement na kilala bilang hari ng mga semento.

"Sorry, Mr. Tanting. But next time I'll do it per--" Hindi pinatapos ni Boss ang pagsasalita ko dahil pinalo niya nang malakas ang lamesa sa harap ko.

"Puro ka next time, next time! Sige, kung next time mo pa pala gagawin 'yan edi YOU'RE FIRED!!!" Sigaw ni Boss na umalingawngaw kahit sa kasuluk-sulukan ng k'wartong 'to. Pero imbes na magmakaawa ako na 'wag niyang tanggalin ay binato ko pa sa pagmumukha niya ang mga papeles na dapat niyang pirmahan, kaya mas lalong nag-usok ang ilong niya pero inirapan ko lang s'ya. Letche!

Lumabas na ako sa kuwarto at dumiretso sa elevator para bumaba sa ground floor, kinuha ko 'yung cellphone ko para tawagan ang kaibigan ko.

["Ano? Tanggal ka nanaman sa trabaho mo?"] Napangiti naman ako sa kawalan at humagikhik.

"How did yah know?" Tanong ko sa kaniya kahit na obvious namang alam ko na ang sagot.

["Psh. Hindi ka tatagal ng isang buwan kung hindi ka natatanggal sa trabaho, Zy."] Tumawa ako nang malakas kasabay ng pagbukas ng elevator, lumabas na ako at taas-noong dumiretso sa labas.

"Pft. You know me too well, Emery." Sabi ko sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng isang groan. Binaba ko na ang tawag at pumara ng jeep. Namiss ko na kasi magjeep, kasi noong may trabaho pa ako ay palaging taxi o kaya grab ang sinasakyan ko, pero ngayong wala na, jeep-jeep lang muna.

"Bayad po." Abot ko sa pasaherong katabi ko, dalawa lang kasi kaming nakasakay dito sa loob, dalawa rin ang sa harap kasama ang nagmamaneho, atsaka s'ya ang mas malapit sa driver.

"Bayad po." Mukhang bungol pa yata itong kasakay ko kasi nakatingin lang s'ya sa bintana at nakatalikod sa akin at parang hindi niya talaga ako pinapansin, medyo naiinis na ako kaya medyo nilakasan ko ang pagaabot.

"Bayad po!" 'Buti ay narinig niya na at humarap sa akin habang nakalahad ang kamay. Shet, guwapo s'ya mga inday! Nakakatulo ng laway! Pero kadiri 'yon, kaya imbes na pagpantasyahan s'ya ay dahan-dahan kong inabot ang bayad.

"You'll going to give me that or not?!" Inis na tanong niya, ay infairness englisherong palakaaa! Inabot ko na lang sa kaniya 'yung bayad ko at umusog sa dulo habang nakapout. Pagkatapos niya iabot ang bayad ko ay pumwesto s'ya... sa tabi ko!

"U-uhh, bakit ka d'yan n-naupo?" Gash, nauutal ako!

"Why? Can I not sit where I want to?" Masungit na tanong niya sa akin, may point naman s'ya, pero kahit na! Babae ako, alam ko mga gan'yang moves! Mga manyakis moves 'yan! Sayang, guwapo pa naman sana s'ya. Kaya lang mukhang manyakis!

"Miss, if you're thinking that I'm pervert, then you're out of your mind." Seryosong saad sa akin ni Kuya Pogi, lumaki naman ang mata ko. M-mind reader ba s'ya?

"And if you're thinking again that I'm reading your mind, then I'll call the nearest mental hospital." Sabi niya habang may nakakapasong tingin sa akin. Aish! Bakit ba naiisip niya ang naiisip ko?!

"Your face tells everything you have in mind." Sabi niya na parang nababasa ang isip ko. Ah! Alam ko na itatawag ko sa kaniya.

"Okay, M. R." Sabi ko sa kaniya sabay labas ng cellphone ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na tiningnan niya ako ng naguguluhan.

"M for Mind, and R for Reader. Short for M.R." Sabi ko sa kaniya habang ginagaya ang tono ng pananalita niya kanina. Nakita ko s'yang ngumiti kaya umiwas ako ng tingin. Syete, nakakasilaw 'yung perfect set of white teeth niya!

"Don't call me M.R, instead call me by my name. By the way, I'm---" Waaah! Sasabihin na sana niya pangalan niya kung hindi lang tumawag si Nath 'd Nerd! Wrong timing ka, Nath!

["Go here, quick!"] Eto pa, eto kinaiinisan ko rito eh! Woman of few words! Eh hindi mo naman alam ang dahilan kung bakit ka niya inuutusan dahil ibababa niya kaagad at maiiwan kang susunod sa kaniya!

"Kainis ka, Asenath! Ugh!" Sabi ko habang padabog na nilagay ang cellphone ko sa bag. Pagkaharap ko kay M.R. ay nakataas ang kilay niya habang naka-smirk, inirapan ko lang s'ya at napansing malapit na ako sa bababaan ko kaya pumara na ako.

Pagbaba ko ay may pahabol pa si M.R. habang nakalabas nanaman ang mga ipin niyang nakakasilaw, "Goodbye, Miss Zyrine Sungit!" sabi niya habang may pakaway-kaway pa, sinamaan ko lang s'ya ng tingin at humanap na ng tricycle papunta sa bahay namin.

~

"Si Vincent kasi eh! Sabi niya babalikan niya ako, pero pagkalipas ng 9hrs na paghihintay ko, makikita ko na lang s'ya sa parking lot ng isang bar na may... may... Huwaaah!" Hagulhol ni Ynnah habang pinupunasan ni Emery ng panyo ang mukha niya. Tsk! Kaya ayaw ko mainlove eh.

"Dapat pinigilan mo 'yung babae makipag-flirt sa Vincent 'Mo'! Naku, kung ako 'yun sinabunutan ko na 'yon!" Sabi ni Emery habang pinapatahan pa rin si Ynnah. Si Asenath naman ay walang pake sa amin at nagbabasa ng librong sobrang kapal, kaya lens niya napaka-kapal din.

"E-eh... Napangunahan ako ng duwag kong feelings eh! Umatras ako, huhu!" Napahawak na lang ako sa sentido ko habang pinoproblema ang problema ni Ynnah. Aish! Pa'no ba gagawin ko rito sa batang ire?!

"Talk to him." Mahinang sabi ni Asenath sa gilid kaya nagtataka kaming tumingin sa kaniya. Binaba niya ng 'onti ang nakabuklat niyang libro at parang sumilip lang sa amin para sabihin ang sobrang haba niya na speech.

"Talk to him!" Medyo malakas na sabi niya sapat na para marinig namin. Napa-ahh naman kami ni Emery pero si Ynnah ay malalim ang iniisip, parang nagpo-process pa ang utak niya sa sinabi ni Asenath na kinontinue ang pagbabasa.

"Nath's right, talk to him. Ask for his explanation." Sabi ko. Tumingin s'ya sa akin muna at dali-daling umakyat sa taas siguro para magbihis. Napa-sigh naman kami ni Emery 'saka pagod na umupo sa couch. Tiningnan ko ang orasan at saktong alas-dose na ng tanghali kaya dire-diretso akong pumunta sa kitchen para tumingin kung may pagkaing niluto si Ynnah.

"ANO 'TOOO?!?!" Sigaw ko. Bakit naman kasi ganito 'yung lamesa?!

"What happened?" Agad na tanong ni Asenath pagkatingin niya sa akin dito. Tinuro ko lang ang lamesa at nagtatakhang tumingin sa kaniya, umaasang alam niya ang sagot. Pero isang shrug lang ang ginawad niya sa akin kaya napakamot na lang ako sa buhok dahil sa inis, wala talagang matinong sagot 'to!

"Stress-cooking, alam mo naman si Ynnah kapag stress, akala mo may fiesta sa kusina. Balak pa nga niya yata minsang pakainin ang buong baranggay eh!" Sabi ni Emery, napahawak na lang ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung papaano namin uubusin ang pagkaing kasya sa tatlong pamilya. Narinig ko namang may yabag na papunta rito kaya napatingin ako du'n.

"Sorry, Ate Zy!" Sabi ni Ynnah na kunwari'y umiiyak, may pa-puppy eyes pa ang bata. Napa-sigh na lang ako, ano ang gagawin ko? Eh gan'yan naman na talaga s'ya since natuto siyang magluto.

"Ibigay mo na lang 'to sa kapitbahay, Emery!" Sabi ko habang nilalagay na sa mga plato ang mga pagkaing hindi naman namin mauubos. Minsan talaga nagsasayang ng ingridients si Ynnah, haizt.

Autocrat's CoinWhere stories live. Discover now