[Three: Slightly weird]

10 0 1
                                    

Asenath's POV

"HEY, Nath! Good morning! Kakain ka na ba? Ynnah and I made our agahan!" Ani Mallary. Tinapunan ko lang siya ng tingin 'saka dumiretso sa banyo para gawin ang mga ritwal ko.

Naligo muna ako 'saka nag-toothbrush, ito na rin kasi ang nakasanayan ko. Hindi rin ako nakakatagal ng isang araw kung hindi ako makakapaglinis ng katawan.

"Woi, Asenath! Ang tagal-tagal mo talaga! Dapat kami unang gigising sa 'yo para hindi kami nagpipigil palagi ng ihi t'wing umaga!" Inis na sermon sa akin ni Zyrine pagkalabas ko ng banyo. Hindi ko siya pinansin bagkus ay dumiretso ako sa kuwarto ko sa taas.

Habang nagbibihis ay nagmumuni-muni muna ako bago magpasyang bumaba. Naalala ko ang parang pisong nakuha ko sa banyo kagabi habang naliligo, kinuha ko iyon mula sa drawer kong may lock. Nakaukit doon ang malalaking letra na KAC, kulay berde ito at parang glow-in-the-dark. Kahit hindi mo ilawan ay kumikinang.

Kinuha ko na ito dahil napansin kong wala naman sa bahay na ito ang may nagmamay-ari nito. Pinagmasdan ko pa ito 'saka ko ibinalik sa dati nitong kinalalagyan, bumuntong hininga muna ako bago magpasyang lumabas.

Alas onse na kasi ng umaga at oras na dapat para maghanda ng pang-tanghalian, pero napuyat kasi ako dahil inalo ko pa 'yung babaeng umiiyak kahapon sa tapat ng pinto, which is Emery, dapat kasi kukuhanin ko lang 'yung libro ko sa kuwarto ko, eh nakasalubong ko siya't nakahinto pa sa tapat ng pinto niya habang umiiyak, inalo ko na, mukhang baliw eh. Tss.

"Ano?! Aangal ka pa?! Pareho kami ni Mallary na gusto ang itlog na nilaga!" Nasa kalahati pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang sigaw ni Zyrine. Malamang ay nag-aaway na naman ito sa kung anong ulam ang uulamin namin mamayang dinner.

"Yoko!!! Eh mas gusto namin ni Ynnah ang itlog na sunny side-up!" Sigaw naman pabalik ni Emery. Ngumiwi na lang ako dahil sa mga sigawan nila, para silang mga bata na nagta-tantrums.

"Eh mas matipid nga kung nilaga lang!!" Sigaw ulit ni Zyrine. Unti-unti na ring kumukunot ang noo ko dahil sa rindi.

"Mas masarap naman ang sunny side-up!!!" Sigaw naman ni Emery. Tiningnan ko sila Ynnah at Mallary na nakanganga marahil dahil sa lakas ng bunganga netong dalawa, nagulat siguro. Ako kasi ang palaging nakakakita ng sigawan nitong dalawa, kahit nakakarindi ay sanay na ako, pero ngayon ay medyo lumevel-up sila kasi mas malakas ang sigawan nung dalawa.

"Aanhin mo ang sarap kung makakatipid ka naman?!!" Sigaw ulit ni Zyrine. Mukhang hindi nila napapakiramdaman ang paligid dahil hindi pa rin sila tumitigil. Naknampxcha talaga oh!

"Minsan lang naman tayo magsunny side-up eh!!!" Sigaw pabalik ni Emery kaya napahawak ako sa sentido ko. Wala na talaga, ubos na talaga pasensya ko sa dalawang 'to.

"Damn it! Huwag na kayong kumain!" Inis na sigaw ko sa kanila na ikinagulat nila, nanlalaki pa ang mga mata nila at bahagyang nakaawang ang mga labi. Siniringan ko lang sila bago pumasok sa kitchen, nag-iinit ang ulo ko pero madali lang naman lumamig iyon kung may mga gagawin akong pampalubag ng loob.

Naglabas na ako ng plato ko lang at mga utensils ko lang. Kapag ganitong nag-iinit ang ulo ko ay mag-isa lang akong kumakain at ayaw kong may kasabay, baka mabato ko siya ng plato at baso ko. Inalis ko ang pantakip sa mga ulam 'saka tiningnan ang agahan namin.

'Huwaw, tocino.'

Kahit papaano ay lumamig ang ulo ko dahil sa tocino, paborito ko ito lalo na kung may kasabay na mainit-init na birchtree milk. Kaya kumuha ako sa container ng isang gatas at itinimpla iyon 'saka bumalik sa hapag.

Autocrat's CoinWhere stories live. Discover now