[Two: Coin]

9 1 1
                                    

Emery's POV

"Tao po! Tao po! Aling Jodi?!" Sigaw ko sa aming kapitbahay na mga bungol yata ang nakatira. Eh biruin mo, kanina pa ako rito panay ang sigaw at katok wala pa ring bumubukas. Kaines!

"Aling Jodi?! Tao p--" Biglang bumukas ang pinto ng aming kapitbahay sabay labas no'n ang isang magandang dilag na dati ko pa hinahangaan.

"E-e-esther?" Uutal-utal kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon. Ngumiti lang s'ya na lalong nagpalusaw lang sa akin, hindi pa rin talaga s'ya nagbabago!

"Yes, uhm, bakit po kayo kumakatok, Miss...?" Parang tumusok sa akin ang isang malaking kutsilyo sa puso ko dahil hindi niya matandaan ang aking pangalan. Pilit akong ngumiti sa kaniya at iniharap sa kaniya ang platong may laman ng mga pagkain.

"I'm Emery. Pakisabi kay Aling Jodi na pinapabigay ni Ate Zyrine 'to." Walang ganang sabi ko sa kaniya, tumango naman s'ya at akmang papasok na ng bahay nila nang may tumawag sa kaniya mula sa likod ko.

"Babe!" Masayang bati ni Esther sa tumawag sa kaniya sabay halik sa pisngi ng isang---babae?! At ang worst pa, ang ka-trabaho kong si Maria! Ang pinakamahinhin na babae sa office namin! Napatingin sa akin si Maria at gulat na gulat ang tingin sa akin.

"Emery? Bakit ka nandito?" Gulat pa rin na tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako ng plastik sa kaniya 'saka tumalikod. Taksil!

Bumalik na lang ako sa bahay namin habang nanlulumo. Takte! Na-triple kill ako mga p're! Hindi na nga matandaan pangalan ko, may jowa pa na ka-trabaho kong akala mo'y si Maria Clara! Tsk.

"Anyare?" Tanong sa akin ni Asenath na malamang ay nagbabasa nanaman ng libro na hindi ko alam kung para saan.

"Wala." Maikli kong sabi sa kaniya, nag-"hmm" lang naman s'ya habang hindi pa rin tumitingin sa akin. Kailan kaya nito balak magsalita ng napaka-haba? Dati naman s'ya ang pinaka-jolly nu'ng nandito pa siya. Napakamot na lang ako sa batok ko at nagpasyang pumanhik sa taas para matulog, ayaw ko na kumain kasi nawalan ako ng gana.


Habang paakyat ng hagdan ay may napansin akong parang pisong kumikinang. Pagkapulot ko ay mas mas lalo s'yang kuminang ng ilang segundo pagkatapos ay nakita ko na ang totoong hitsura niya. Isang malaking nakaukit na letter KAC sa magkabilang parte ng barya na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.

"Mga ilang taon ka pa d'yan, Emery?!" Malakas na sigaw ni Zyrine na s'yang ikinagulat ko, mabilis kong ibinulsa ang barya tsaka mabilis na pumanhik sa kuwarto ko. Agad kong itinago ang barya sa drawer kong may lock 'saka tumaob agad sa kama, what a weird day!

~~~

"Wake up!" Sigaw ni Asenath sa akin habang yinuyugyog ako, napa-aww naman ako dahil sobrang lakas ng pag-alog niya sa akin.

"Ano ba?! Wait lang!" Sabi ko habang pilit ko s'yang iniaalis sa tabi ko. At sa wakas, umalis s'ya, pero nag-iwan muna s'ya ng mga kataga.

"Mallary's waiting." Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga dahil pumunta akong banyo at agad na nag-hilamos at nag-toothbrush. Shiz! Mallary's there! Finally, my looove!

"Mallaryyy!" Mahabang tili ko habang pababa ng hagdan. Agad naman niya akong sinalubong ng yakap.

"Huhuhu. I miss you, Emery loves!" Juice Colored! Kinikilig ako! Pero dapat aktong babae dapat tayo kung hindi ay mahahalata tayo.

Autocrat's CoinWhere stories live. Discover now