[Four: Wilfrod Academy]

6 0 0
                                    

WARNING: This chapter contains obscene words.

Eliniel's POV

"Just go to my shxtty car!" Galit na sigaw ko sa babaeng kanina pa nag-iinarte. Siya kasi ang naatas sa akin na sunduin ko daw, ewan ko ba kung bakit pa susunduin 'tong babaeng ito eh may mga sarili naman siyang paa.

"Eto na! Eto na! Ang init ng ulo mo eh ikaw na nga 'tong kikidnap sa akin!" Lalong nag-alab ang mata ko sa kan'ya pero inirapan niya lang ako. Padabog siyang pumasok sa kotse ko kaya sumunod na rin ako.

"Pasalamat ka't g'wapo ka--- este itong kotse mo kundi makaka-tikim ka ng sapak sa akin!" Napapikit ako sa inis sa babaeng ito. Siya na nga itong pa-VIP dahil sinundo ko, siya pa ang galit! Putragis na 'to.

"Bakit ako lang ang sinundo mo? Ako lang ang qualified sa Wilfrod Academy?" Mahinahong tanong niya pero nasa boses pa rin niya ang pagka-maldita. Ini-start ko na ang kotse at pinaharurot ito.

"Ahh!!! Papatayin mo ba ako?!" Hindi ko siya pinansin at mas pinaharurot pa ang sasakyan para mas mapadali ang pagpunta namin doon at hindi ko na siya makasabay pa.

"H-hoy! Mr. G'wapo ang kotse! Bagalan mo nga---"

"Shut the shxt up, Zyrine!" Inis na sigaw ko sa kan'ya na ikinamutla ng mukha niya, hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpapaharurot ng sasakyan.

Kaya lang naman ako napunta dito dahil sa babaeng 'to na ini-utos sa akin na sunduin at dalhin sa Academy. Ito ang newest mission ko ngayon sa buwan ng agusto, at sa lahat ng mission na napagdaanan ko ay ito ang pinakaayaw ko sa lahat, first time ko kasi sumundo ng pa-VIP na babae at dalhin sa Academy. I wonder what's so special about this girl.

"B-ba't nasa kakahuyan tayo?" Natatakot na tanong niya sa akin, nginisihan ko lang siya na siyang ikinamutla niya ulit.

Pero nagsisi rin akong ngumisi ako dahil nagsusumigaw siya. "Tulong!!! Rape!!! Huhuhu! Mawawala na ang dangal ko!! Heeeelp!" Sa inis ay itinanggal ko ang kamay ko sa kambyo at tinakpan ang bibig ni Zyrine.

"Can you dxmn calm down! You're not my shxtty type. So stop your dxmn imagination!" Sigaw ko sa kan'ya na ikinalma niya ng kaunti, tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at kinuha ang de-pindot na alcohol at naglagay sa kamay ko na hinawakan ang bibig niya.

"Wow ah, ang arte mong arogante ka! Kahit na mas lamang ng ilang paligo sa akin si Catriona Gray, walang germs 'yung bibig ko!" Sigaw niya. Naririndi na ako sa ingay niya kaya pinlay ko ang radio ko sa kotse at nilagay iyon sa high volume.

"Ang ingay! Arogarte!" Ngumiwi ako sa tinawag niya sa akin pero tinulisan niya lang ang tingin sa akin.

"Arogarte! Short for Aroganteng Maarte!" Sigaw niya ulit. Naririndi na talaga ako sa babaeng 'to, kaya kinuha ko sa compartment ang Pepero na dalawang pack at hinagis sa kan'ya.

"Ano 'to?!" Takhang tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Dxmn eat that shxtty food." Sabi ko sa kan'ya habang matalim pa rin ang tingin sa kan'ya, siniringan niya lang ako atsaka binuksan iyon.

'Sa wakas, tumahimik na rin.'

Hindi ko na siya pinansin habang pinapapak niya ang pagkaing 'yun, humingi pa nga siya ng tatlo pa, sinamaan ko lang siya ng tingin pero binigyan ko na lang din siya para tumahimik naman sa kotse ko.

~~~

"We're dxmn here." Sabi ko sa natutulog na babae sa tabi ko. Inis ko siyang tiningnan 'saka bumaba sa kotse ko at binuksan ang pinto sa shotgun seat. Inis kong pinalo ang bubong ng kotse ko, sa lakas nu'n ay gulat na gumising si Zyrine.

Autocrat's CoinWhere stories live. Discover now