[Five: Our House]

6 0 0
                                    

Zyrine's POV

Pagkatapos mag-walkout ni Arogarte ay nagbulung-bulungan ang mga estudyanteng kanina pa nakamasid sa aming bagong dating. Hindi ko rin alam kung bakit namumulang umalis 'yung Arogarteng 'yon.

"Wui, ano bang meron?" Mahinang tanong ko sa katabing si Joshua. Kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik niya at minsan lang siya magsalita, kaya grinab ko na 'yung chance para hindi mapanis 'yung laway niya ngayon.

"Kainan." Sabi niya habang sumusubo ng sugpo. Nginiwian ko siya at siniko.

"Ano nga? Ba't kanina pa kami pinag-uusapan? Hindi naman kami mukhang kriminal eh. Kayo pa nga nangidnap sa amin." Sabi ko sa kan'ya nang pabulong ulit. Sinamaan niya lang ako ng tingin atsaka kumain muli.

"Sayang guwapo mo kung hindi mo ko kakausapin." Parinig ko, kinuha ko ang adobo sa lalagyanan atsaka ko sinimulang kumain. 'Buti nga may filipino dish pa dito sa Academy na 'to eh, base kasi sa Tsismosang Instinct ni Emery ay International School ito, binulong niya sa akin 'yung kanina nu'ng papunta kami dito sa table.

"Maganda nga, madaldal naman." Mahinang sabi niya na ikinalingon ko. Marahan siyang kumakain at parang hindi niya alintana ang masama kong tingin sa kan'ya.

"Anong sabi mo?!" Galit na tanong ko sa kan'ya, pero hindi niya ako pinansin at kumuha pa talaga ng sinigang na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Excuse me ho ano?! Hindi por que't palagi lang akong nagsasalita ay madaldal na ako! Nagco-comment lang ako ng saloobin ko! At excuse me ulit---"

"Dadaan ka?" Mahinang tanong niya na ikinalaki ng mata at bunganga ko.

"Aba't...! Ibang klase ka, boi!" Hindi makapaniwalang sabi ko sa kan'ya, pero nginisihan niya lang ako. Natigilan ako saglit kaya inirapan ko siya. Pagkadako ng mata ko kay Emery ay mukha siyang tangang nakangiwi at tumigil talaga siya sa pagkain niya.

"Alam mo bang kanina pa tayo pinagtitinginan, gumawa ka pa ng eksena mo." Bulong niya sa akin, nanlaki naman ang mga magaganda kong mata at inilibot ito sa mga estudyante, mas lalo akong nagulat dahil diretso na talaga sa akin ang tingin ng mga estudyante.

"Oh, crap." Sabi ko kaya dali-dali akong kumain, ayaw ko na dito, gusto ko na rin mag-walkout.

"Ba't mo binibilisan 'yung kain mo?" Tanong ni Joshua na lalong ikinabwisit ko, bwisit siya dahil hindi niya sinabi sa akin na kanina pa nasa amin ang atensyon ng mga estudyante.

"Uy." Tawag ulit ng katabi ko sa kaliwa. Hindi ko siya pinapansin dahil busy ako sa paglamon, s'yempre gusto ko bago ako mag-walkout kailangan busog ako dahil mahirap na baka kinabukasan wala na ako dito.

"Hey, I know you can read my mind." Bulong ulit niya sa akin.

"I know your power, sweet." Napaigtad ako sa tawag niya sa akin.

"Puwede ba?! Huwag mo akong istorbohin sa pagkain!" Sigaw ko sa kan'ya pero bumungisngis lang siya. Nakakasura siya!

"Hoy, Zy. Hindi ka naman kinakausap ng tao, grabe ka maka-react." Sabi ni Emery na ikinalaki ng mata ko. Shoot, so ibig sabihin.... I can read minds?!

"I guess you realized it already? I can't read your mind but you can." Sabi ulit ni Joshua kaya hinarap ko siya atsaka nagsalita nang hindi ginagamit ang bibig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Autocrat's CoinWhere stories live. Discover now