Chapter 3: The encounter

6 1 0
                                    

Reign's POV
Agad akong nagising sa isang nakakasilaw na liwanag ng araw mula sa bintana na senyales na dapat na akong tumayo. Naligo na ako at nagbihis, hindi na ako nakakain kasama ang pamilya ko ng almusal dahil kailangan ko ng pumasok. Nagpaalam na ako at tsaka umalis. Nagkocommute lang ako papunta sa school kaya halos kabisado ko na lahat dinadaanan ko maging ang pasikot sikot dito sa aming lugar.

Pagpasok ko sa entrance ng school nabalot ang paligid ko ng mga tinginan at bulung-bulungan, sinubukan ko silang hindi pansinin hanggang sa...

"Hey BiTtcHh!" Sigaw ng isang babae mula sa likod ko. Hindi ko napigilang manginig dahil sa boses na yon sapagkat alam ko kung kanino yun galing...

"Hoy sabi ko humarap ka! BitTcChh!" Muli niyang sigaw ngunit nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa para na akong tumatakbo, nasa quadrangle ako ngayon ng school which is probably napakalawak kaya ilang minuto pa bago makarating sa kabilang dulo kung saan malapit ang room ko... nang biglang may sumabunot sa buhok ko.

"Dba ang sabi ni Ricka humarap ka!" Muntik na ako mapaluha sa sakit ng pagkakasabunot niya sa akin. Ilang segundo rin at pinakawalan niya ako, tumalikod ako at nakita ko ang grupo ng apat na babaeng pamilyar ang mukha.

Sina Ricka Yuan Chi, Angeline Santos, Faed Lyrans, at si Shayne De la Cruz... kilala sa tawag na Campus Princesses.

Oo, magaganda silang lahat at may kanya-kanya ring kapangitan ng ugali. Si Ricka ang pinaka-leader nila, naging sikat sila dahil sa kanilang wealth and connections, nagagamit nila ang mga iyon para sa pansarili nilang interes. Unfortunately... mukhang ako ang nakakuha ng kanilang golden eyes.

"Ano ba'ng kailangan niyo?!" Mapanindak kong tanong. I know na hindi ko sila kayang takutin, kahit na gaano ako katapang at palaban... walang magagawa ang hamak na scholar sa mga campus princesses na 'to.

"Don't dare to raise your voice on us!" Bulyaw ni Shayne. Bakit ba nila ako gustong makausap? Tanong ko sa sarili ko.

"Eh ano nga kasi ang kailangan niyo sa akin?" Paguulit ko ng tanong.

"Simple lang... Ano ang ginagawa mo kasama ang boyfriend ko!?" Ang malambing na boses ni Ricka ay naging parang demonyo.

"Ano? Boyfriend? Sino?" Tanong ko.

"Wag ka nang mag-maang-maangan, ano ang ginagawa mo kasama si Christian na boyfriend ni Ricka?!" Muling tanong ni Faed. Boyfriend niya pala si Christian, bakit parang nabasag puso ko sa narinig ko? Hindi naman ako dapat maapektuhan dba, wala naman sa akin si Christian.

"Ano bang pinagsasabi niyo?! Wala akong ginagawang masama sa BF mo!" Sigaw ko sa kanila. "Sowwsss... ang sabihin mo you are a gold digger!" Kumulo bigla ang dugo ko nang marinig ko ang mga katagang iyon mula kay Angeline dahilan upang hindi ako makapagtimpi at nasampal ko siya.

"Subukan niyo pang ulitin yan sa harap ko at hindi lang sampal ang aabutin niyo sa akin! Oo! Mahirap kami, Scholar lang ako! Pero never kong inisip na gamitin ang isang tao para magkapera! So if you will excuse me, aalis na ako dito at tigilan niyo ang mga pinagsasabi niyo!" Bulyaw ko habang sinubukang umalis sa kumpol ng mga tao ngunit walang ano-ano may sumabunot na naman ng buhok ko which is si Shayne na naman... "Don't ever lie a finger on my bestfriend's face!" Pagkasabi niya non ay biglang lumanding sa aking mukha ang isang malakas na sampal. At doon nagsimula na akong umiyak... hindi pa sila nakuntento at hinawakan ng dalawa sa kanila ang dalawa kong kamay habang pinagsasampal ako ng naiwang dalawa. Feeling ko dumudugo na ang pisngi ko sa mga sampal nila...

Akala ko ay tatagal pa nag ginagawa nila hanggang sa "You bastards!!!" Isang sigaw ang narinig namin sa isa sa mga lalaki mula sa malayo, hindi pamilyar ang boses ngunit nang lumapit na siya ay nahawigan ko siya.

"What are you doing?! Rylie this is not your concern!" Sigaw ni Faed sa lalaki. Hinawakan ng lalaki isa isa ang mga braso ng babae paalis at tinulak.

"What you are doing is against the school's rules and regulations!" Sigaw ng di ko kilalang lalaki, habang ako ay unti-unting tumayo. "But... Rylie she is ruining the relationship of me and your brother!" Sigaw ni Ricka sa kanya. "No relationship will be ruined because there is none between you me..." sabat ni Christian na nasa likod ng kanyang kapatid. "But... Christian..."

"It's the end of our relationship Ricka," sabi ni Christian habang may seryosong mukha. "The truth is, I hired Reign as my personal tutor and she was doing nothing but teaching me and helping me to improve my grades!" Muli siyang sumigaw.

Mukha talaga siyang galit na galit ah... concerned kaya siya sa akin... hay nako. Mga bunganga kasi eh masyadong pasmado.

"So now you are finishing our rela-" napatigil siya nang sumabat ang kanyang kapatid na si Rylie. "Kuya is not the one who finished you relationship... it's you," sabi niya.

"How come?" Tanong ni Ricka habang nakataas ang kaliwang kilay at nakasuot ng pekeng ngiti habang pinipigilan ang mga luha sa gilid ng kanyang mata matapos sabihin sa kanya ni Christian na tapos na sila.

"You are making trouble with your accusation with this girl... wala ka na bang ibang gagawin kundi mamahiya, mangeskandalo, manakit at mangontrol ng ibang tao? Alam mo, wala kaming ginagawang masama ni Reign, hinire ko siya dahil kailangan niya ng pera para tustusan ang pangangailangan ng pamilya niya at ako kailangan ko ng tulong ng isang matalino which is hindi ikaw na tutulong sa akin upang mapataas ang grades ko! Hindi mo ba naisip na pinapahiya mo lang ang sarili mo and you are just transforming your group's name Campus Princesses into Campus Girly Demons!" Matapos sabihin yun ni Christian ay hindi na napigilan pa ni Ricka na umiyak at tumakbo palayo. Kahit sino naman masasaktan kapag sinabihan mo nang ganon eh. Pero mali pa rin ang ginawa nila sa akin lalo na noong sabihan nila ako ng 'gold digger' so for me... partly tama lang yun sa kanya.

Pagkatapos nang nangyari dinala na ako nila Christian at Rylie sa Campus clinic. Magkamukhang magkamukha silang dalawa mas matangkad lang ng kaunti si Christian bilang siya ang mas matanda sa kanila ngunit ang surprising ay kaparehas lang namin siya ng grade level.

Mukha siyang matalino dahil sa salamin niyang suot na bagay na bagay sa kanya pero baka katulad din siya ni Christian, kaya wag mag assume. Iniwan na nila ako sa clinic tsaka bumalik sa kanilang classroom.

                                          ***

Umusad ang mga araw ng maayos na parang walang nagsampalan noong nakaraang araw... ngunit di pa rin mawala sa isip ko na baka maghiganti ang Campus Princesses sa akin, ngunit mas inisip ko ang aking pagaaral at patututor kay Christian. Sa mga nakaraang araw napagalaman ko na si Rylie or I must call him Rigel Lievan Zhou ay ang SSG president ng campus na ito,  pero bakit ngayon ko lang nalaman? HHahaha d na nakapagtataka kasi wala naman akong ina-attendan ni isang Activity ng SSG dito eh. Isa rin siyang Math quiz bee champion at Science projects Gold medalist in 7 consecutive years. Ibig sabihin ng compete siya sa ganitong contest noong Grade 5 siya at hanggang ngayon siya parin ang champion.

Mukhang nagkamali ako na katulad siya ni Christian ah... anyways I'm looking forward on knowing him more.

P/S: guysss! Sorry kung hindi kayo masyadong nagagandahan sa story pero kasi beginner pa lang ako kaya ayun medyo mababaw pa... pero dont worry gagalingan ko pa! Thank you sa nagbabasa

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now