Chapter #4: Light and Night

10 0 0
                                    

Reign's POV
"Excuse me..." isang hindi pamilyar at malambing na boses ang aking narinig mula sa isang babae sa tabi ko. "...gising ka na ba?" Pagpapatuloy niya. Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata at nakita ang isang maamo at magandang mukha, masasabi kong mas bata siya sa akin pero mukhang ring magkasing laki kami, hindi ko kasi siya makita ng maayos eh.  "Uhmmmm nasaan ako?" Sabi ko habang papikit-pikit pa at unti-unting kinikilala ang paligid ko. "Ate, okey ka na ba?" Parang alalang alala ang boses niya habang sinasabi yun. "Sino ka ba? At nasaan ako," muli kong tanong.

Bakit parang pamilyar ang disenyo ng lugar na 'to? "Oh gising ka na pala!" Tuwang-tuwa na sigaw ng isang lalaki mula sa pinto. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa liwanag at bagong gising pa lang ako ngunit nang lumapit pa siya ay nakita ko ang isang chinitong lalaki. Yes, you heard it right, chinito. NASA BAHAY AKO NILA CHRISTIAN?!

"Ch-chr-chr-christ-christian... Bakit ako nandito?" Mahina kong sabi habang pinagmamasdan ko ang taong nasa harap ko. "Why are you so surprised?" Balik niyang tanong sa akin. "Siyempre, nasa kwarto ako ng isang lalake nang hindi ko alam ang dahilan!" Bulyaw ko sa kaniya. Nakakairita kaya, baka ano na ang ginawa niya sa akin eh.

"Excuse me... are you referring to me as the boy who owns this room?" Biglang tanong ng batang nakaupo sa kama. Teka at sino naman 'to. "If you're referring to me maybe it's because of the alcohol you drunk last night, as you can see I'm not a boy ovbiously I'm a girl," marahan niyang pagdagdag at nilagyan ng diin ang salitang girl at boy.

Kung sino man ang batang ito siguradong hindi siya ordinaryo. "I'm sorry lil fella if I unintentionally insulted you..." sabi ko sa isang sincere na tunog.

"Oh... BTW she's my little sister Nyxi--" agad siyang pinutol ng kaniyang kapatid at sumabat. "I'm Nyxie Aetherin Zhou, 13 yrs. Old. My name came from the greek primordial personification of light Aether and her mother the Goddess of night Nyx. As you can see this is not my big brother's room so it means this is mine. My brother is a gentleman so he thought that it would be nice if You-- a girl-- would also sleep on a girl's room. Kung iniisip mong mayaman kami kaya napakatanga na wala kaming ibang kwarto na patutulagan that's wrong kasi unfortunately we have a unexpected number of visitors last night." Mahabang eksplenasyon ng bata na nakilala ko bilang si Nyxie, ang batang madaldal.

Grabe siya! Alam ko namang matalino ang lahi nila pero hindi ba napaka aga para sa greek lecture! "I apologize for her words," sabi ni Christian na unti-unting bumasag sa tahimik na atmospera. "No need to apologize besides nagpakilala lang naman siya eh... at tsaka pwede niyo bang sabihin sa akin ang nangyari?" Mahinahon kong sagot kay Christian.

"I'm afraid I can't give the details this morning because we're running out of time my little tutor... nakalimutan mo na atang may klase ngayon dahil Thursday pa lang," mapangasar niyang tugon. Oo nga pala baka malate na kami, ang haba kasi ng paliwanag ni Nyxie eh. "You better get yourself ready before you're late," paalala ng kapatid ni Christian. May pagkamature din siyang magsalita noh. Tumayo na ako at pumunta sa CR nang mapagtanto ko na...

WALA NGA PALA AKO SA BAHAY! PAANO AKO MAKAKAPAGBIHIS?! "HAHAHHAHA akala ko hindi mo mapapansin!" Tuwang tuwa na sigaw sa akin ni Christian. Pinapakulo ata niya ang dugo ko ah. "Luckily I had an extra uniform..." hirit ni Nyxie habang binuksan niya ang pinto. "Thank you Nyxie!" Halos mapatili na ako sa tuwa nang binigay sa akin ni Nyxie ang damit na yun. Maliit lang din naman ang katawan ko kaya nga hindi nakapagtatakang nagkasya ang damit niya sa akin pagkatapos kong maligo. Medyo fit yung damit kaya di ako masyadong komportable habang gumagalaw.

Sabay kaming pumasok ni Christian sa school. Pagbaba nanmin ng kotse agad nabaling sa amin ang mga matatalim na tingin, kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Anyway, siguro dahil kasama ko si Christian. Kilala kasi siya bilang Campus Crush, dagdag pa natin yung naging komprontasyon sa akin ng Campus Princesses. "Huwag mo silang pansinin Reign,"bulong sa akin ni Christian.

"Oo nga pala. Yung nangyari kagabi... wala ka bang naaalala?" Tanong ni Christian. Weyt... kaya nga ako nagtatanong sa kanya eh kasi wala akong alam, ano to quiz bee, alam ko yung sagot tas itatanong ko pa, how ironic right? "Oo wala talaga akong maalala," mahina kong tugon.

Seryoso, wala talaga akong maalala kagabi, ang huli kong natatandaan ay tinututor ko siya tungkol dun sa assignment niya sa Modern communications, tas pagkatapos non pumunta kami sa pool para naman mawala yung stress niya sa lesson. It was his idea kung bakit kami bumaba. Pagkatapos non hindi ko na maalala.

"Ano ba kasi ang nangyare? Baka may ginawa ka sa akin ha!?" Worried kong tanong.

"Ano ka ba! Wala akong gagawin sayo noh. Didn't my sister told you that I let you sleep in her room to make sure that nothing will happen? It's just that..."

"...bigla mo kasi akong tinanong kung gusto kong uminom na sinagot ko ng oo pero hindi mo naman sinabi kung bakit. Kaya sabi mo dalhin kita sa pinakamalapit na bar para makainom. I know na underage tayo but since I am powerful and has many connection nakapasok tayo don. Hindi nga halata sayo na newbie ka sa club eh kasi parang di ka nagtataka sa may naghahalikan sa harap mo."

"Hindi naman kasi ako newbie sa club eh," dati na rin kasi akong nagpupunta sa bar kapag wala akong ginagawa, kasama ang mga old acquaintance, "By the way... bakit wala akong natandaan kahit isa sa mga sinabi mo?" Sabi ko habang nakakrus ang mga braso sa dibdib. "Eh kasi..." nagaalangan niyang sagot, ngunit pinagpatuloy niya rin ang kanyang pagsasalita matapos ang ilang segundo. "...pinatulog muna kita bago tayo bumiyahe papunta sa bar para siguruhing hindi mo alam ang daan papunta roon, ayoko kasi na matuto kang maginom," paliwanag niya. But... that doesn't explain why I didn't remember anything. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran namin... "My brother consulted me about last night kaya ipinahiram ko sa kanya ang mga gamit ko... The 3 hours Alzheimer's spray. Ang gamit na yun ang dahilan kung bakit wala kang maalala sa past 3 hours ng buhay mo mula noong inisprayan ka." Sabat ni Nyxie sa amin. "So yun pala ang nangyari... pero bakit niyo ako kailangan tanggalan ng memorya?" Hirit kong tanong.

"My big brother insisted even if I didn't see enough reason to use my invention. But because of what he promised I gave him what he wanted," agad na sagot ni Nyxie. I wonder what promise Christian said to his sister to make it say yes. "I don't have to say the details, it's just that..." may namumuo nang pawis sa kanyang noo kahit na malamig dahil umaga pa naman. "...It's just that kuya don't want you to drink again, he cares for you so much." Biglang hirit ni Nyxie. Pagkatapos non ay nagpaalam na siya dahil baka malate na daw siya sa kanyang chemistry subject.

So yun pala ang nangyari kagabi... Pero feeling ko talaga may mali sa sinabi nila... Bakit nila ako tatanggalan ng memorya kung gusto lang nilang ilihim sa akin ang paginom namin kagabi dahil ayaw nilang maulit yung ginawa namin, hindi ba nila naisip na kapag sinabi nila sa akin yun ngayon ay maaalala ko na yung nangyari. Diba parang non-sense yung ginawa nila? Saka bakit ko kaya naisipang makipaginuman sa kanya?

Anyway, my curiosity won't satisfy me. I need to go to class before my teacher say that I'm officially late for the third time just because of that Christian.

P/S: Guys malapit na tayong magumpisa sa mystery part ng kwento!

"Let's play a game then," yan ang nakasulat sa isang piraso ng papel na nakita sa bangkay ng isa sa mga Campus princesses.

"Sino ba ang gumawa nito?" Tanong ni Ryle sa akin.

"Kung sino man ang gumawa nito, gusto niya ata ng isang laro,"  marahan kong sagot habang pinagmamasdan ang katawan ng biktima nang mapansin ko ang isa pang papel.

44 23 24 43  24 43  11  13 23 11 31 31 15 33 22                   15  21 34 42  54 34 45  42 15 24 22 33 .

Kung sino man siya mukhang gusto niya ng isang mahirap na laro.

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now