Chapter #2: Wala nga ba?

10 0 0
                                    

Reign's POV
Hay magrerecess na pala ngayon... bibili pa ba ako, pero kung bibili pa ako, baka mabawasan yung panggastos ni Jayme para sa school niya... hay sa library na nga lang ako, aayusin ko pa yung ituturo ko sa Christian na yun.

"Reign! Halika!" Sigaw ng isang lalake mula sa malayo. Humarap ako sa likod at nakita ang isang matangkad, maputi at gwapong si Christian, alam niyo hindi ko itatanggi na gwapo siya at jowable pero... matagal ko ng sinarado ang puso ko sa pagmamahal dahil sa mga ex ko. Ok na sakin yung maging kaibigan ko siya bilang estudyante ko saka isa pa imposible ako magustuhan ni Christian. "Oy bakit ba?!" Tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya. Di tuloy maiwasan ng iba na pagtinginan kami at pagusapan, oo nga naman, ano ba ang gagawin ng isang scholar kasama ang pinakagwapo at pinakamayamang estudyante?

"Samahan mo ko kumain," sagot sakin ni Christian. "Pupunta ako sa library para ihanda yung ilelesson ko sa iyo," paliwanag ko. "Ah ganun ba... sama na lang ako sa iyo... tutulungan na kita," aya niya sa akin.

"Hindi wag na, kumain kanan lang at baka mabawasan kagwapugan mo," biro ko sa kanya. "Ikaw ang dapat kumain kasi baka mapano ka pa, baka sabihin nila inaalila kita," sagot niya

"Sige na kumain ka na, ok lang ako,"

"Hindi! Sumama ka sa akin," mapilit talaga siya, pero tinalikuran ko lang siya. Ha! Wala siyang magagawa kung ayaw ko pero honestly nagtitipid lang talaga ako kaya ayaw ko kumain ngunit gutom na talaga akko nagtitiis lang.

Walang ano-ano hinablot niya ang aking kamay, nabigla ako sa ginawa niya dahilan upang ako'y maout of balance at nalaglag sa kanya. Ngayon nasa ibabaw niya na ako, naging matagal ang posisyon naming iyon, sa mga oras na iyon di ko alam ang gagawin ko, parang ayaw bumangon ng katawan ko. Nagkatitigan kami ng matagal, noong mga oras na iyon ay wala na ako sa sarili hanggang sa namulat ako nang nagsalita na siya "Ayos ka lang ba?" Tanong siya habang nasa ilalim ko pa rin siya, di ko siya sinasagot, parang gusto ko lang ng pakiramdam na yun, amoy ko ang pabango niya, dama ko ang mabango niyang hininga at ang init ng kanyang katawan. "Hey! Reign! Ansabi ko OKAY KA LANG BA!" Muli niyang sigaw na nagbigay motibo sa akin para tumayo mula sa posisyon an iyon.

"Sorry ah, ginulat mo kasi ako eh," palusot ko, pero sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari sa akin, "Sus palusot ka pa, iba na yung titig mo sa akin eh parang may ibang pahiwatig..." sagot niya.

P0ta sasapakin ko talaga toh, siya kaya dahilan kung bakit kami napunta sa ganoong posisyon. "Hoy! Umayos ka nga, hindi kita magugustuhan!" Tama naman ako eh, hinding hindi ko siya magugustuhan kailanpaman.

Mas kailangan ako ng pamilya ko ngayon, kaya di ko pwedeng unahin ang nararamdaman ko ngayon, well wala naman akong nararamdaman eh... wala ba?

"Anyway... sumama ka na sa akin, hindi ka ba nahihiya pinagtitinginan tayo dito, ikaw rin bahala ka," pamimilit niya. Wala naman akong choice eh kaya pumayag na ako, naglakad na kami papunta sa canteen pero hindi ko makakalimutan ang pangyayari dito sa east wing hallway.

(Uwian)

Gaya ng napagusapan, hinintay ko siya sa may library para sabay kaming pupunta sa bahay nila... makalipas ang ilang minuto...

"Reign! Sorry for the wait... may inutos pa kasi sa akin si tito eh sya kasi yung principal, anyway let's go, ok lang ba kung sa car tayo sasakay kasi may sundo talaga ako araw-araw eh," paliwanag niya. "Oo naman, sige na umalis na tayo," aya ko sa kanya.

Inabot ng 30 mins.  ang biyahe papunta sa bahay nila, buong biyahe ko siyang hindi nakausap dahil buong biyahe siya naglalaro ng basketball what-so-ever game.

Hindi nakaka-surprise na ang bahay nila ay nasa isang subdivision, puno ito ng mga magaganda at malalaking bahay. Nang makarating na kami sa bahay nila agad tumambad sa aking harapan ang maraming puno at magagandang halaman na naging dahilan kung bakit muntik ko na itong mapagkamalan na urban garden ng village. Marahil mahilig sa gardening ang kanyang mama, kaya ganito kalaki ang garden nila. Naalala ko tuloy ang bahay namin dati, napilitan kaming ibenta yun upang ipangbayad sa mga inutang ni papa para iligtas ang negosyo niya ngunit sa huli nalugi pa rin kami, nadagdagan pa kami ng problema dahil sa biglaang pagkakasakit ni papa... anyways bakit ba ako nagdadrama.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay matapos ipark ni kuyang driver ang kanilang sasakyan. Kita mula sa glass doors ng sala ang swimming pool nila sa labas, di ko tuloy napigilang mapasmile dahil sa ganda ng tanawin sa labas, isama mo pa ang orange na liwanag ng araw.

"Master Christian, maligayang pagbabalik," bati ng kanyang yaya habang nakayuko. Ganito ba sila magbatian dito, parang masyadong maka-palace-feels.

"Eto ba ang GF niyo Master?" Tanong ng yaya niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Nagkakamali ka po!" Hiyaw ko habang namumula ang aking mukha.

"Yaya... siya ang magiging tutor ko, yun lang ang naisip kong paraan para subukang mapataas ang grades ko," paliwanag ni Christian. Buti na lang nagpaliwanag siya kundi baka kanina pa ako tumakbo palabas sa sobrang hiya.

"Ah ganon po ba... pero wala ba kayong gawin siyang GF niyo?"

Hala grabe si manang, nakikiusyoso sa buhay ng amo... "Ano ba ang sinasabi mo Yaya!" Ngayon si Christian naman ang namumula habang sinasabi ang mga katagong yon.

"Anyways... nangaasar lang naman ako Master Christian... iniisip ko lang na dahil gwapo ka at malaki ka na marahil ay may kasintahan ka na," muling sabi ng kanilang yaya.

"Oh siya... miss saan ho ba kayo magtututor?" Tanong ng yaya. Seryoso ba siya, alangan sa may space, ako pa talaga ang tatanungin niya eh di naman ako dito nakatira!

Buti na lang at nagsalita si Christian bago ko masabi ang mga salitang yun. Sinabi ni Christian na sa kwarto niya na lang kami mag-aaral. Pero dba parang may mali...

Nang nakaakyat na kami sa kwarto niya doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ako ng isang lalaki na nagbigay sa akin ng pagaalangan na pumasok.

"May problema ba?" Tanong ni Christian.

"Kasi... hindi ba masama na papasok ang tulad ko sa kwarto ng isang tulad mong lalaki?" Muli kong tanong habang nakaseryosong mukha.

"Huwag kang mag-alala... may respeto ako sa babae, yun kasi ang turo sa akin ni Ina, at tsaka... wala akong gagawin sa'yo unless kung gusto mo, hHahahh!" Biro niya.

"Shuta ka! Halika na nga!" Bulyaw ko na parang akin yung bahay.

                                            ***
Natapos na ako sa pag-tututor sa kanya ng mga bandang 6:30 na ng gabi, mahirap pala siyang turuan di gaya ng iniisip ko sa kanya. Ilang oras din kaming nakaupo sa may kama niya, ngunit wala naman akong naramdamang malisya, I don't feel uncomfortable with him. Ngayon pa lang sinasabi ko na magkakasundo kami ng lalaking yun maliban kapag nagtuturo ako ng math.

Nagpaalam na ako kay Christian at sa kanyang HhAkdOg na Yaya na muntik na akong paghinalaan na may gusto kay Christian. Pinabalutan pa ako ni Christian ng pagkain pauwi upang siguruhin na hindi ako magugutom... sana ganun lang siya sa lahat dba kundi baka mag-assume na naman ako sa isang tao na may gusto siya sa akin. Hay...

Hinatid ako ng manong driver hanggang sa may kanto malapit sa bahay namin, pinakain ko na ang mga kapatid ko at tsaka natulog. Mahabang araw toh sa pagsisimula ko bilang tutor, ngunit kahit ganon naging masaya pa rin ako.

P/S: guys kung may suggestion kayo huwag kayo mahihiyang magcomment... your author is open for public opinions  :3 lablots sana magkaroon kayo ng lablayp

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now