Chapter 8: The abduction(part 1)

6 0 0
                                    

Reign's POV
"Good Afternoon, We are from the Police Department, we are here to know if there is any student having a 'Reign' on the first name," pagkasabi non ng babeng pulis ay biglang nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko habang ako naman ay nanatiling kalmado. Malapit na ang Lunch break kaya maaari na siguro akong sumama sa kanya nang hindi nag-aalala sa ibang subjects.

Tama nga si Polynd... mukhang alam na nila ang hidden message, nagkatinginan muna kaming apat nila Riogen, Lei at Polynd nang ilang segundo bago sila sumenyas na sumama ako.

"Ako po yun ma'am," kalmado kong sabi habang tumatayo at naglalakad papuntang pinto kung saan nandoon ang babaeng pulis.

We leave the room and my classmates with a lot of questions on their head. Hindi ko sila masisisi. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kung ang isang maganda at matali-- CHE! Sigh... back to business.

Sino nga ba naman ang magtataka kung ang isang nerd at walang imik sa klase na tulad ko ay ipapatawag ng isang pulis? Ilang minuto rin kaming naglalakad sa hallway at akala ko sa may guidance kami tutungo ngunit ako'y nagulat nang dinaanan lang namin ito at nagpatuloy...

Dumating kami sa bahagi ng school na halos walang dumadaan, nagtungo kami sa pinakadulo at pumasok sa isang kwarto...

Madilim doon at meron lamang akong naaaninag na tatlong monobloc chair at isang mesa. Doon nagaabang ang principal at isang babae at lalaking naka-jacket.

Masyado bang malamig dito para magjacket sila? Anyway... biglang bumukas ang mga ilaw at hindi katulad kanina, mas nakikita ko na ang mga mukha nila at ang lugar na ito.

"Maupo ka..." sabi ng babae na naka-jacket sabay turo sa isang monobloc chair.

"Ikaw si Reign Chavez... hindi ba?" Pagkukumpirma ng lalaking naka-jacket.

Umupo ang lalaki't babae sa dalawang monobloc chair na nakaharap sa akin at nakapatong ang mga kamay nila sa mesa.

"Kami nga pala sina Martha at Roel Olivan, napansin namin kanina na parang hindi ka nabigla na pinatawag ka namin dito, may alam ka ba sa pagkamatay ni Angeline?" Dire-diretsong salita ng babae na sa pagkakatanda ko ay ang pangalan niya ay Martha Olivan ayon sa pagpapakilala niya.

"Na-decode na namin ang hidden message sa may bangkay... at ang nakalagay du-" bago siya matapos ay inunahan ko na siya.

"'This is a challenge for you Reign'  yan ang nakasulat hindi ba? Na decode na namin yan ng mga kabigan ko. Hindi na ako na-surprise na ipapatawag niyo ako dahil nandun ang pangalan ko," sabi ko.

"Very well. Reign, mukhang isa ka sa mga kaibigan ng anak naming si Polynd kaya mo na decode ang message, anyway... gusto ka lang naming tanungin kung may kaaway ka ba?" Tanong ni Mr. Roel.

"Wala po... maliban dun sa isang grupo ng mga babae, dun sa grupo ng babae na iyon kung saan kasama si Angeline," sabi ko. Tama naman diba, kaaway ko sila. Pero... hindi ko magets ang dahilan bakit kaaway ko ang namatay.

"So tama nga ang hinala namin. Mukhang gusto ng killer na pagbantaan ka, kung ako yung killer mukhang eto rin ang maiisip ko..." sabi ni Mrs. Martha bago nagpatuloy.

"... kung kaya kong patayin ang kaaway ng kaaway ko maaaring magdulot yon sa kanya ng pangamba dahil kung kaya kong patumbahin ang kaaway niya hindi malayong kaya ko rin siya... sa madaling salita... tinatakot ka nila,"

"Clearly, hindi ikaw ang killer dahil para sa'yo ang message, ang weird naman non kung magsusulat ka ng message para sa sarili mo, at isa pa base sa witness na nagpapatunay na wala kang kasalanan-which is ang anak ko- kasama ka nila nang mangyari ang krimen, kaya I doubt na magagawa mo yon," mahabang paliwanag ni Mr. Roel.

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now