Chapter 5: The Princess has been slain

6 0 0
                                    

Reign's POV
Tapos na ang morning class namin kaya napagdesisyonan ko munang magpunta sa library, doon ko kasi ibinubuhos ang sobra kong oras para naman maging productive ako. Ilang minuto ng aking paglalakad nang may isang hindi pamilyar na boses ang tumawag sa akin...

"Reign!" Lumingon ako para tingnan kung sino ang tumatawag sa hindi ko sikat na pangalan. Nakita ko ang mukha ng isang moreno at gwapong lalaki, may pagkamalaki rin ang katawan niya na parang isang police officer. "Bakit po?" Magalang kong tanong. Who knows baka powerful din siya at ipatanggal ako sa school kapag hindi ko siya ginalang. Mukha kasi siyang mayaman.

"Hi! I'm Riogen Dominguez, magkaklase tayo. Napansin ko kasing wala kang masyadong kausap kanina kaya naisip kong konti lang ang kaibigan mo," Medyo mali ata siya sa word na konti kasi wala talaga akong kaibigan dito sa school. "So..." sagot ko habang naghihintay na dugtungan ang kanyang sinabi.

"Since I'm a transferee gusto kong mag-makefriends lalo na don sa mga konti pa lang ang kaibigan, if you would accept me?" Tanong niya sa akin. Muli... mali na naman siya sa sinabi niyang konti. "Oo naman, actually wala naman talaga akong kahit isang kaibigan eh," sabi ko habang nginitian ko siya ng napakalaki. Konti lang naman kasi or wala naman kasing nagtatangkang makipagkaibigan sa akin eh lalo na sa lalaki so it would be rude if I decline his proposal.

"Kita na lang tayo Reign! May pupuntahan pa kasi ako eh!" Sigaw niya habang kumakaway palayo. May mga lalaki pa palang natitira sa mundo tulad niya noh, anyway... sinabi niya kanina na transferee siya pero diba dapat hindi na tumatanggap ng enrolees ang school dahil 3rd semester na, ganon ba siya ka-special.

                                         ***
Pagkatapos ko pumunta sa library ay bumalik na ako sa classroom namin unsurprisingly nakita ko ulit ang FRIEND ko na si Riogen, mukhang di pa naman nakakabalik ang lahat dahil nga may 10 mins. pa bago magsimula ang klase namin tungkol sa Chemistry.

"Reign! Nakabalik ka na pala, Eto nga pala ang dalawa ko pang kaibigan... kasama ko silang nagenroll dito sa school niyo," sabi ni Riogen sabay turo sa isang babae't lalake. Nakipag-shakehands ang dalawa sa akin at nagpakilala. "Hi! Reign tama... ako nga pala si Lei Dominic Villafuerte, as you can see magkaklase tayo. Let me know kung may maitutulong ako sayo ha," masiglang bati ni Lei. May itsura rin ang Lei na ito noh, may pagkasingkit din siya tulad nila Christian at ng mga kapatid niya, para rin siyang nag-gi-gym kasi halata yung laki ng braso niya kahit nakauniform siya. Pagkatapos ni Lei ay nagpakilala na ang isang babae na nakasalamin. "Hi Reign! I'm Polynd Herbius Olivan. My parents are fond of mysteries so they named me after the Greek  Polybius who created the Polybius square! Nice to meet you Reign!"

Naalala ko tuloy bigla si Nyxie sa kanya, mukha talaga siyang matalino, silang tatlo din naman. Maganda siya at sexy rin parang ako, hahhahaha bakit ba kwento ko to eh. Fit din sa kanya yung damit niya kaya parang kumakawala yung hinaharap niya, hay sanaol. "Nice to meet You rin Polynd at Lei," tugon ko sa kanilang dalawa. "Guys gusto niyo bang pumunta sa Canteen muna wala pa naman si Sir eh. Ano payag kayo?" Aya ni Riogen sa amin. "Sure, ok lang naman sa akin basta treat mo ah," sagot ni Polyden.

"Ano ba kayo, syempre treat ko to. Kailangan natin i-celebrate ang pagdagdag ni Reign sa ating grupo!"

"Ay ganon ba! Kailangan may pa-treat pag may nakikipagkaibigan, hahaha ok lang huwag na nakakahiya rin kasi eh..." nahihiya kong tugon sa kanila.

"Ano ka ba! Huwag ka na mahiya barya lang yun para sa Rio, dba dba," sabi ni Lei. Hindi pa rin matanggal ang hiya sa aking mukha dahil sa pagaaya sa amin ni Riogen para i-treat kami dahil sa akin. "Sige na nga..."

"Oh halika na kayo!" Sigaw ni Polynd habang papunta sa pinto. Agad naman kaming sumunod sa kanya. Nang nakababa na kami sa canteen ay umorder na si Riogen para sa amin. Pare parehas kami ng pagkain isang Cheese cake at orange juice. Hindi ako nahirapang pakisamahan ang tatlong ito dahil halos pare-parehas lang din kami ng interes lalo na si Riogen, nasabi niya kasing mahilig din siya sa pagluluto katulad ko.

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now