Chapter 10: The abduction (part 3)

4 0 0
                                    

Reign's POV

"Well let's go back to business... Di ko naman talaga balak sirain ang pattern eh. Ang plano kasi ni Boss ay kailangan ko munang patayin isa-isa ang Campus Princesses bago kita patayin... Pero dahil nakita na rin kita, bakit di ko pa agad tapusin? Ahhahaaha..."

".......Scared? Hahhaha! Wala akong pake! Let's start the game.... Miss Reign Chavez..."

"A—a-anong G-game?" Utal-utal kong tanong. Bakit niya ba ginagawang komplikadong ang mga bagay-bagay ha?!

"Well... siguro medyo nagtataka ka kung baakit kailangan pang magiwan ng riddle thingy, hindi ko nga rin alam eh..." mahinahon na sabi ni Christian 2.0. Oo, tama. Christian 2.0, yun lang matino kong naisip na nickname eh.

"Again... let's go back to business, May 1 hour ang kung sino mang makakakita ng note na iniwan ko para iligtas ka..." hindi katulad kanina may pagkaawtoridad ang pagsasalita niya.

"...ang nakalagay sa note ay 'Light is revived when darkness falls' siguro pati ikaw walang alam kung ano yung sagot... ang sagot ay bar." Nakangisi niyang sambit.

"May naka-kabit na bomba sa likod mo... pag pinindot ko ang button na ito..." sabi niya sabay labas ng maliit na device na may maliit na red button sa gitna.

"...aandar ang 1 hour timer ng bomba. Pagnatapos ang 1 hour sasabog ka kasama ng bomba, magkakalasog-lasog ka, at magiging duguan. Hindi ka na nila makikilala. Hahahaha!" Para siyang nababaliw sa sinasabi niya. Well... medyo mukha naman talaga siyang baliw dahil kanina pa siya tawa ng tawa.

"Bakit mo ba to ginagawa!?" Inis na sigaw ko.

"Tanga ka ba? O sadyang bingi ka? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina?! Para sa pera! Nasira ang pangalan ng pamilya ko noong biglang bumagsak ang Company ng papa ko! Kilala ang pamilya namin kaya lubhang nakasira sa pangalan namin ang pagbagsak ng company na yun! Walang tumanggap sa akin sa mga part-time jobs na ina-applyan ko! Kaya nandito ako sa harap mo, walang magawa kundi marumihan ang mga kamay ko! Oh ano masaya ka na!? Masya kana na nalaman mo ang nakakahiya kong buhay!?" Mangilid ngilid ang luha sa mga mata niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Kahit papaano nabawasan ang takot ko sa kanya nang marinig ko ang totoo niyang dahilan.

Pero... Bakit ganon!? Hindi siya tinatanggap ng mga employer dahil lang bumagsak ang company nila?! Bakit kailangang ganon ang mangyari!? Hindi ba nila naisip na maaaring magtulak yun sa isang tao para gumawa ng masama!? Kahit papaano I feel sorry for him..

Hindi ko maiwasang makita ang unti-unting pagpatak ng butil ng luha sa kanyang mga mata, marahil dahil iyon sa mga ala-ala niyang hindi na niya matatakasan at ang malupit na hatol sa kanya ng tadhana.

"Pero hindi pa ito ang huling pagkakataon para magbago... naging malupit man sa iyo ang tadhana hindi yun dahilan para maging malupit ka rin sa iba," sinubukan kong ngumiti habang sinasabi ang mga salitang maaaring makapagpabago sa kanya.

"Tanga ka ba!? Hindi ako uto-uto Reign! Wala na kayong magagawa para mapigilan ang mga to! Mas kailangan ko ng pera kaysa mga encouragement and sincere messages galing sa mga friendly kuno na nilalang kagaya mo!" Muli niyang sigaw habang pinupunasan ang luha niya. Pinipilit niyang itago ang lungkot sa pagngisi at pagtawa... nakikita ko yon sa kanya...

"Oh sige na! Tama na ang drama! Ang tanong ngayon... kung may makakakita sa riddle na iniwan ko. Hahahahha!" Bumalik ang malapad na ngiti at ang mukhang baliw na pagtawa niya.

"Time starts now..." mahinahon niyang sabi habang nakangisi sabay pindot sa buton.

Ngayon ang magagawa ko na lang ay mahintay sa kapalaran ko. 75/25 ang tyansa na mabuhay ako. 25% na lang ang tyansa na mabuhay ako dahil posibleng hindi nila makita ang note, at kauit makita nila yun... matatagalan din sila sa pagsolve non. Saka napakarami ng bar na maaaring tukuyin ng riddle baka hindi nila alam kung saan.

Isn't my Tutor cute!Where stories live. Discover now