Reign's POV
Sabay-sabay kaming umalis ng room kasama sila Riogen, Lei at Polynd. Seryoso pa rin ang mga mukha nila... well probably dahil siguro sa code na nakita namin kanina, kahit ako eh halos yun lang ang iniisip ko hanggang matapos ang afternoon class ko.Napagusapan namin na sa may library kami magkikita-kita, habang kami'y naglalakad ay hindi ko napansin na may kumakaway sa harap ko, nabaling lang doon ang atensyon ko nang tapikin ako ni Lei...
"Oy ikaw pala Christian!" Bati ko sa kanya.
"Papunta ka na rin pala sa library, halika sabay na tayo palabas..." muntik ko nang makalimutan ang usapan namin na itu-tutor ko siya. "Uhmmmm... Christian eto pala sina Riogen, Lei at Polynd..." kumaway sila nang sabay-sabay nang ipakilala ko sila sa hindi pamilyar na mukha. "Guys eto pala si Christian... Siya yung pamangkin ng principal, pamilya nila ang nagmamay-ari ng school na to, HUMSS student siya dito," pakilala ko kay Christian.
"That's too much of myself Reign my dear..." at kailan pa naging dear ang tawag niya sa akin. "Uhmmm Christian... pwede ka ba munang maghintay sa akin, kasi may tina-try kasi kaming isolve eh..." pakiusap ko sa kanya. "Oh ganon ba? Sige, ano ba yung sinosolve niyo?" Tanong ni Christian sa akin.
Medyo napansin ko na tahimik lang ang tatlo, siguro medyo na OP sila sa pinaguusapan namin kasi di nila close si Christian, well clise ko si Christian not as my friend but as my student.
"Isa siyang code na nakita sa bangkay ni Angeline..." halatang medyo namangha siya sa sinabi ko. "Ah si Angeline ba, I feel bad for her," ang pagkamangha niya ay napalitan ng lungkot.
"There's no time for mourning on her death... pati ang mga pulis hindi pa naso-solve ang code na yun. Wala pang lead kung sino ang gumawa non," sabat ni Polynd.
"Paano mo naman nalaman na hindi pa naso-solve ng mga pulis ang code?" Tanong ni Lei. Oo nga naman, paano niya nalaman.
"Didn't I told you that my parents are detectives... they are the ones who are assigned in this case, nakasalubong ko sila kanina papunta sa CR, natanong ko sila kung meron na silang lead, sabi nila papunta sila sa akin para i-check ako regarding sa case kanina, alam mo naman... Parents are the most complicated security," tugon ni Polynd.
Ibig sabihin mas matalino siya sa magulang niya, kasi kahit detectives naunahan niya para malaman ang paraan ng pagdedecode ng message dun.
"Oh sige na... back to business gawin niyo na ang kailangan niyong gawin para makaalis na kami ni Reign, Tutor ko kasi siya eh," tugon ni Christian. Pagkatapos niyang sabihin yun ay tinitigan ako ng mga kaibigan ko na parang kailangan kong ikwento ang lahat sa kanila pagkatapos ng kasong ito.
Medyo nakakaramdam pa rin ako ng paninibago kung paano naging ganito ang buhay ko mula sa isang scholar na walang ginawa kundi mag-aral at magtrabaho hanggang sa pagiging tutor at pagka-involve sa unang kaso. Hindi ko nga alam kung dapat akong makialam dito eh but my innerself tells me... no, forces me to solve this code. As if I will benefit from this code.
Ilang minuto rin ay nakapasok na kami sa Library at umupo sa medyo liblib na parte ng library. "So let's settle this down..." muling pinakita ni Polynd ang Cellphone niya na naglalaman ng code:
44 23 24 43 24 43 11 13 23 11 31 31 15 33 22 15 21 34 42 54 34 45 42 15 24 22 33.
"Alam ko na ang ginamit ng suspect para itago ang message..." sabi niya habang kumukuha ng ng isang piraso ng papel at nagsulat.
"He/ She used Polybius Square..." pagpapatuloy niya. Now its clear why its easy for her to solve that code. She mentioned earlier that she was named after that greek Polybius which is obvious with her name.
YOU ARE READING
Isn't my Tutor cute!
RomanceCampus Crush... wala akong pake, ang kailangan ko ay makagraduate para sa pamilya ko. Kailangan ko magkaroon ng pera para mapagamot ko si Tatay at mapagaral ang iba kong kapatid... Saka isa pa wala pa akong interes magkabf kaya never ko siyang magu...