[A/N: Ey, Merry Christmas and Happy Holidays, everyone!]
***
Umiikot ang mundo at tulak-tulak ako ng iilang tao kasama ang lalakeng kulay berdeng tsaa ang buhok. Parang nabibingi ako dahil may mga sinasabi sila pero hindi ko marinig.
Hindi ko na kinaya ang bigat ng aking pakiramdam at tuluyang bumagsak ang mga talukap ng mata ko.
"Hey, sleepyhead, wake up," isang pamilyar na boses ang nakapagpagising sa akin.
Nagising ako na ramdam ang sakit ng katawan ko. Nilibot ko ang aking paningin at kitang-kita ko ang istruktura ng silid na ito. May mga kamang nakahilera at may cabinet na may iba't ibang medical supplies at equipment. Sa gitna ng kisame, may banner na nakasabit na may simbolo ng kalahating buwan at araw, dalawang espada na nakaslant at nakacross, at bughaw na letrang A sa gitna ng ito.
Isang infirmary. Nasa isang infirmary ako... ng Altaria Academy. Bumalik naman ang alaala ko sa mga nangyari. Nasa loob na ako ng akademya. Nakuha pala talaga nila ako. Napabalikwas ako ng bangon pero kasabay noon ang pag-aray ng likod ko.
"Magdahan-dahan ka nga. Your body dealt with so much stress and pain, nagtataka ako paano mo kinaya ang sunod-sunod na atake," Serena quipped na nasa tabi ng kama at nakaupo sa kabilang kama. Kumunot ang noo ko at hindi ko na kinailangan pang magtanong kung bakit siya nandito at paano. Ngumiti lamang siya nang mapait.
Bigla ko namang naalala sina Mrs. Mesa at agad akong kumilos pero pinigilan ako ni Serena. "Ligtas sila, Alain," pigil niya sa akin.
Napatingin ako sa kaniya na nagtataka. "Nabilog ba nila ang utak mo, Serena? Why are you stopping me from leaving this wretched place?"
Yumuko naman siya bago niya ako sinagot. "M-mas mabuti kung dumito ka, Alain."
Hindi ko inasahan ang sagot niya. Akala ko'y susuportahan niya ang desisyon ko. Nakatitig lang ako sa kaniya at nakita kong naluluha siya. Hinayaan ko lang siya.
"You're much safer here," dagdag pa niya.
"Safe doesn't want me. I'll always bring bad luck with me, Serena. Nowhere is safe. Azrael got out of control! You know what might happen if I hadn't stopped him," galit kong pahayag.
Bumalik naman sa alaala ko ang nangyari siyam na taon na ang nakakalipas. I tried protecting the people I love when the Greyscales attacked. But I lost them in the process dahil nagwala si Azrael. Simula noon, hindi ko na ginamit si Azrael and I only use bits of my extrasensory ability sa takot kong masummon ko siya ulit.
Noong araw na sumugod muli ang mga Greyscales, 'yun din ang naging hudyat para tawagin kong muli si Azrael. Hindi naman nawala sa isip ko na baka mangyari ulit na magwala siya. At nangyari nga ang pinakakinatatakutan ko kaya agad akong nagsummon ng antimatter.
Napalingon si Serena sa isang kama at sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya hanggang sa nakatingin ako sa nakahigang babaeng na kulay lemon yellow ang buhok.
Siya... Siya 'yung muntik nang mamatay dahil sa akin.
"Korrina Delacour," ani ni Serena, "baka lang gusto mong malaman ang pangalan niya."
Parang nabasa naman niya ang isipan ko kaya't may dinagdag pa siya.
"Naririnig ko 'yung ibang estudyanteng nag-uusap when you both were unconscious."
Tss. Great. Now I have to deal with what my x ability has done to Korrina. Bumalik naman ang seryosong mukha ni Serena at tumingin siya sa akin.
"Alain, don't leave this place," she said but it was more like a plea. "I'm asking you this. Please, for me."
Tinitigan ko naman siya. Bakit ba ayaw niya akong paalisin dito? What is it with this place and with those fools who came to get me? This is pure bullshit. I can't believe this is happening.
"I'll do my best. Pero hindi ako mangangakong mananatili. I'll still try to find a way to get out of this place," sabi ko sa kaniya. Napalingon naman kami nang may biglang pumasok sa infirmary.
"You can't expect to leave this place easily, Altaria Academy is heavily guarded," mungkahi ng lalakeng kasama sa pagkuha ko. I remember that dark blue hair all too well.
Kaya lang, it doesn't seem like he's looking at us. Is he... blind? Nasagot naman ang katanungang ito nang mabilis kaysa sa inaasahan ko.
"I thought I heard people talking. But I can't detect any presence or aura in this room except for Korrina. I can hear pulses and beats. But it's weak and that's one person only. Where can the other one be?" tanong niya.
Nanigas naman ang katawan ko. Alam niya. Alam niyang may iba akong kasama rito. Alam niyang nandito si Serena. He has the extrasensory ability of enhanced senses and aura sensing.
"I am blind; but I see."
Nagkatinginan naman kami ni Serena at agad akong kinabahan nang makita siyang lumalapit at papunta sa amin ni Serena.
"Hi, I'm Grimsley Aragon. Pleased to make your acquaintance."
BINABASA MO ANG
Extrasensory
FantasyAlain Eclipse never wanted to be a part of that world. Hell, he doesn't even want to be a part of the games. But what if the world he tries hardest to avoid, is the same world he was born into? And what if joining the games will reveal his true hist...