Nakatunganga ako sa kwarto habang tinititigan ang kisame matapos ang pag-uusap namin kasama ang Headmistress kaninang umaga. For me to compete at the X Games, I need to be an official student of the premier school of the region. Dahil maliit ang dalawang rehiyon ng Del Sol at Del Luna, they will have the same team. Huh, sino bang mag-aakala na magiging parte ako ng kahibangang ito?
Sa sandaling pagmumuni-muni, naisip ko ang pamilyang Mesa. Kamusta na kaya sila? Ligtas kaya sila? Saan kaya sila nagtungo? Iyan ang mga tanong kung— kung— hindi. I won't allow that possibility. Hindi pwedeng mamatay sila! Hindi pwede!
Nabasag naman ang malalim kong pag-iisip nang narinig kong may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mukha ni Grimsley na nakangiti at ang lalaking kulay berdeng tsaa ang buhok.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"We came to fetch you for lunch," sagot ni Grimsley. Kumunot naman ang noo ng kasama niya habang nakatingin sa akin. Napansin ko 'yun at nagpukol ako ng masamang tingin sa kaniya.
"May problema ka ba?" maangas kong tanong. Napalitan naman ng pag-aalala ang mukha ni Grimsley at agad na nagtanong kung may nangyayari ba. Oh right, he's blind.
"Ah, wala, wala," sagot ni berdeng tsaa habang iwinawagayway ang dalawa niyang kamay. "I was just wondering kung bakit hindi ka pa nagbibihis."
Shoot. Dahil naging preoccupied ako, nakalimutan kong kailangan kong magpalit ng uniporme. Agad naman akong umalis sa harapan nila at bumalik sa kwarto. Nakahanda na sa ibabaw ng kama ang isang dark blue coat, puting longsleeves na polo, at dark blue na slacks. Intricate ang pagkakagawa sa unipormeng ito dahil may kulay silver pang linya ang ibinurda rito. Sa upper left ng coat ay ang logo ng paaralan, bilog na nahahati sa gitna na nagrerepresenta sa araw at buwan, dalawang espada na nakacross sa likod ng malaking letrang A sa harap.
Bumalik ang alaala nang pinag-uusapan namin ni Serena ang kagustuhan niyang makapag-aral dito. Sinabi ko sa kaniya noon na magugutom kami habang buhay bago namin mabili ang uniporme ng Altaria Academy. Ibang klase nga talaga maglaro ang tadhana.
Maya-maya lang ay sabay na kaming tatlo ni Grimsley patungong cafeteria. Habang binabaybay namin ang daan patungo doon, nalaman kong ang pangalan ng lalaking may berdeng tsaa na buhok ay Natural Crestfall pero gusto niyang tawagin sa pangalang Nate.
"Baduy ng Natural, para akong kapaligiran," wika niya sabay tawa. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya. May sira ba sa utak ang lalaking 'to?
Sa wakas ay nakarating na kami sa cafeteria. It's about time na tumigil na si Nate sa kakabiro niyang siya lang naman ang natatawa. Seryoso bang isa 'to sa mga lalaban sa X Games?
Napansin ko namang pinagtitinginan kami nang pumasok kami sa cafeteria and I saw curious stares from students. It's like they are scrutinizing my existence at kung bakit may hindi pamilyar na mukha sa campus.
"Huwag mo nang pansinin ang mga tingin nila," seryosong sabi ni Grimslet habang nakatingin ng diretso.
May naririnig akong bulung-bulungan sa bawat table na nalalagpasan namin.
"Si Grimsley at Natural 'yun 'di ba? Sino 'yung isang kasama nila?"
"Rinig ko may bagong student daw. Is that him? He's hot. I wonder what rich clan he is from."
"We are really losing the games. Si Solaire lang ang malakas sa kanila."
"Siya ba ang last member ng Altaria team? He looks like a wimp. Dapat ako na lang ang sinali nila."
Kunot-noo lang ako habang naglalakad. Why is my presence such a fuss and why are they making is sound like a big deal?
Hindi nagtagal ay dumating na kami sa isang circular table sa dulo ng silid at sa tingin ko'y para lang iyon sa piling miyembro ng team. How pathetic. Why not just sit at any table like everybody else? Personally, mas gusto kong magmukmok at kumain sa sulok nang hindi napapansin. 'Yun nga sana ang gagawin ko kung hindi lang dumating ang dalawang 'to.
"Here comes the boys!" masayang wika ng babaeng ash blonde ang buhok. Ngayon ko lang napansin ang presensiya nila. Naroon na pala ang mga babae at agad ko namang hinanap si Korrina. Saktong nagtama ang mata namin at umiwas ako.
My guilt caused me to do what I just did. Hindi kinakaya ng konsensya ko ang tignan siya nang hindi ko iniisip na ako ang dahilan kung bakit malapit siyang mamatay.
The three of us took our seats and our food was served. Again, I was reminded kung gaano kami naghihirap sa buhay sa village. Lahat ng meron kami at kailangan namin, pinaghihirapan naming makuha. Habang sila, nakahain na sa harap nila, ang kulang nalang ay kumuha at pumili.
Dahil doon ay nawalan na agad ako ng ganang kumain at napansin naman iyon ng mga kasama ko.
"May mali ba, Alain? 'Di mo ba gusto ang pagkain? We can change them if you like," ani ni Delphini, ang babaeng may ash blonde na buhok at pinakacheerful sa mga babae. Umiling lang ako at patuloy na tinusok-tusok ang kawawang pagkain.
"Yeah, wala talagang kuwenta ang pagkain dito," satsat ni Nate na dahilan nang pagpukol ng lahat ng masasamang tingin sa kaniya.
"Woah, guys, chill. Nagbibiro lang ako," kabado niyang sabi. Tumahimik na siya at nagmumble nalang sa sarili niya. Hanggang sa nagdikit ang mga labi nito at nakita ko ang ekspresyon niyang natataranta.
Nakita ko namang nagside smirk si Vuitton. Matapos noon ay nabuksan na ni Nate ang bibig niya at nakatingin ng masama kay Vuitton. Nagpipigil naman sa tawa niya si Delphini at marahang ngumiti si Korrina. Matapos noon ay hindi na muling umimik si Nate. Woah, so that was Vuitton's x- ability? I don't know exactly yet but I think it has to do with mind control.
"Nasaan si Solaire?" pagtatanong ni Grimsley. Napatingin naman sa kaniya ang lahat at mukhang walang may ideya kung nasaan ang santelmong iyon. And as if on cue, may narinig kaming yabag ng sapatos papunta sa direksyon namin.
"So, you've started the fun without me," wika ni Solaire, habang tinitignan kaming lahat. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Hindi man lang siya umupo at sumabay kumain. Dumako ang tingin niya sa akin at agad na nagwika.
"Welcome to the team," at naglakad na siya paalis, "Training later, 1500 H. Don't be late or Mr. Stone will whip us."
***
A/N: This is a lame update but don't worry, we'll get to the exciting parts. I just want to shout out my sister who has been so supportive, she even made a sketch of the main seven. They were just like I imagined them.
(From L-R [above]: Grimsley Aragon, Solaire Prym, Alain Eclipse, Natural Crestfall; [below] Korrina Delacour, Vuitton Borealis, Delphini Kingsley)
BINABASA MO ANG
Extrasensory
FantasyAlain Eclipse never wanted to be a part of that world. Hell, he doesn't even want to be a part of the games. But what if the world he tries hardest to avoid, is the same world he was born into? And what if joining the games will reveal his true hist...