Chapter 4: The Seventh Member

18 4 0
                                    

[A/N: Alain is pronounced as /'a-lahn/]

***

"We've been looking all over for you, seventh member of the Altaria team."

Mas lalo pang kumunot ang noo ko. What the hell is this man talking about? Anong seventh member of the Altaria team?

"Is this some kind of a trick? Wala akong alam sa sinasabi mo," sabi ko habang nananatili akong nakaalerto at nasa defense position. I steadily kept my footing at nakiramdam sa kadiliman. I need to be sure that they won't do anything funny or suspiscious while I'm off-guard.

"Come with us," ani niya. But it wasn't just a statement. It was an order.

"And why would I do that?"

I saw a glint in his eyes. "Your symbol. Your sign. The tattooed number."

Nanlaki naman ang mata ko at nagawi ang tingin ko sa balikat kong may maliit na number 7 na nakalagay doon na parang tattoo. Nang ibalik ko ang tingin sa kanila, they also showed their numbers. Ang iba nasa kamay, sa arm, sa leeg, sa noo at iba pa.

Ang ipinagtataka ko, hindi ako nagpatattoo ng numero. Noong nakaraang taon, lumitaw lang ito ng bigla-bigla. May naramdaman akong konting kirot at may nakita akong number 7 sa balikat ko. Nang lumipas ang mga araw, unti-unti itong nawala. Ngayon lang ulit ito bumalik. Why?

"Lumilitaw ang mga numero kapag nagkakasama ang chosen players," paliwanag noong isang kasama nilang nasa likod na parang nababasa niya ang iniisip ko.

"Sumama ka sa amin nang maipaliwanag at maging malinaw para sa'yo ang nangyayari," mungkahi ng isang babaeng kasama nila.

"Naguguluhan pa rin ako," I said at bumalik sa posisyon ko kanina, "but one thing's sure, wala akong pakialam. I don't want anything to do with the likes of you and I will never come with you."

Bigla naman ako nagkaroon ng itim na mga pakpak sa likod. Azrael. Nagpasalamat naman ako na nainitindihan niyang nasa panganib ako ngayon. I know I can't outrun them in this situation — may mga sugat, galos, at pasa — and I'm too weak right now kaya't nanghingi ako ng tulong sa kadiliman.

They were taken aback by the sight of me having wings. Ngumisi naman yung lalakeng lider nila. I flapped my wings and conjured gust. Agad nilang isinangga ang mga kamay nila bilang proteksyon. But the man stood still.

"Solaire, do something!" asik ng babaeng neck-length ang kulay raven niyang buhok. Solaire. So, that's his name, huh.

"Don't rush me, Vuitton," sagot nito nang hindi lumilingon. He kept his footing and looked at me. He's strong and he seems to be enjoying my show. Napapansin kong hindi siya gumagawa ng kahit ano. Enhanced adaptation. That's his extrasensory ability. Mabilis siyang nakakahanap ng pangontra sa kahit anong sitwasyon o anong extrasensory ability ng makakalaban niya.

Not only that he's strong, he is also dangerous. Kaya pala siya ang tumatayong lider ng grupong ito. He is not a person to be reckoned with. This has to end now dahil kung hindi ay hindi ko na sila kakayanin. Malalakas sila base na sa unang tingin, malakas ang namumuno sa kanila. 'Di na ako magtataka kung malakas din sila. Baka ano pa ang mangyari sa akin if I let them have the upper hand even once.

Offense is the best defense kung kaya't itinigil ko ang ginagawa ko at nagsimulang manipulahin ang mga anino nila. Sinunggaban ni Azrael ang anino ni Solaire, Vuitton, at iba pa nilang kasamahan nang mabilis. Hindi nila ito inasahan kaya't laking gulat nila nang para ko lang silang pinaglalaruan.

Pinulupot ko naman sila gamit ang kadiliman at hindi na sila makakilos. Pati ang tinatawag nilang Solaire, nag-iba na ang ekspresyon. He's pissed at hindi lang dahil nag-iba ang timpla ng emosyon niya kung hindi unti-unting naging kahel ang buhok niya at nararamdaman ko sa kadiliman ang init. Naging dilaw na hanggang sa nagliyab na ang ulo niya.

Nagulat naman ang lahat ng kasama niya nang nakitang naging asul na apoy ang buhok ni Solaire. Nakawala rin siya sa pagpupulupot ko sa kaniya. Nanlilisik ang mata niya and he maniacally laughed.

"So this is the Prym's curse," bulong ng lalakeng kakulay ng berdeng tsaa ang buhok niya. Prym's curse. I don't know what's that pero pangalan pa lang, alam kong mapanganib ito.

"I hoped that this would be easy and a peaceful talk. It seems that I was wrong," ani ni Solaire na masamang nakatingin sa akin at agad na nawala sa posisyon niya. Huli na nang maramdaman ko ang pagkilos niya, nasapo na niya ako sa likod at bumagsak ako sa dulo ng cliff.

Nakita kong aatake siya ulit sa akin sa harap kaya't ginamit ko ang mga pakpak bilang pansangga at proteksyon. Ginamit ko rin ang pakpak para itapon siya sa puno. Rinig ko ang malakas na tunog dulot ng impact niya sa puno.

Naghihingalo na ang santelmong ito pero pilit pa rin niya akong inaatake. Inuppercut niya ako. That shit hurted. He didn't give me the chance to fly away or punch back. Sinikmuraan niya ako kaya't napaluhod ako.

He grabbed my hair at inangat niga ang ulo ko para magkaharap kaming dalawa. "You're gonna come with us whether you like it or not. We didn't ask for your approval and we don't care."

Kinuha ko ang oportunidad na iyon para hilahin ang kaniyang paa at suntukin siya sa sikmura. He gasped dahil sa ginawa ko. Akmang susugod na kaming dalawa sa isa't isa nang napahinto kami dahil narinig naming tinatawag nila si Solaire dahil... nagwawala si Azrael.

Nagsimulang mawala sa kontrol ko si Azrael. Nanlaki naman ang mga mata ko nang pilit niyang kinukuha ang anino ng babaeng mataas ang buhok na lemon yellow. Kapag tuluyang mapunit ni Azrael ang anino ng babaeng iyon... She— she'll die.

"Korrina!"

Napapasigaw na sa sakit si Korrina. Lumipad ako as I tried to call back Azrael. He's not responding. Nawawalan na siya ng kontrol. I summoned an antimatter that can neutralize Azrael's darkness. Naging matagumpay naman ito pero it cost me my stamina and my consciousness.

Umikot ang mundo sa paningin ko as I fell down from the sky.

ExtrasensoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon