Pangatlong araw na ito na hindi ko nakita si Cary, Miss na miss ko na siya.
"Sis, okay lang ba kayo ni Syl?" tanong ni Caity at napailing ako,
"Hindi sis, siguro makukwento ko lang kapag nagkaayos na kami ni Cary."
"Nako, sis..kung ano man yan, sana huwag ka muna masyadong magpaapekto..may big project kayo ngayon ni Syl diba? Anytime magpaparamdam na yun."
"Don't worry, work is work. Hindi naman namin isasali doon yung away namin." sabi ko at tumango siya,
Pagkaalis ni Cary ay hinarap ko si Syl,
"What the fck is wrong with you?! Kahapon lang ayos naman tayo ah? Bakit ganyan ka na ngayon??" dire diretsong tanong ko sa kanya,
"I had to do that Ivory!" sabi niya at hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya,
"For what huh? Para mag-away kami? Para hindi kami magpansinan? Fcking tell me!" sigaw ko at napaupo sa sahig,
'Fckkkk! Litong lito ako.'
"Kailangan kong gawin iyon, Ivory, tinutulungan kitang alamin kung sino na ba talaga, isa pa ay one of the best bro ko si Cary, ayaw ko siyang masaktan ulit ng dahil sa'yo, Iv."
"Why did you conclude na sasaktan ko siya? Hindi mo ba alam na mas nasaktan mo lang siya sa ginawa mo?" naiiyak na tanong ko,
"Dahil mas maganda nang mulat siya sa katotohanan at lumayo na ulit siya ngayon para less pain, kaysa dumating ang araw na mapapatay mo siya sa sakit na naramdaman niya. " sabi niya at napailing iling ako,
"Interested ako sa sinasabi ni Mike dahil napakagaling niyang magsalita sa harap ng media. Napakagaling niyang ipagsabi sa mundo na gusto niya ng second chance! Wala na siyang babalikan kasi napakagag0 niya."
Paliwanag ko at kinuha ang bag ko,"S-saan ka pupunta?" tanong niya,
Huminga ako ng malalim, "Kay Cary."
Pero hindi siya nagparamdam, hindi ko siya nakita, tinawagan ko pero wala pa rin. Natulog ako nang hindi pa kami nagkakayos.
"Ivory, Can I talk to you?" biglang sabi ni boss at napatango ako,
Pagpasok ko sa office ay parang gusto kong lumabas ulit, what the heck is he doing here? "Makulit kasi si Mr. Cantada, Gusto niyang makipag-usap sa'yo, and if it's personal, dapat siguro sa labas nalang kayo mag-usap para walang malisyosa."
Bakit boss ko nagdedecide sa personal life ko? Wtf?
Napabuntong hininga ako, "Sige po, I'll be back in 30 minutes or less." Sabi ko at lumabas na ng office,
Dire-diretso akong naglakad hanggamg sa makalabas kami ng building, "Hinay hinay naman sa paglalakad, Vory." Sabi niya at umirap ako,
"Bilisan na lang natin dahil nakakaistorbo ka sa trabaho ko." sabi ko at tumango nalang siya,
------
"What are we going to talk about?" tanong ko,
"Can you please calm down, kahit konti lang?" tanong niya pabalik,
"I can't!" pasigaw na sabi ko at ngumiti siya,
"Kalmahan mo lang please? Para maayos tayong makapag-usap." sabi niya at napabuntong hininga ako,
"Fine." Fine...It's Cary's words, nakuha ko na sa kanya. Arghh, isipin ko lang si Cary, kalmado na ako eh.
"Ayaw ko sanang pormal tayong dalawa, gusto ko yung parang dati lang--"

BINABASA MO ANG
Past, Present, and my Future
Short StoryAng nakaraan ay maaring maging dahilan kung nasaan ka at kung ano ka ngayon, ngunit kailangan mo ring paghandaan ang kung ano mang darating na makakaapekto para sa iyong kinabukasan.