"There's an entertainment that wanted to give us a chance to prove, na kaya nating i-edit yung mga upcoming movies nila na ipapalabas sa tv. Kaya naman ipapadala ko ang editing team sa kanila once na nagstart na silang magfilm. Sylvia, I'll make you the leader this time, it's your time to shine." sabi ni boss at nagkatinginan kami ni Sylvia, parehas na nanlaki ang mga mata namin,
Ya deserved it girl! I mouthed,
"Congratulations, Ivory for gaining more subscribes and for the success sa pagbenta ng first book mo, and Congratulations to Caity na magiging one of the model na ng ****."
Palakpakan naman ang lahat sa mga binalita ni boss, at nang lumabas na siya ng office ay nilapitan naming tatlo ang isa't isa,
"Wow, goals tayong tatlo mga sis!" natutuwang sabi ni Syl at naggiggle kami,
"Congratulations sa inyong tatlo, Caity." singit naman ni Owen na napapakamot sa batok,
"Aww, thank you." sabi naman ni Caity sa kanya,
"So, we should celebrate! This is going to be so fun! G ba mamayang gabi?" tanong ni Syl, at nagkatinginan kaming apat,
"Club?" tanong ni Caity, at tumango tango naman si Syl, "Isama na natin si Owen para may lalaki naman." sabi pa niya at tinignan ko si Owen ng nang-aasar look,
Kilig pwet nanaman dalawang it0o0oo~
"At nga pala, Ito nalang yung bawi mo sa akin! Huwag mong dadalhin si Cary." sabi naman ni Sylvia at natawa ako,
"Kung mapapapayag ko si Cary." sabi ko at umirap siya,
"Siyempre kaya mong mapapayag yun, sa'yo lang naman yun nakikinig eh. " sabi niya at natawa ako,
"Dapat ako dinala mo sa challenge mo eh, may nalalaman ka pang boy best friend." reklamo niya at mas natawa ako,
"Okay, pupunta tayo ng club, walang Cary." sabi ko at nagtalon talon siya,
"Caity, Owen ha? Sabay sabay na tayong pumunta mamaya." sabi niya bago kami pumunta sa kanya kanyang office,
Nagtext naman ako kay Cary,
To: Cary<3
Heyyyy.. I have something to tell you:))
Cary calling...
"Hey, tumawag ka talaga ah?" natatawang sabi ko at nagchuckle siya,
"I missed you, that's why.."
"Yiee, Miss you too."
"Ano yung sasabihin mo?"
"Successful kasi yung pagbenta sa first book ko na napublish and aside from that nag gain pa ako ng fans."
"Wow, congratulations! You wanted to celebrate?"
"Speaking of celebration, kasi diba, nagtampo si Syl because of the vlog? So sabi niya magcecelebrate daw kami mamayang gabi pero dapat hindi ka daw kasama.." sabi ko,
"..."
"Cary?" malambing kong tawag,
"Are you still up??" tanong ko,
"Yes, message me where's the place para kapag uuwi ka na sunduin nalang kita."
"No wayy! Pupuntahan mo kami doon eh!" sabi ko at natawa siya,
"I promise hindi ako susulpot sa celebration niyo, susunduin lang kita to make sure na nakauwi ka safely."
"Ha? No need na, kasama naman namin si Owen eh."

BINABASA MO ANG
Past, Present, and my Future
Cerita PendekAng nakaraan ay maaring maging dahilan kung nasaan ka at kung ano ka ngayon, ngunit kailangan mo ring paghandaan ang kung ano mang darating na makakaapekto para sa iyong kinabukasan.