Chapter 1

13 1 0
                                        

After 2 years..

I haven't fully recovered yet, may konting sakit pa puso ko pero nakatulong ang pagiging busy ko sa work,

"Birthday ko ngayon sis, kaya 'wag kang kj diyan! Pupunta tayo sa house party ko!" sabi ni Sylvia at napapout ako,

"Hanap ka gwapo later, madami doon,  kung gusto mo pa pinsan ko nalang."

"Don't worry nagbakasyon si mom and dad sa ibang bansa kaya mga single lang nasa party ko later. I invited my cousins and their friends. Hindi rin naman makakapunta mga tito and tita ko dahil iba ang sinabi kong celebration sa kanila." sabi niya at napatango ako,

"Two years na ang nakalipas, Iv.  tignan mo ang sarili mo! Mas lalo ka nagmukhang stress kaka focus sa work, ngayong birthday ko kahit pagparty sa bahay ko nalang yung regalo mo sakin." 

Losyang ba ako?

"Sige! Pupunta ako." sabi ko at nagtalon talon siya sa tuwa,

"Yun! Finally! magdamit ka ng ayos ha? Yung sexy para makahanap ka ng bago."

"Loko ka, hindi ako nagsusuot ng ganun, I know what to wear hindi ako papalosyang noh!" sabi ko at naiinis na tumingin sa kanya,

Tumawa naman siya, "Tama yan, niyaya ko din si Caity, I don't know kung makakapunta siya kasi may meet and greet siya ngayong week."

"Sana makapunta siya.." sabi ko at tumango siya, "Nga pala bring swimsuit ha?" paalala niya bago siya pumunta sa cr,

Maaga akong umuwi dahil kailangan ko maghanap ng damit para sa house party ni Slyvia,
 
After preparing things to wear, I fixed my make-up kit, hygiene kit, and there..

"This will be good."

||~~||~~||~~||~~||~~||~~||~~||

"Wow, sis! Ang cutie mo todayy! Gusto mo picture-an kita para sa fans mo??"  tanong ni Slyvia,

"Papicture nalang tayo, post ko na birthday mo." sabi ko at tumango siya,

"AY! teka mamaya nalang, papakilala muna kita sa mga cousin ko." sabi niya at hinila ako papunta sa isang maingay na grupo, "Hey, cousin! Happy birthday!" beso sa kanya nung ibang mga babae,

Tinginan naman sa akin ang iba, mostly mga lalaki, geez, awkward.

"Guys, I would like you to meet my best friend! Ivory.. this is my cousins, later kasi madami pang pupunta kaya baka hindi ko siya maentertain, kayo na kumausap sa kanya if ever, okay??" sabi niya at naghello naman sila kaya tumango lang ako,

"Nga pala, Alis muna kami ha??" sabi niya ulit at hinila nanaman ako sa kung saan,

"Late ka, insan pucha ka!" sigaw niya sa isang lalaki, at tumawa lang naman ang lalaking ito,

"Sino may sabing dapat mo kong murahin?" nakataas ang isa niyang kilay,

"Sisihin mo tong mga kaibigan ko, at ang tagal nilang kumilos." sabi pa nito at tinuro ang mga lalaki na nakangisi sa likuran niya,

"Sorry, princess..kailangan kasing magpagwapo eh." sabi nung isa at natawa naman ako,

Napatingin silang grupo, "look, my best friend doesn't agree at your statement, bawasan mo pagfifeeling mo diyan." sabi niya at nanlaki ang
mata ko, loko tapaga nitong babaitang ito! Ipapahamak pa ako.

"By the way, she's Ivory." pakilala niya at ngumiti ako sa kanila,

"Wait, Ivory Balleseña?" tanong naman ng isang lalaki at napatango ako,

Past, Present, and my FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon