Chapter 10

6 0 0
                                    

Video call nalang ang buhay namin simula nung umalis siya, hays grabe namimiss ko na siyaaa!!

"Hoy sis, hilatang hilata ka ngayon ah? Hindi ka ba magvavlog? Or sulat ng update sa story mo?" tanong ni Syl at napapout ako,

"Ano ba magandang gawin natin?! For the vlog?" tanong ko,

"Shopping tayo? Sama natin si Caity?"
Suggest niya at napatango ako,

"Gagawa lang ako intro, tanong mo na si Caity kung g siya." sabi ko at tumango tango siya,

In-open ko ang cam ko, wala akong pake kung di pa ako nakakapag-ayos,

"What's up people? Ivory's here! Ngayong po sa video na ito ay magkakaroon tayo ng shopping with my friends, Caity and Sylvia! Pero hindi pa ako nakakabihis kaya brb!" sabi ko at in-stop ko muna ang video.

Edit is life. "Wala ka namang kabuhay buhay sis, ano? Gagawin mo bang buhay mo si Cary? Delikado yan, may ilang years pa kayo at marami pa kayong challenges, stay strong pero siyempre magtira ka pa rin para sa sarili mo." sabi niya at nagkibit balikat nalang ako,

"Sige, arat na at baka magtampo ka nanaman, g daw ba si Caity??" tanong ko,

"Kasama daw si Owen, g lang ba?" tanong niya pabalik at napakurap ako,

"Nagliligawan na ba sila?" tanong ko,

"Ayy, oo sis..parang ilang beses mo na iyan tinanong sa akin." sabi niya at napasapo sa noo,

"Sorry, nakafocus kasi ako kay Cary." sabi ko, at umirap siya,

"Give me the cam." sabi niya at binigay ko naman,

"Hi poo! I'm Syl and bukod sa magshashopping kami, may challenge ako para sa sis ko. Miss na daw niya kasi si Cary, so for today's challenge, hindi dapat niya mabanggit si Cary sa kahit anong paraan, kapag nabanggit niya si Cary or yung callsign lang nila, kailangan niya kaming ilibre sa kung saan kami tatapat." sabi niya at tinapat sa akin ang cam, nanlaki pa naman ang mata ko sa sinabi niya,

"Ughh Ivorybabies, a challenge is a challenge." sabi ko at nag-umpisa na nga ang challenge,

Sinundo muna namin si Caity at Owen, nagkaroon kami ng chitchat about random topics, thankfully hindi ko naiinvolve si Cary sa mga topic namin,

"So, Ivorybabies!! Kakain muna kami ng snow ice cream dahil nagcecrave ako, arat naaa!" sabi ni Syl at napalunok ako,

"Yung oreo flavor ang pinakafavorite ko dito, how about you, guys?" tanong ni Syl at napapout ako,

I miss him already.

"Ayun..Oreo flavor din ang favorite ko kasi yun ang favorite ni Ca--ko. Heheh." jusq, ayaw kong manlibre..

"Alam niyo guys, nakakaloka yung challenge na ito kasi imposible talagang hindi mabanggit ni Ivory si Cary." sabi ni Caity at napatango naman ako,

"Tama guys, I love him very much." sabi ko at napatakip ng mata, naghiyawan naman silang tatlo,

"Ililibre tayo ni Ivory ngayo0on~" kanta nila at natawa ako,

"That's how they play games guys, madumi sila maglaro, napakadaya." sabi ko at nanlaki ang mata ni Syl,

"Oy oy oy! Kung madaya kami, bakit nagpadaya ka naman? " tanong niya at napapout nalang ako,

At least, they're helping me to realize something that'll be helpful for me someday. 

||~~||~~||~||~||~~||~~||~~||~~||

Pang anim na araw na, wala pa rin si Cary, grabe parang ang tagal na wala siya, hayst, tapos hindi pa siya nagtext sa akin, or call..hindi rin kami nagvideo call. Nagpapamiss ba siya ng todo? Grabe naman.

Past, Present, and my FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon