Nagleave muna ako ng dalawang linggo sa trabaho dahil tumawag si mama na may sakit daw si lola, ako lang daw maasahan sa ngayon dahil nasa business trip siya, bawi bawi ko nalang ito para mabawasan yung pagkadismaya niya..
Pagbalik ko sa work ay nilapitan kaagad ako ni Syl,
"Hoy sis, nag-aalala na si Cary sa'yo, hindi ka daw nagrereply sa kanya, hindi ka na nga daw nayaya noon sa birthday ng kapatid niya dahil hindi ka macontact. Check mo naman phone mo, saka pumupunta si Cary dito para icheck ka, pero wala ka. Saan ka nanaman ba nanggaling? Iniwan mo din lahat ng work mo sa akin. Nako ka talaga sis, may utang ka sa akin na one week libreng lunch."
"Sorry, Nagkasakit kasi si lola, ako muna daw mag-alaga sa kanya sabi ni mommy, atsaka babawi ako sa work..nagpaalam naman ako kay boss about sa pagleave ko, naiintindihan niya naman." paliwanag ko at tumango siya,
"kamusta na lola mo?" tanong niya,
"Ayun, umaayos naman na, nakauwi na si mama kaya siya nalang daw ang mag-aalaga." sagot ko at tumango ulit siya,
"One week na lang ang natitira tapos goods na tayo sa first teleserye na ineedit natin. Makakapagpahinga na rin tayo konti sa wakas." sabi niya at nagulat ako, oo nga pala tagal kong nawala, ilang months na rin naming pinaghahandaan toh.
"Sana maganda ang feedback ng mga netizen sa first project natin, para naman umasenso tayo lalo."
"May perks din ang pagiging vlogger sis, hindi yan mahirap." sabi ko at tumawa siya,
"Post mo nga '#success is waving,' for sure daming likes and shared niyan. "
"Depende pa yan." sabi ko at natawa siya,
"Oops, alis muna ako at may bisita ka na." sabi naman niya at napatingin ako sa pintuan,
"C-cary.." pagkasambit ko ng pangalan niya ay patakbo niya akong niyakap,
"Hey, Are you crying?" bulong ko sa kanya at mas humigpit ang yakap niya,
"Why are you doing this to me?? Bakit hindi ka nagchchat back?" tanong niya at natawa ako,
Niyakap ko siya pabalik, "Sorry na po ah? Nagkasakit kasi si lola kaya kailangan kong umuwi ng probinsiya."
"Bakit hindi ka man lang tumawag? Akala ko iniiwasan mo ako dahil dun sa nangyari sa mall." sabi niya at tumingin siya sa akin,
Tumawa ako, "Hindi ah? Atsaka ayaw mo yun? Namiss mo ako?" tanong ko at umiling siya,
"Huwag ka na mag-alala, okay? Wala kasing connection sa probinsiya eh, kahit na gusto kong mag inform sa'yo, hindi ako makahanap ng signal.."
"kamusta lola mo?" tanong niya,
"Ayun, nakakarecover na, pero si mama na daw bahala sa kanya."
"Basta next time, you know what to do, alam mo namang nasanay na ako na kachat ka at lagi kang kasama tuwing uwian niyo." sabi niya at ngumiti ako,
"Opo, Sorry again..nga pala, trip ko kumain sa labas ngayon, G ka ba?"
"Gusto mo sa MilkteaNa? " tanong niya at naestatwa ako,
"Ivory??"
"A-ano??"
"Gusto mo ba sa MilkteaNa? Hindi pa kasi tayo nagmimilktea eh, trend din naman yun, try natin."
"Uhm, okay..G lang." sabi ko at lumawak ang ngiti niya,
"Arat na, pinaalam kita sa boss mo, balik ka na lang after lunch." sabi niya at napanganga ako,

BINABASA MO ANG
Past, Present, and my Future
NouvellesAng nakaraan ay maaring maging dahilan kung nasaan ka at kung ano ka ngayon, ngunit kailangan mo ring paghandaan ang kung ano mang darating na makakaapekto para sa iyong kinabukasan.