"How are you?" tanong ni Cary at hinalikan ako sa noo, ngumiti ako,
"Still worried, baka kasi pumunta dito si mama at awayin ka nanaman."
Sabi ko at niyakap ko siya,"Hindi ka pa rin ba nakipag-ayos sa mama mo?" tanong niya at umiling ako,
"Don't worry magkakaayos din kayo."
Sabi niya at tumango ako,"Sana.." sabi ko,
"Can you go out today? Ayos lang ba sa'yo?"
"Saan pupunta?" tanong ko,
"Ipapakilala sana kita kanila mama." sabi niya at nanlaki ang mata ko,
"What?" tanong ko,
"Ipapakilala kita kanila mama." ulit niya at hindi ko alam mararamdaman ko,
"Sira ka talaga, bakit hindi mo sinabi kanina?" tanong ko,
"Eh kasi I want to ask you first kung gusto mo ba sumama sa akin papunta kanila mama, kaya lang nung tumawag sila sa akin kanina, ineexpect nilang pupunta tayo sa kanila." kwento niya at nagpout ako,
"Teka lang maghahanda lang ako, tambay ka muna sa kotse mo." sabi ko at tumango siya,
------
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, Simple lang naman ang sinuot ko pero pangmalakasan ang dating charottt.
"Baby, handa ka na ba?" tanong ni Cary mula sa labas at napasulyap naman ako sa pintuan,
Binuksan ko ito at ngumiti sa kanya,
"Ays ba?" tanong ko at nagpose pose pa,
Todo ngiti naman siyang nakatitig sa akin, wushushu gandang ganda sa akin..
"Ganda mo pakiss naman." sabi niya at pabiro ko siyang hinampas,
"Tigilan mo ako ah!" natatawang sabi ko at hawak kamay kaming pumunta sa kotse niya,
Ilang minuto akong nag-iisip kung anong gagawin ko mamaya, kung paano ko babatiin yung magulang niya, kung magiging tahimik ba ako o feeling close..
"Ang tahimik mo naman yata?" tanong ni Cary at lumingon ako sa kanya,
"Kasi..kinakabahan ako, baka hindi ako magustuhan ng magulang mo, pati ng kapatid mo." sabi ko at hinawakan niya naman ang kamay ko,
"Baby talaga kita noh? Don't worry, they're excited to see you." sabi niya at ngumiti ako,
||~~||~||~||~~||~~||~~||~~||~||
"Baby, wake up..nandito na tayo." dahan dahan kong minulat ang mata ko at ginusot ito,
"That fast?" tanong ko dahil inaantok pa ako,
"It's already 11:40 am, baby. 4 to 5 hours ang biyahe, tinulugan mo lang ako buong biyahe." Sabi niya at nagpout, tumawa naman ako,
"I'm sorry cutie, ang aga kasi nating nagising eh." sabi ko habang bumababa ng kotse niya,
"It's alright, mabuti nang nakapagpahinga ka." sabi niya at sinarado na ang kotse,
"BIG BRO!!" sigaw ng isang lalaki at napatingin kami sa direksiyon noon at patakbo itong pumunta sa amin,
Akala ko ay yayakapin niya si Cary pero binatukan niya,
"Woah.." napalakas na sabi ko at napatingin silang dalawa sa akin,
"Oops! I'm sorry ate, hindi ko na yun gagawin ulit." aniya at natawa naman si Cary,
BINABASA MO ANG
Past, Present, and my Future
NouvellesAng nakaraan ay maaring maging dahilan kung nasaan ka at kung ano ka ngayon, ngunit kailangan mo ring paghandaan ang kung ano mang darating na makakaapekto para sa iyong kinabukasan.