CHAPTER 9

164 1 0
                                    

Muli akong lumapit kay Primo at tinignan kung kamusta na ito. Primo was unconscious. Kumuha ako ng isang balde ng malamig na tubig sa kusina at ibinuhos ko ito sa kaniya. Nagising siya at nilalamig.

"Heyyy, love. Kamusta?"

He was just silent and just stared at me. Nanghihina na siguro siya kaya hindi na niya maibuka ang kaniyang mga bibig o sadyang ayaw niya lang talagang magsalita.

"Kaya mo pa ba?"

Tanong ko sabay halakhak ng napakalakas.

He began shouting and cursing me. Pinagmumura na niya ako at sinabihan pa akong nasisiraan ng ulo.

"Hindi ako baliw!"

He continued cursing me hanggang sa dinamay na niya maging ang pamilya ko. Sa sobrang inis ko ay sinampal ko siya.

"How dare you! Wag mong idamay ang mga parents ko dito."

Primo continued talking things about my parents. Kung ano anong masasakit na salita ang naririnig ko mula sa kaniyang bibig.

"Stop! You fucking asshole!"

I tried covering my ears but he still continued at mas nilakasan pa niya ang kanyang pagsasalita. Kitang kita ko ang kanyang mukha na humahalakhak na para bang sinapian siya ng demonyo.

"I said stop! Damn, you!"

Tuluyan na akong di nakapagpigil kaya naman muli kong kinuha ang kutsilyo and I quickly stabbed him on the chest. His laughs were changed into deep silence.


Umalingawngaw sa kuwarto ang malakas kong sigaw nang maramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko.

“Bitawan niyo ako!” sigaw ko habang nagpupumiglas sa mahigpit nilang pagkakahawak sa akin.

Bumilis ang aking paghinga, gayundin ang pagtibok ng aking puso. Nandilim ang aking paningin nang makita ko ang imahe niya sa labas ng puting silid na kinaroroonan ko. Malamig ang tingin nito sa akin. Lalo akong nagpumiglas at nang makawala’y tumakbo ako palapit sa salaming naghihiwalay sa aming dalawa. Kinalampag ko iyon nang kinalampag hanggang sa unti-unting tila nagiging abo ang imahe niya.

Nasalampak ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod. Ang nagngingitngit na galit ay napalitan ng takot. Mas bumilis ang aking paghinga.

“Primo, ‘wag,” pagmamakaawa ko habang lalong humihigpit ang pagkakayakap sa sarili. “Primo, ayaw ko.” Dumadausdos ang luha sa aking mga mata.

Naramdaman kong may kumapit sa aking mga braso. Pilit kong inilalayo ang aking sarili sa maiinit na mga palad na aking nararamdaman.

Unti-unting lumabo ang paligid.

“Primo... ‘wag mo akong iwan,” bigkas ko bago tuluyang dumilim ang paligid.

—END

--- Author's note ---

Thanks for reading until chapter 9. I hope you can share my story to your fellow readers so they could read it, too :))

PS: I'll post my upcoming tragic stories sooner so be sure follow me and keep yourself updatedddd

YOUR LUST, MY LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon