Dear Mahal,
Sikat ka na noon pa sa College of Education dahil isa ka sa mga pinaka-cute na butch existing sa buong campus. At dahil nasa College of Education din ako, hindi lingid sa akin kung gaano ka kagaling mambola, este, maglaro ng bola dahil isa kang varsity ng basketball.
Hanggang sa naging parte ako ng College Publication at dahil isa akong sports article writer, team ninyo ang target palagi ang scoop ko. Alam ko ang schedule ng games ninyo, kung ano ang scores bawat quarter ng team niyo, at kung gaano karaming points ang nagawa mo kada game play.
Kasama ako sa mga victory parties ninyo at kilala na rin ako ng coach pati team manager ninyo dahil nga lagi akong nakabuntot sa inyo, specifically sa iyo dahil ikaw ang team captain.
Hanggang sa isang araw, nanalo kayo against College of Nursing, na pinakamabangis na kalaban ninyo that season. Nagkaroon ng bonggang victory party, October 22 noon, at kasama ako doon.
Sa kalagitnaan ng party, bigla mong inagaw ang mic at sinabi mong, “Kung sino man ang makakuha ng jersey ko, akin ka.” At kagaya ng inaasahan, parang mga naipitan ng ano ang mga babaeng nandoon. May pagka-papansin ka talaga na feeling mo lahat ng babae gustong maging jowa ka. Tatalikod na sana ako para umuwi dahil gabi na, nang magulat ako dahil tumakip sa mukha ko ang amoy-pawis mong jersey. Oo, ang jersey mo, na kung sino man ang makakuha, magiging iyo na.
Nilapitan mo ako at kinuha mo mula sa kamay ko ang jersey mo, at bigla mo akong hinalikan sa pisngi. “Akin ka na, Princess.” Halos mawala ako sa ulirat nang malaman kong alam mo ang pangalan ko. “K-kilala mo ako?” Tigagal na napatingin ako sa iyo, ngumiti ka sa akin at hinawakan mo ang Press ID na nakasabit sa leeg ko, kung saan nakasulat ng malaki ang pangalan ko—PRINCESS.
Pero hindi nawala ang kilig ko lalo na ang paakyatin mo ako sa stage at i-announce sa lahat na simula ngayon, October 22, ako na ang girlfriend mo.
Ibinabalik ko na sa iyo ito. Dahil hindi naman talaga ako nakipag-agawan para makuha ‘yan. Kung paanong napunta ‘yan sa mukha ko, hindi ko rin alam. Pero in fairness, kinilig ako. Nakakainis mang aminin kasi alam kong trip-trip lang ‘yun pero kinilig ako. At nahulog sa iyo.
Nagmamahal,
Princess
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.