My Aedan,
Ayaw na kitang tawaging mahal. Gusto kong tawagin ka sa pangalan mo.
Mula nang makipaghiwalay ako sa iyo noong Undas, tumigil na rin ako sa pagsusulat sa College Publication. Kahit may mga laro o training kayo, hindi na ako sumisilip para makita ka.
Hanggang sa manalo kayo sa isang laro, at muli ay may naganap na victory party. Wala akong nagawa kung hindi pumunta dahil reunion din ‘yun ng College Publication.
Nagulat ako nang agawin mo ulit ang mic at sumigaw na “Kung sino man ang makakuha ng jersey ko, akin ka.” Pumikit ako. Harap-harapan mo na akong papalitan that moment. At harap-harapan kong makikita kung sino ang ipapalit mo sa akin. Tahimik akong nagdasal na sana hindi ka seryoso sa sinabi mo.
Pero nang magsigawan ang mga babae, alam kong itinuloy mo ‘yun. Pagdilat ko, nagulat ako dahil nasa harap kita, dala mo ang jersey mo at inabot mo ‘yun sa akin.
Niyakap mo ako, at bumulong ka sa akin.
“Akin ka na, Princess.”
Bumalik ka, Mahal. At ibinabalik ko ang lahat ng ito sa iyo, hindi dahil ayaw ko na. Kundi dahil gusto kong magsimula tayo ulit ng mga bagong memories. Gusto kong magsimula ng mas maayos at masayang relationship kasama ka.
Sinabi kong lahat ang gusto at ayaw ko sa mga sulat at bagay na nandito sa loob ng kahon, para hindi na maging dahilan ang mga bagay na ‘yun para maghiwalay tayo ulit.
Gusto kong tumagal ito. Hindi lang 40 days, hindi lang isang taon. Kung pwede ng habambuhay, sana habambuhay.
I love you, Aedan. At kahit hindi ko man nakuha ang jersey mo, sa iyo pa rin ako.
Nagmamahal,
Princess
***END***
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.