Dear Mahal,
November 1 nang magkita tayo sa sementeryo. Sinamahan mo akong dalawin ang puntod ni Mama. Tahimik ka lang habang pinapanood mo akong nagsisindi ng kandila para sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip mo.
“Princess, siguro ang ganda ng Mama mo. Kasi maganda ka. Sigurado ako, kamukha mo siya.”
Princess. Tinawag mo ako sa pangalan ko. Sa totoo lang, mahal, kinilig ako. Pero ‘yung takot, hindi nawala. Natakot ako na baka masyado akong mahulog sa iyo, masyado akong umasa tapos bandang huli isa lang naman pala itong palabas.
Ikaw ang una ko, mahal. Hindi ako nagkaroon ng boyfriend o girlfriend. Wala. Kaya halos mawindang ang mundo ko nang gabing ‘yun na biglang taken mo na ako. Wala man lang ligaw-ligaw kagaya ng nababasa ko sa mga love stories.
“Aedan, gusto ko na makipag-break.”
Nasa harap pa rin tayo ng puntod ni Mama noon. Hindi ako makatingin sa iyo dahil ayokong makita kung ano ang reaksyon mo.
Bigla mong kinuha ang kamay ko at isinuot mo sa akin ang isang singsing. Nagulat ako. Hindi ko alam kung anong klaseng singsing ‘yun kasi kakaiba ang itsura.
“Ginawa ko ‘yan. Gawa ‘yan sa unang bola na binili sa akin ng lola ko. Nabutas kasi ‘yung bola ko, saka matanda na ‘yung bola kaya hindi na talaga siya magagawa. Kaya naisip ko, gagawin ko na lang singsing at ibibigay sa iyo. Ang ganda kasi ng kamay mo. Bagay ang kulay orange. Malinis ‘yan. Isang lingo ko rin ginawa ‘yan. Hirap pala guamawa ng singsing na gawa sa goma. Pero maganda naman di ba? Bagay sa’yo.”
Hindi ako nakpagsalita habang sinasabi mo ‘yun sa akin. Ang ganda talaga ng singsing. Astig. Tinahi mo ang gilid at saktong-sakto siya sa sukat ng daliri ko.
“Mahal kita, Princess. Hindi ko alam kung bakit ka nakikipaghiwalay. Pero kung ito ang gusto mo, hahayaan kita.”
Gusto kitang hilahin pabalik sa akin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Pero may mga bagay na kailangan nating pakawalan. Hindi dahil sa duwag tayo. Kundi dahil doon ko masusukat ang lahat—kung babalik ka ba sa akin, kung paninindigan mo ang sinabi mong ‘Kung sino man ang makakuha ng jersey na ito, akin ka.’
Pero tumalikod ka at naiwan ako. Dahil ito ang ginusto ko.
Bakit tayo nag-break? Dahil ito ang pinili ko.
Nagmamahal,
Princess
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.