Dear Mahal,
Sikat ka. Sa dami ng babaeng baliw na baliw sa iyo, aaminin ko na isa ka sa pinakasikat hindi lang sa College of Education kundi sa buong campus. And somehow it made me proud dahil ako ang girlfriend mo. Pero ang magkaroon ng sikat na jowa ay hindi madali. Lalo na kapag napapaligiran ka ng mga b*tch na gagawin ang lahat para lang sirain ang araw mo.
Nananahimik akong nakaupo nun sa bleacher habang pinapanood ko kayo na naglalaro nang biglang may lumapit sa akin at walang sabi-sabing nilagyan ng bagong nguyang chewing gum ang ladlaran ng buhok ko. Nanlaki ang mata ko at halos gusto kong sumigaw sa inis dahil sobrang mahal na mahal ko ang buhok ko.
Sakto namang napatingin ka sa akin habang abala ako sa pagtanggal ng chewing gum sa buhok ko. Alam kong nagtataka ka kung paano napunta dun ‘yun. Nang half break na ay tumakbo ka papunta sa akin na may dalang gunting, at sinabi mo, “Mahal, let me help.” Nanlaki ang mata ko at nagulat nang gupitin mo ang parteng nalagyan ng chewing gum. Kung susukatin halos nasa one inch din ang nagupit mo. Hindi naman ganun karami pero maselan kasi ako sa buhok at ayokong kung sino-sino lang ang gumugupit ng buhok ko.
Hindi ako nakapagsalita. Halo-halo ang nararamdaman ko. Inis, amused, asar, kilig. Hanggang sa matapos na ang half break, hinalikan mo ako sa noo at bumalik ka sa paglalaro.
Kaya tayo nagbreak ay dahil sa dami ng babaeng nakapaligid sa iyo. Mahirap makipag-kompetensya. Mahirap maging panatag dahil sikat kang varsity player at ako ay isang nobody sa school.
Nagbreak tayo, hindi dahil ginupit mo ang buhok ko, kundi dahil nakita kong iba ang point of view mo sa mga bagay-bagay. Lumaki kasi ako sa aral na kapag may isang gamit na nasira, ginagawa, hindi tinatapon. Pwede ko pa sanang gawan ng paraan ang pagtanggal ng chewing gum sa buhok ko, kesa ang gupitin ito. Maraming paraan, kagaya ng pagpahid ng olive oil para maalis, o ng peanut butter, o vegetable oil. Kahit ano, huwag lang gupitin.
Huwag mo sanang gamitin ang mga strands ng buhok ko na ‘yan para ipakulam ako.
Nagmamahal,
Princess
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.