Dear Mahal,
Una sa lahat, gusto kong i-inform ka kung magkano lang ang baon ko sa isang araw—one hundred. Kasama na ang pamasahe sa LRT at pampa-photocopy ng mga hands-out. At ang isang g-tech na gamit ko, gamit ko na ‘yun para sa isang sem.
Hinihintay kita noon sa bleacher ng gym kung saan kayo nagpa-practice kasama ang teammates mo habang abala ako sa pagsusulat ng susunod na article tungkol sa iyo. Nagulat ako nang lumapit ka sa akin, may dala kang bola at walang paalam na inagaw mo mula sa kamay ko ang g-tech ko na kakabili ko lang ng refill. “Aha! Instant needle o! Thank you, Mahal!” Anak ka ng pating! Ginawa mong needle ang ballpen ko para mahanginan ang bola mo. Tapos ‘yung refill itinapon mo na parang wala lang. Awang-awa ako sa g-tech ko dahil baluktot na ang dulo nito at hindi na mapapakinabangan dahil nasira na rin pati ang barrel ng ballpen ko.
Walang pakundangan na tinalikuran mo ako at itinuloy ang paglalaro mo habang ako, pinupulot isa-isa ang g-tech na pinag-iipunan ko kada sem. Na sinira mo lang.
Isa sa dahilan kung bakit tayo nag-break ay dahil wala kang pagpapahalaga sa mga bagay na mahalaga sa ibang tao. Ang mahalaga sa iyo ay ang sarili mong gusto—ikaw. In love ka sa sarili mo. Hindi mo iniisip ang mga bagay na nakakasama sa iba mapagbigyan lang ang gusto mo. Nobody gets in your way, dahil you are so grand you think everyone bows before you.
Pero minahal ko at niyakap ang lahat ng ‘yun dahil kaya mo namang dalhin. Siguro masyado lang akong umasa na dahil jowa mo ako, hindi mo ako itutulad sa mga taong niyayabangan mo. Lalo na ang mga fans mo.
At dahil sa baluktot na g-tech na ‘yan, napilitan akong gastusin ang nakatago kong ipon na pambili ko sana ng wristband na sale sa Toby’s Sports para iregalo sa iyo sa weeksary natin. Pero hindi ko nabili. Sayang. Sayang ang ballpen ko.
Nagmamahal,
Princess
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Novela JuvenilAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.