Dear Mahal,
Pagkatapos ng tatlong araw mula nang sirain mo ang g-tech ko, nagulat ako dahil nagpadala ka sa publication office ng dalawang pirasong bagong g-tech. Kaso nga lang, kulay red. Paano ko namang magagamit ang kulay red na ballpen sa pang-araw-araw kong buhay sa university?
Pero nang mga panahong ‘yun, nang makita ko ang mga ballpen na pinadala mo, pakiramdam ko isa akong napaka-swerteng babae. May pagka-shunga ka nga lang talaga dahil mali ang spelling ng ilang words na nakasulat sa note na kasama ng mga red g-tech na binigay mo.
Pero in fairness, bumawi ka dun. Wala kang narinig sa akin nang sirain mo ang ballpen ko. At siguro isa ‘yun sa mga dahilan kung bakit tayo nag-break. Hindi ako nagsasalita sa tuwing nagtatampo ako o nasasaktan o na-a-upset. O sa tuwing sa tingin ko ay may kulang. Hindi kasi ako nagsasalita, kaya baka hindi mo alam.
“Dear Mahal, happy weeksary! Ayan, isang linggo na tayo. Pasensya ka na sa regalo ko ah. Sabi kasi nila favoreyt mo daw ang red kaya ito na lang ang niregalo ko sa iyo. Sana nagustuhan mo, mahal. Red naman ‘yan eh. I hope you will stay as sweet as you are. Aylabyu, mahal!”
Isinama ko an rin ang note mo na mali ang spelling ng word na ‘favorite’. Pero sige. Baka typographical error lang, pinagbigyan ko na. At talaga namang kinarir mo ang kulay red dahil sa isang red na papel at red na ballpen ang ginamit mong panulat. Masakit siya sa mata, pero sweet. Salamat.
Nagmamahal,
Princess
![](https://img.wattpad.com/cover/26691092-288-k105188.jpg)
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.